CHAPTER 4: COURAGE TEST PART 1

13 0 0
                                    

"Unti-unting lumalalim ang gabi. Padilim nang padilim ang paligid pati na rin ang loob ng abandonadong gusali. Marami na rin sa mga estudyante ang pumasok sa gusali at sinubukan ang kanilang lakas ng loob habang bakas naman sa mukha ng mga naiwan sa labas ang takot at kaba at ang kagustuhang umuwi na sa  kanilang mga tahanan kung saan nasisiguro nila ang kanilang kaligtasan. . . ."

"Hoy Shin alam kong magaling ka sa story-telling pero pwedeng  manahimik ka muna? Baka mabuko tayo nito kasi ang ingay mo" sabi sa akin ng kambal ko. Kung nagtataka kayo kung asan kami ngayon, nandito lang naman kami sa damuhan malapit sa building kung saan gaganapin yung courage test nagtatago. Yup nandito talaga kami at ngayong araw na yung courage test (tinamad na yun author na gumawa ng filler chapter kasi diretso tayo agad-agad sa courage test chapter). Sa katunayan nga nagawa naming makumbinsi si Kuya Lorcan na sumama sa amin. Sa simula ayaw niya pang sumama buti na lang at madiskarte kami ni kambal at pasalamat na rin sa unexpected na bisita ni Chelsea (na dapat ay may sasabihin sa amin pero naudlot dahil nga tumulong siya sa pagkumbinsi kay Kuya na sumama sa amin) kaya napapayag namin si Kuya na sumama. 

"Bakit ba kasi pumayag akong sumama dito?" tanong ni Kuya habang pasimpleng hinahanap si Rei sa group ng mga estudyante na nandoon. Hindi nga pala alam ni Rei na nadito kami ngayon. Pumuslit lang kami.

"Kasi nag-aalala ka sa bunso mong kapatid lalo na ng nalaman mo na lalaki ang partner niya sa activity na 'to," sagot naman ni Chelsea. Nasabi ko bang sumama sa amin ngayon ang guardian namin? 

"Okay class get your partners!" narinig naming sumigaw ang teacher na naka-isip ng courage test. Pangiti-ngiti ito habang lumilibot para bumunot ang mga estudyante niya sa kahon na dala niya. Laman ng kahon ang number ng pagkakasunod-sunod ng kung sino ang mauunang pairs na papasok sa building. Ang hindi namin inasahan ay ang naisip na mechanics ng teacher para sa courage test. Sabay ngang papasok ang pair sa loob ng building pero papasok sila sa magkaibang pinto (ung isa sa front entrance samantalang yung isa naman sa back entrance naman) at ang unang makahanap sa partner nila at sabay makalabas ng building (sa front entrance dapat) ay siyang panalo --- at syempre may premyo ang panalo ewan ko nga lang kung ano. Hindi naman kasi sinabi ni teacher eh.Habang asar na asar si Kuya sa ngiti at takbo ng utak nung teacher kami naman nina Chelsea halatang excited sa mga pwedeng pasabog na tinatago ng teacher na ito. Sayang at walang naging ganitong activity and naging klase namin nung buhay pa kami. Mukha kasing enjoy ito. 

"Rei pang-ilan kayong papasok?" narinig naming nagtanong ni Lizzy kay Rei.

"Pang-walo kami. Kayo?" sabay tingin ng masama kay Leo na para bang nagbabanta na kung may ginawang kalokohan ang lalaking yun sa bestfriend niya, siguradong patay siya. Kung mayroong tinatawag na 'women intuition' syempre meron ring 'men intuition' at salamat sa intuition na yun alam na ni kambal na crush ni Lizzy ang partner niya at dahil kapatid ko pareho si Shun at Rei ramdam ko na pareho silang naaasar kay Leo. Tsk.

"Pang-lima kami."

"Good luck sa atin."

"Ang sabi daw nila may multo daw dito sa building  kaya ito ang piniling location para sa courage test." Sa tono ni Keith ay hindi naman ito nananakot pero natakot pa rin sina Rei at Leo. Multo huh? Sabagay dahil nandito kami malapit sa building in a sense parang may multo nga dito. Lalo na kung icoconsider mo si Chelsea. 

"Oo nga pala muntik ko nang makalimutan," biglang sabi ng teacher, "siguraduhin niyong hindi kayo maliligaw sa loob at makakalabas pa kayo na nakakabit pa ang kaluluwa niyo sa katawan niyo" nakangiti ito at halatang nag-eenjoy sa ginawa.

Maya-maya lang pumasok na ang unang pares sa loob ng gusali. Hindi pa nga sila tumatagal sa loob ay nagulat kami nang narinig namin agad na nasa labas ang sigaw nung dalawa. Ang nakakatawa pa eh mas malakas pa ang hiyaw nung lalaki kaysa sa partner niyang babae. Ano yun bakla lang? Pagtingin namin ulit sa mukha ng teacher hindi man lang niya sinubukang itago ang saya sa mukha niya  sa naging reaction ng mga pumasok na sa building at sa mga taong susunod na papasok sa gusali. May mga nagtangka ring tumakas pero wala silang kawala sa teacher nilang 'to.

Nang pumasok na ang pangalawang pares, medyo lumapit kami. May maliit kasi dun na butas sa gilid ng gusali at kapag pumasok na si Rei sa loob, papasok rin kami at doon kami sa butas lulusot. Dahil madilim ang lugar kung saan kami nagtatago, hindi sinasadyang nakasabit si Shun sa isa sa mga maliliit na sanga ng halaman na dinaanan namin at dahil nga nasabit siya, nakagawa siya ng ingay. Narinig ito nina Rei at agad na tumingin sa direksyon namin. Buti na lang at nakatago kami agad sabay 'meow' para kunwari pusa yung may gawa ng ingay. Mabilis naman nawala ang interes nila sa ingay at inalis ang tingin sa amin maliban kay Keith. Si Chelsea ay mabilis na umalis sa pinagtataguan (nagtago pa rin siya kasi kahit hindi nakikita ng iba, nakikita pa rin siya ni Rei dahil kapatid namin siya) pero nagtago ulit nang napansin niyang hindi pa rin umaalis ng tingin si Keith sa direksyon namin at medyo seryoso na ang mukha niya. Bumalik lang ulit ang usual niyang facial expression nang inalis na ni Keith ang tingin niya sa direksyon namin.

Hmm? Ano bang problema nito ni Chelsea? 

At dahil hindi ko alam kung ano ang sagot sa sarili kong tanong (malamang hindi ako magtatanong kung alam ko lang naman ang sagot, diba?) hindi ko na lang pinansin si Chelsea at lalong hindi ko napansin ang pananahimik ni Chelsea nang pumasok na si Lizzy at si Leo sa loob ng building at si kambal naman ay pasimpleng papasok na rin sa nasabing building.

"Saan ka pupunta Shun?" tanong ni Kuya.

"Umm. . .sa loob?" sagot naman ni Shun.

"At bakit  papasok ka na at iiwan mo kami dito sa labas ng walang pasabi?"

Hindi na nakasagot ang suspect. Naman kasi pwede naman niyang sabihin sa amin na gusto na niyang pumasok sa loob kasi nag-aalala siya kay Lizzy. Hay naku! Alam naman niya na alam namin na alam niyo rin readers na in short alam nating lahat na may gusto siya kay Lizzy! Ilang beses ko na ba namention ha?

And without further ado, andito na kami sa loob ng building! Wow! Atmosphere pa nga lang mula sa labas eh pang-horror na pano pa kaya dito sa loob? Haha! Exciting talaga ito. Salamat at kahit isang teddy bear na lang ako ay nabigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang ganitong feeling! Yey!

Pagkapasok na pagkapasok namin sa gusali rinig na namin agad ang mga yabag sa loob ng gusali at kung in-born sayo ang pagiging matatakutin walang duda na wala pang isang oras ay miyembro ka na ng mga kinatatakutan mo dahil namatay ka na sa atake sa puso. Medyo matagal-tagal na kaming palakad-lakad dito sa loob at pakiramdam ko nga na nawawala na kami kasi halos pare-pareho lang naman ang itsura nang mga nadadaanan namin nang may napansin si Kuya.

"Asan na si Chelsea?"

Nagtinginan kami ni kambal sabay sagot ng 'ewan'. Multo nga ang babaeng yun, di man lang namin napansin na nawala na pala siya. Ngayon tuloy tatlo na ang dapat naming hanapin --- si Rei, si Lizzy at si Chelsea. 

At naglakad ulit kaming magkakapatid. Hindi nagtagal may nasalubong kami babaeng kaklase ni bunso. Sa una medyo nagulat siya nung nakita kami at medyo nakahinga ng maluwag nang mapagtanto na stuff toys lang kami. At dahil 'magalang' kami ni Shun kumaway kami sa babae sabay sabi ng 'hi' at tulad ng inaasahan kumaripas ng takbo ang babae. Tawang-tawa kami doon habang si Kuya Lorcan naman asar na asar kunwari (halata kasing nagpipigil siya ng tawa). Ganun rin ang mga naging reaksyon ng iba pang mga nakasalubong namin mapababae man o lalaki.

Kumaripas na ng takbo ang pang-pito naming nasalubong nang may narinig kaming sigaw na nakapagpa-alala sa kung bakit talaga kami nandito sa loob ng gusali. Boses nina Rei at Lizzy ang narinig namign sigaw!

Teddy Bear Love ♥♥♥Where stories live. Discover now