Walkers Thirtyone

1.7K 58 2
                                    

ALIYAH'S POV

"Alice dalhin mo ko kay Denisse" sabi ko sakaniya. Hindi ko na nakakaya yung ganto, nahihirapan na mga kasama ko at ako. Kaya haharapin ko na siya.

"At bakit?!" Sagot ni Shane pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako direkta sa mata ni Alice.

"Sige" sagot ni Alice na ikinatuwa ko.

"WHAT?!" Sabay na sigaw ni Shane at Lara.

"For real Alice?! Nasunod ka sakaniya?!" Galit na sabi ni Lara.

"Pagod na ko sa lahat ng to! Kung ano man ang kaylangan sakin ng amo niyong uugod ugod na, ibibigay ko!" Sabat ko.

"Kahit buhay mo ang kaylangan niya?" Sagot ni Shane. Napaisip ako saglit, pero wala na akong pake. Mamatay na kung mamatay, maligtas lang sila Patrisha.

"Oo!"

"ALIYAH! TUMIGIL KA!" Pigil sakin ni Alice.

"Alice bakit parang kinakampihan mo na yang babaeng yan? Hindi ba dapat masaya ka kasi makakalaya na din tayo sawakas kapag namatay na yang babaeng yan?!" Galit na sabi ni Lara kay Alice. Tinapik naman ni Shane si Lara dahil sa sinabi niya.

So ginamit lang ni Denisse ang mga to para sa plano niyang patayin ako? Bakit ako? Ano bang nagawa kong mali sakaniya at parang sobra ang galit niya sakin?

Bago pa sumagot si Alice dumating bigla si Denisse

"Ano bang kaguluhan to?!" Sigaw niya sa tatlo.

"Eto kasing si Alice.." Siniko siya ni Shane. "Uh.. Uhm.. Ano po.. Nakakapikon kasi." Palusot niya, di ko alam kung bakit niya ginawa yon. Wala na akong nagegets sa nangyayari.

"Totoo ba yon Alice?!" Nag alangan pa siyang sumagot, pero tumango na lang din siya.

Pero ako hindi na ako makapagpigil.

"DENISSE!!" Sigaw ko sakaniya.

"Anong karapa.."

"BAKIT MO BA TO GINAGAWA TONG LAHAT NANG TO?!" Pinutol ko siya.

"KASI GUSTO KITANG PATAYIN!!" Nilapitan niya ako at pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "Alam mo kung bakit gusto kitang patayin ha? Dahil sa tatay mo!" Inalog alog ko ulo ko para matanggal yung pagkakahawak niya sa pisngi ko. At sabay dinuraan ko siya.

"Bakit ka sakin nagagalit ha?! Isang hamak na anak lang naman ako at hindi ako yung asawa! Dapat nagagalit ka sa mama ko at hindi sakin! Pero wag ka magalala! PATAY NA SIYA!" Sigaw ko sakaniya.

"Well di na ako magtataka kung mamatay siya. Kasi alam ko kung gaano kahina ang ina mo!" Sagot niya. Naiiyak na ako sa sinasabi niya, sobra na siya.

"Eh gago ka pala eh!" Sinuntok ko siya ng pagkalakas lakas, dahilan sa pagkatumba niya.

Tinignan niya ako ng masama at tumayo. Kinasa niya ang baril niya at itinapat sa ulo ko. Ramdam ko babarilin na niya ko nang biglang sinipa ni Alice yung baril na hawak ni Denisse. At saka sinuntok ng malakas si Denisse, dahilan ng pagkahimatay niya. Agad inalis ni Alice ang pagkakakadena sa paa ko at agad akong hinila at tumakbo palabas ng kwarto. Nagtago kami sa isa pang kwarto na hindi ko pa napuntahan simula nung pagkapunta ko dito.

"Aliyah, kahit anong mangyari mag iingat ka. Wag mong hahayaan na patayin ka ni Denisse." Sabi sa akin ni Alice. Hindi ko siya maintindihan. Gulong gulo ako sa nangyayari. Bakit ako tinutulungan ni Alice?

Dumating na si Lara at Shane.

"Alice ano bang ginagawa mo? Sa ginagawa mo lalo tayong napapahamak!" Sigaw ni Lara sakaniya.

"Lara babaan mo boses mo" saway sakaniya ni Shane

"Kasi gusto ko nang matapos tong gulong to!" Pigil na pigil yung boses ni Alice.

"Lalo lang gumugulo Alice!" Ganon rin ang boses ni Shane.

"Hindi gugulo kung magtutulungan tayong apat." Sabi ni Alice. Ano ba talagang plano netong babaeng to.

"Para san? Ano bang plano mo?" Tanong sakaniya ni Lara.

"Patayin si Denisse"

---

Hi my beloved readers. Dahil sem break haha eto may update na ulit. Sorry matagal nanaman. Sorry din kung medyo magulo ang story, hirap parin kasi ako alalahanin yung plot e. I am trying my best na iconnect yung mga naiisip ko bagong scenes sa mga previous updates ko. Hirap talaga guys so please iintindi niyo na lang ng mabuti. :( loveyou guys

The Walkers (COMPLETED)Where stories live. Discover now