Chapter 1 - The First Encounter

162 5 3
                                    

CHAPTER ONE

PART 1

"aba gusto mo bang makatikim ng sapak? huh?

"wag Elisha! maawa ka sakin. wag mo kong saktan! maawa ka sakin pls."

"hahahaha. tignan mo nga.kawawa ka naman Levi. sinong mag aakalang luluhod sa harap ko ang mayabang at kilalang si Levi?hahaha.....wag na wag mo na kaming guguluhin ng mga kaibigan mo kung hindi. di lang yan ang aabutin mo sakin!"

RIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!

RRRRIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!

RRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!

RRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!

RRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG!!!!!!!!!!

harshhhh......ayoko pa sana magising, pero sa tindi mag alarm ng 5 alarm clock ko. sino ba naman ang hindi magigising?

pero sayang!panaginip lang pala. akala ko naman totoo na! haysh. kawawa sana sa akin yung kumag na yun. walang hiya! akala mo kung sinong gwapo. haysh. kainis.

maya maya bumangon na rin ako at nag ayos para pumasok sa school.

at ang mama ko as usual parang alarm clock din.

lagi akong nabubungangaan sa umaga dahil sa sobrang bagal ko daw magkilos. aba!inaantok pa kaya ako noh. at isa pa....... inaantok pa talaga ako.

after maligo, magbihis at kumain ay umalis na ako papuntang school at pagkatapos ng mahabahabang biyahe ay nandito na ko sa wakas. sa bago kong school. ang San Lorenzo Academy.

kung gaano ka anghel ang pangalan ng school na to. ganoon naman kasama ang mga ugali ng estudyante dito. hindi naman lahat. pero karamihan mga mean at b*tches!

gate palang ng school na to, masasabi mong mayayaman ang mga nag-aaral dito.

at ako?

hindi noh! dahil sa scholarship kaya ako nakapag aral sa school na to. at isa pa----

"Friend!!!"

"oh Nica"

ang bestfriend ko nga pala. Si Nica Yna Reyes. transferee din siya sa school na to. galing yang states. mayaman at syempre maganda.

at ako? haha hindi pa nga pala ako nagpapakilala ako nga pala si Elisha Cheska Dela Cruz transferee at isang 3rd year highschool student. bagong lipat lang din kami dito. maganda? ewan? pero sabi nila reyna daw ako ng kasungitan. well, wala naman akong paki alam dun!

"teka late na ba ako? kasi halos magkasabay lang tayo eh"

"grabe ka naman. maaga lang talaga ako ngayon noh."

Ah ou nga pala ako nga rin pala yung reyna ng late sa klase.

"ah ganun ba? akala ko kasi late na ko eh, oh sha. tara na pumasok na tayo at baka maabutan pa natin yung tatlong sira ulo"

"whaaaa!!!!ang trio!andito na ang trio!!!"

halos mabingi ang tenga ko sa sigaw ng babaeng nasa likod namin.

speaking of the devil. nandito na naman tong tatlong lalaking to na, hay naku!ang aga aga todo kung magpacute akala mo kung sinong mga gwapo! well gwapo naman, pero hay naku! ubod naman ng sama ang mga ugali!

The Trio (When The Kingkas Meet Their Match)Where stories live. Discover now