Teddy Bear Love ♥♥♥

82 3 3
                                    

“Teddy Bears don’t need hearts as they are already stuffed with love.” -Unknown-

PROLOUGE: (Alexander Shin Aragon's POV)

"Ang bawat buhay dito sa ibabaw ng lupa ay hiram lang. Hindi natin alam kung paano at kailan ito babawiin sa atin. Pwede tayong mamatay bukas, sa makalawa o kaya naman kapag matanda at uugod-ugod ka na kung saan napagdaanan mo na ang mga dapat mong pagdaanan at handa ka nang isuko ang hiram mong buhay para sa panibagong buhay na ilalaan Niya para sayo."

Medyo makata no? Yan ang sagot sakin ni Papa nung nagtanong ako sakanya kung bakit namamatay ang isang tao nung bata pa ako. Kakamatay pa lang ni Mama at dahil bata pa ako noon, gusto kong maintindihan kung bakit iniwan kami agad ni Mama at kung bakit sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, bakit ang Mama ko pa ang namatay. Ang totoo niyan wala akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi ni Papa nung araw na iyon pero ngayon....

"S...Shin...."

Kahit nahihirapan at habol ang hininga katulad ko dahil sa sugat sa tiyan, pinilit ng kakambal ko na gumapang palapit sakin. Habang papalapit siya, napansin ko na umiiyak siya. Nung una akala ko umiiyak siya dahil sa sakit ng sugat niya pero narealize ko na iba ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

"Si...K...Ku...Kuya...."

Tumingin ako sa direksyon na tinuro sakin ni kambal at laking gulat ko nang makita ko ang panganay naming kapatid na puno ng dugo ang ulo at halatang malamig nang bangkay. Sinubukan kong tawagin si Kuya, nagbabakasakaling mali ako at sumagot siya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nararamdaman kong dahan-dahang pumipikit ang mga mata ko at unti-unting dumidilim ang paligid. Naririnig kong paulit-ulit akong tinatawag ni kambal pero parang ang layo-layo na ng boses niya hanggang sa wala na akong narinig at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Teddy Bear Love ♥♥♥Where stories live. Discover now