Walkers Twentyeight

2.6K 69 2
                                    

ALIYAH'S POV

Nandito parin ako sa magarang kwarto. Kasama ko sila Lara at Shane. Si Alice umalis kanina e di pa nabalik. Mabait sila! Di sila masasama, nagkekwentuhan lang kami. Pero di nila sinasagot mga tanong ko tungkol sa personal life nila. They are hiding something..

Bumukas ng malake ang pinto, pumasok si Alice.

"Lara Shane tara.... Aliyah sasama ka." tumango lang ako at sumunod na sakanila. Nauuna maglakad si Alice nasa likod niya ako tas sa likod ko si Lara at Shane. Nakakatakot lagi aura nung Alice, kapag titingin sayo parang may nagawa ka sakaniya na di maganda

Pumasok kami sa isang sobrang lake pero di naman talaga sobra, basta malakeng pinto siya. Tas napaka laki ng silid na to. Madaming walkers na andito. Tas meron tong malaking upuan parang trono ganon pero nakatalikod to.

Nung nakarating kami sa tapat ng trono na yon. Bigla na lang to humarap.....

"Tita  Denisse?!" sigaw ko

"Hahaha! Tama ka dyan Aliyah!" sabi ni Tita. Bigla akong hinawakan ni Lara at Shane sa magkabilang braso ko. Si Tita Denisse yun yung na issueng kabit ni Dad. Pero mag bestfriend lang pala sila.

"T-teka, Paano?! Bakit?!" Di ko alam kung paano ako mag rereact.

"Alam mo bang hindi totoo yung sinabi namin ni John sainyo ng pamilya mo?" John ang pangalan ng dad ko. Humigpit yung hawak nila sakin nung lalapitan ko sana si Tita Denisse

"Aray! Ano ba?! Kaylangan higpitan hawak sakin?!" Pagtataray ko sa dalawa. Tumingin sila sakin.. Katakot aura netong mga to ah. Parang kanina lang ang babait nila. Di ko sila maintindihan ah? "Teka ano sabi mo?" dagdag ko

"Totoo yung hinala niyo samin ni John. Kabit niya talaga ako!" What the fuck?! "Pero mas pinili niya kayo kaya ang sinabi namin mag bestfriend lang kami! Alam mo bang gaano kasakit yon Aliyah?! Mahal na mahal ko tatay mo! Pero mas pinili niya kayo!" Napataas kilay ko sa sinabi niya

"Eh ano naman?! Anong karapatan mong magalit? Eh sabi mo nga kabit ka lang?"

" Aba! Nasagot ka pa! Pasalamat ka at may kaylangan ako sayo"

"Ano namang kaylangan mo?" Tumayo siya at may kinuhang baso sa side table niya. Lumapit siya sakin itinapat niya sakin yung baso

"Kaylangan ko ng isang tulo ng iyong dugo." tapataas lalo kilay ko

"Ano ka po? Chix? At aanhin mo ang precious blood ko?!" Pag iinarte ko.

"Tama ka dyan. Precious ang dugo mo kaya kaylangan ko yan."

"Aanhin mo ang dugo ko? ilalagay mo sa mukha mong kulubot na" Kung kanina nakangiti siya ng sobrang plastik. Ngayon sumeryoso mukha niya.

"Wala ka ng pakelam don. basta kaylangan ko ng dugo mo."

"Bat naman kita bibigyan?! Pagkatapos ng nalaman ko tingin mo bibigyan kita?!" Sabi ko, tiningnan niya si Shane at Lara. Inangat ni Lara yung kamay ko nakatapat to sa baso. pilit ko siyang tinatanggal pero sobrang lakas niya. Si Shane naman may Karayom na hawak.

"Shit" tinusok na yung karayom sa hintuturo ko. tumulo na yung dugo ko sa basong may tubig ata un ewan. Bigla namang ngumiti si Tita Denisse.

Iinumin nya sana yung basong yon..

Biglang nabasag ang baso at nagkalat ang laman ng baso sa sahig. Napatingin kami kung sino yung bumaril non. S-si Alice?

The Walkers (COMPLETED)Where stories live. Discover now