Part 20

145 8 5
                                    

Kaharap ni Lola Amara ang isang dambana kung saan nakalagay ang pinakaiingatang kwentas na kapareho ng kwentas ng kaniyang matalik na kaibigan na si Agatha.

Iniingatan niya ang kwentas dahil iyon ang symbolo ng pagiging matalik na magkaibigan nila.Once na magkasama ang kwentas na iyon at ang kay Agatha umiilaw ito na para bang may buhay.Nagkukulay orange na hindi maintindihan at umiinit sa palad pag iyong hawak ang kwentas.

Ang pagkakaibigan nila ay walang hanggan kahit na nga pinili ni Agatha ang buhay na meron sa taga lupa.

At hindi nakakalimutan ni Amara ang kanilang pangako sa isa’t isa na ipapakasal ang sino mang maging anak o apo nito sa magiging anak o apo ng kaniyang kaibigan.

Dahil sa kwentas na nasa dambana madalas itong kausapin ni Amara sa pamamagitan nito para na rin niyang kasama ang kaniyang kaibigan na si Agatha.

Kung hindi nito piniling umibig sa taga lupa sana magkasama pa rin sila ngayon,hindi ito makakaranas ng pagtanda at hindi magkakasakit.

Gusto niya tuparin ang pangako sa matalik na kaibigan na ipakasal ang apo nito at ang apo niya na si Skinner.

Naiinis lang siya sa kaniyang apo dahil hanggang ngayon hindi pa rin nito nahahanap ang apo ni Agatha.

Kung sino mang babae ang pinagkakaabalahan nito na siya niya namang tutulan kung sakaling umibig ito sa isang tagalupa kung hindi rin lang ang apo ni Agatha.

Katatapos lang magpalit ni Savanah nang makitang may tagos siya at inis na inis ito.Nagkaroon siya ng monthly period hindi nakabuo ang ginawa nilang pagtatalik ni Skinner sa lawa na siyang plano niyang gamitin upang maangkin ito at hindi siya magawang tanggihan.Pero nang makita niya ang kwentas na kaparehong kapreho ng kwentas ni Lola Amara ay napawi ang pagkainis niya.

Ang kwentas na ito ang magbibigay sa kaniya ng swerte,mapapasakaniya na ang lalaking naiibigan,bukod pa sa nag iisa itong taga pagmana ni lola Amara.

Nung unang kita niya sa kwentas na lang mukha itong mumurahin at walang pakinabang.

Pero sa dalas niyang nakikita kay lola Amara na mahalaga pa ito sa ginto ay daig niya pa ang naka jackpot sa lotto,dahil magagamit niya ito upang makabingwit ng kayamanan.

Pinasok niya muli sa kaniyang bulsa ang kwentas at tinungo ang kinaroroonan ni lola Amara.

Hindi siya nagkamali dahil naglalagi ito sa dambana kung saan naroroon ang importanteng bagay na mayroon ito sa nawalay na matalik na kaibigan.

Noong una gusto itong pagtawanan ni Savanah.Pag nakikita niya si Lola Amara na halos sambahin ang walang kwentang kwentas na di umanoy kakambal ng kwentas nito na nasa matalik na kaibigan.

Asar na asar siya dito lalo na at pinipilit nito ang gwapong apo na hanapin ang anak o apo ng matalik nitong kaibigan upang ipakasal dito.Hindi naman niya magawang ipakita ng lantaran ang pagkairita niya dito.

Unang kita pa lang kasi niya sa apo nito ay nabighani na siya,at gusto niyang maangkin ito na parang pag aari niya.SIno ba naman na kalahi ni Eba ang hindi mabibighani sa gwapong mukha ng adonis na si Skinner.Bukod pa sa nakakapag laway na katawan nito na maraming babae ang mababaliw sa inggit kung sakaling mapapasakanya ang binata.

Bawas point lang ang pagiging snobero nito sa kaniya,kaya naman ginagawan niya ng paraan upang mapasakaniya ang binata.

Tudo bait baitan ang ginagawa niya upang mapalapit ang loob kay Lola Amara.

Baka masabihan pa siyang walang utang na loob at baka saang kangkungan pa siya pulutin.Hindi niya rin nais na balikan ang walanghiyang Harold na iyon.

