TEDDY BEAR 3: INVITATION

42 1 3
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nang na-acquire namin nina Kuya ang teddy bear bodies namin at medyo nakapag-adjust na kami magkakapatid, kasama na dun si Rei. Nung una palaging nakakalimutan ni bunso na teddy bear na ang mga katawan namin kaya kapag gumigising siya sa umaga at nakita niya kaming gumalaw ay mapapasigaw na lang siya bigla. Kami naman sa part namin ang hirap kasi masyadong restricted ang mga katawan namin ngayon kaysa sa tunay naming mga katawan. Una, nahihirapan kaming abutin ang mga bagay-bagay dahil medyo maliit na kami. Mahirap rin ang paggalaw-galaw sa loob ng bahay dahil may mga bagay kaming hindi pwedeng gamitin o mas tama nga atang sabihin na hindi namin magamit dahil mas mabigat ito kaysa sa amin kaya hindi namin ito magalaw, example nito ay ang pagluluto (si Kuya lang naman ang nakakaexperience nito dahil pinagpipilitan niyang iluto si Rei ng agahan kahit marunong na si bunso na magluto). Kailangan rin namin na mag-ingat sa tubig kasi inaabsorb ng katawan namin ang tubig at kapag nakapasok ang tubig sa katawan namin hindi na kami makagalaw. Naalala ko nung isang beses nagbalak kami ni kambal na gulatin si Rei habang naliligo pero ang bilis ng karma kasi natumba kami at nakashot kami sa tabo na puno nang tubig. Hindi kami nakagalaw sa sobrang bigat ng katawan namin at para matuyo kami ay isinampay kami ni Rei. 

What an experience! Hindi ko akalain na maeexperience ko ang masampay na para bang stufftoy lang (well stufftoy naman talaga ako ngayon)! Pinagalitan nga kami ni Kuya dahil sa kalokohan namin at kahit blanko ang facial expression ni Kuya alam ko sa loob ay tawang-tawa siya samin. 

Hanggang ngayon hindi pa namin alam kung hanggang kailan lang kami tatagal sa katawan naming 'to (nagpakita samin si Chelsea isang beses pero wala pa rin siyang maibigay na due date) pero ayos lang at least maeenjoy namin ang panibagong buhay namin na hindi namomroblema kung hanggang kailan lang ang kasayahan naming 'to.

Speaking of panibagong buhay, ang laki ng naging pagbabago sa lifestyle ni Rei simula nang mamatay kami. Napilitan kasi siyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho at dahil dun ay konti lang ang oras na nasa bahay siya. Medyo nacucurious ako sa kung ano ang buhay niya sa labas ng bahay. Simula kasi nang ilibing kami hindi na nakalabas ng bahay ang mga espiritu namin sa hindi malamang dahilan. At dahil sa curious ako, naisipan kong sumama ngayon kay bunso papunta sa school at sa trabaho ------ ng hindi niya alam.

"Good morning!" sabi ni Lizzy na hindi man lang kumatok sa pinto bago pumasok.

"Rei! Bilis na! Andito na si Lizzy" sabi naman ni Kuya Lorcan. 

"Sandali lang!" sagot ni Rei mula sa kusina. "Huh? Ba't parang bumigat ng konti ang bag ko? Sandali asan si Kuya Shin?" narinig kong tanong pa niya nang binuhat niya ang bag niya kung saan ako nagtatago.

"Malay. Bilis na at baka malate ka pa." boses ni Kuya ang sumagot. Dahil hindi ko narinig si kambal na nagsalita, hula ko ay natulala na naman siya. Maya-maya lang narinig kong sinarhan ang pinto at naramdaman kong naglalakad na si bunso papuntang eskwela.

Pagdating ni bunso sa gate narinig namin kaagad ang bell at biglang kumaripas ng takbo papuntang classrooom ang dalawa para ilagay ang mga bag nila sa mga upuan nila. Sa sobrang pagmamadali ay basta lang binagsak ni Rei ang bag niya at dahil nasa loob ako, lalo akong naiipit ng mga gamit niya. Maya-maya, pagkatapos ng flag ceremony, narinig ko ang ingay ng mga estudaynteng nagkukwentuhan. Sa totoo lang medyo nakaramdam ako ng inggit kay Rei. Namimiss ko rin kasi ang buhay estudyante.

"Yo Rei! Ang pangit mo pa rin hanggang ngayon." narinig kong may tumawag kay bunso. Ang lakas din ng loob nitong tawagin si Rei na pangit!

"Ikaw naman Leo ang pangit ng ugali mo hanggang ngayon." Leo? Parang narinig ko na ang pangalang yun. Ah! Oo naalala ko na! Si Leo dela Fuerte, ang lalaking pinakaiinisan ni Rei. Kung hindi rin ako nagkakamali itong si Leo ay bestfriend ng crush ni Rei. Ano na nga ulit ang pangalan nun?

Teddy Bear Love ♥♥♥Where stories live. Discover now