Chapter 3 - Trip to Hongkong

64 1 0
                                    

CHAPTER THREE

PART 1

hay..wala na namang klase may meeting kasi yung mga teachers kaya eh to magulo at maingay na naman ang classroom. ang tagal na din since nung huling encounter namin ni Nica sa Trio.

talagang tinupad nga ni Levi yung sinabi niya sa kin.simula nun hindi na kami ginulo ng grupo niya, wala na ring nagawa ang mga mean girls at bitches dito sa school kundi ang hayaan kami at wag ng guluhin.

pero naaasar pa din ako sa kanya. dahil ninakawan niya ko ng halik. siguro ginawa niya yun para makaganti sa akin. Patong patong na kaso na ang pwede kong isampa sa kanya. Child abuse at rape?? At meron pa sigurong iba.. hessh. akala niya siguro patay na patay ako sa kanya tulad ng ibang babae. gwapo nga siya. pero yung ugali niya mas pangit pa sa  pinakapangit na tao sa mundo.

teka.sembreak na nga pala next week. kaya eto na naman si Nica, halos kanina pa siya sa harap ko at hindi nagsasawa na pilitin akong sumama sa out of the country trip ng school. Every year kasi to ginaganap parang educational trip na rin, open sa lahat ng year level at voluntary ang pagsama. Sa Hongkong ang destination ngayong taon, kaya naman gustong gusto sumama ni Nica, kahit ilang beses na siyang pumunta dun para lang pumunta sa Disney land.

NICA: Elisha, sumama ka na pls. hindi ako papayagan ni mommy pag di ka sumama. kaya sumama ka na. promise lahat gagawin ko sumama ka lang.

AKO: Nica. gusto man kitang samahan. eh wala kaming budget para diyan. ang mahal kaya ng pamasahe noh.

NICA: WHAT?!! kanina pa ko pilit ng pilit sayo. di ka umiimik diyan. tapos yan lang idadahilan mo. dont worry bestfriend akong bahala sayo. sagot ko lahat ng gagastusin natin sa trip na yun. and wag ka na pala mag worry about kay Tita ipapaalam kita sa kanya. *wink*

Di na ko nakipagtalo pa sa kanya. mahirap kalabanin si Nica pagdating sa mga ganitong sitwasyon. mapapagod ka lang. kaya bago pa man ako mapagod eh pumayag nalang ako. wala namang mawawala sa akin kung sasama ako. tutal libre naman eh.hahaha

NICA'S POV

"sigurado ka bang dadating pa yung kaibigan mo?" ang tanong ni Tristan na kanina pa inip na inip sa kahihintay.

"oo, sigurado ako.dadating na yun.hintayin nalang natin siya  ng konti."

hasyh.san ka na ba Elisha?? siguradong tinanghali na naman siyang gumising. naku naman, si Elisha talaga oh.

"kailangan na nating umalis. kanina pa tayo naghihintay pero wala pa din siya. hindi naman pwedeng mag hintay tayo dito sa wala." sabi naman ni Levi habang tumutingin sa relo niya.

papasok na silang lahat, ako nalang ang natitirang nakatayo dun. alam ko dadating siya.

i checheck in ko na yung mga gamit ko ng biglang

"teka. sandali!!"

huh??? lumingon ako.

"Elisha!! pinakaba mo ko akala ko hindi ka na dadating."

"pasensya na. tinanghali ako gumising eh. sorry."

"ok lang yun. atleast nakadating ka di ba? :-)"

halos mga 3 oras din ang biyahe mula Manila papuntang Hongkong

pagkarating sa Hongkong ay wala na muna masyadong activities na ginawa pagod kasi ang lahat at ginawang rest day nalang ang araw na yun para makapagpahinga pagkatapos ng isang mahabang biyahe.

PART 2

NICA'S POV

Kinabukasan, excited na talaga ako sa  first day of tour namin dito sa Hongkong. ang una kong ginawa pag kagising?? syempre ginising ko ang aking dear bestfriend. pero ang hirap niya talagang gisingin kaya naligo nalang muna ako.

The Trio (When The Kingkas Meet Their Match)Where stories live. Discover now