Mas maganda ang buhay niya ngayon dahil nakatira siya sa malapalasyong bahay at lahat ay nakukuha niya.

“Ano ba!!Bakit dito mo ‘ko dinala?”

Angil ng dalaga dahil napansin niya na kwarto ito ni Skinner.Obvious naman na sa binata ito dahil sa picture frame nito sa ibabaw ng side table at pang lalaking desenyo ng kaniyang kwarto.

Bukod nga sa nag iisang lalaki ito sa pamilya na nasa mansyon.

“Tsskk….Hindi mo ba ako namiss?”anito na hindi pinansin ang pagrereklamo ng dalaga.

“Hindi!At bakit kita mamimiss?!”

“Really?You’re such a liar honey.I will prove to you that I am right and you are just lying.”nakangisi itong nilapitan ang dalaga.

Umiwas ng tingin si Mai at nararamdam niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib na para bang may dagang naghahabulan.Aminado siyang nag sisinungaling siya dahil ang umaapaw ang katotohanan na miss na miss niya ang binata,pero hindi niya iyon aaminin sa harap nito.

“No way!Ano siya sinuswerte matapos niyang makipag flirt kung kani- kaninong babae at pasakitan siya.

Alam niyang marupok siya pero hindi siya aamin na miss na miss niya ang binata.

Tinalikuran niya ito upang tunguhin ang pintuan ng kwarto.

Nagulat siya ng isang iglap na sa harap na niya ang binata.

Nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang paningin niya,wala ni isang saplot ang binata.Napatakip siya sa bibig ng mapasinghap.Buhay na buhay ang alaga nito na nakasaludo sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin ng makitang nakangisi sa kaniya si Skinner.

“What?!Stop grinning at me!”

Natawa lang ang binata na tumaas ang kabilang kilay nito sa pagtataray sa kaniya.

“Uhm you know that my buddy really miss you babe and I know you miss me too Mai dont deny it!”tukso nito na walang pakiyeme na sinunggabang ng halik ang dalaga.

Nalunod na lang sa halik ang tangkang pag protesta ni Mai sa ginagawa ng binata.

Ipokrita siya kung hindi niya aamining hindi niya ito namiss.

Na miss niya rin ang paraan ng paghalik nito sa kaniya na ngayon ay maalab niyang tinutugon.

Ang mga saplot ni Mai unti -unti ng naglaglagan sa sahig dahil sa pangahas na si Skinner.

Napangisi si Skinner nang tangkain pang takpan ito ng dalaga.

“Dont….I want to see your beautiful body honey.”

Inirapan naman ito ng dalaga.

“Sus!!Dont me!Halos mag hubad na sa harap mo ang mga ka flirt mo and dont tell me na hindi maganda ang mga katawan nang mga babae mo!”

Natatawang kinabig na lang niya ang dalaga at sabik na hinagkan ito at baka awayin na naman siya nito.

Nagsasabi naman siya ng totoo na miss na miss niya ang dalaga kahit na mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

Mapag-uusapan naman ang mga iyon pero hindi na makapaghihintay ay maaangking muli ang dalaga.

Hindi pa man nag uumpisa pakiramdam niya ay nag aapoy na siya sa pagnanasa na maangking muli si Mailyn.

At wala siyang balak na pakawalan ang pagkakataon na iyon.Ang dalaga na mismo ang nagtungo sa teritoriyo niya nang hindi nito nalalaman.

At totoong nasurpresa siya ng makita ito na panauhin nila.

Nagtataka man siya kung bakit nakarating sa nakaapak sa lugar nila ang dalaga ay hindi niya gaanong binigyan ng pansin.

Dahil wala pang taga lupa ang napapadpad sa daigdig nila ng hindi siya ang nagdadala rito.

Bukod nga kay Savanah na mismong lupa niya ang nagdala sa dalaga nang tulungan ito ng matagpuang walang malay sa ilog.

Ikalawang beses pa lang ni Mai na nakaapak s lupain nila Skinner,una ng dalhin siya ng binata sa lugar nito ng hindi niya namamalayan.

Ikalawa ngayon na hindi niya akalaing ang mala-palasyong bahay at mala-paraiso na harden ay pag aari nito.

Alam niya naligaw lang siya ng hindi sinasadya at hindi niya akalaing magkikita silang muli ng binata.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon