Miming says Two : The Real Story

416 23 1
                                    

Author's Note : at dahil nasa mood ako ngayon nagdraft na ako wahaha !!

Follow me
Vote
Comment
&
Share

®

Zelle's POV

"HOY ! BUKSAN MO TONG PINTO BAYOT KA !"at narito nanaman siya.. si kuya red. Sinusubukan niyang pumasok sa kwarto ko.. Lasing na lasing kasi ito ng dumating at di ako pwede lumabas baka kung anong mangyari.

"BAKLA ! BUKSAN MO TONG PINTO !!" sigaw niya sa labas. Parang sisirain niya na yong pinto sa lakas ng pagkatok niya.

"KUYA ! ANO BA ! HUWAG MO NA NGANG ISTORBUHIN SI ZELLE ! GABING GABI NA ! MAHIYA KA NAMAN !!"Rinig ko ring sigaw ni cheska. Salamat talaga at mabait si cheska at tita clara saakin tanging yong mag-ama lang yong asik na asik saakin. Hindi ako lumalaban kasi nahihiya ako.. Halos sila na ang nagpalaki saakin at sila na din ang tinuring kong magulang. Kaya nga ginagalingan ko sa pag aaral para masuklian ko yong pagpapalaki nila saakin at bilang sukli sa pagsisikap ko naging full scholar ako sa University na pinasukan ko. Si kuya red hindi ko ba alam ba't naging ganyan siya saakin nong highschool naman ako okay pa kami eh. Nagsimula lang yong pagiging ganyan niya nong nalaman niyang nililigawan ako ng kabarkada ko. Kaclose ko din kasi siya noon. At siya ang sinasabihan ko ng kaganapan sa buhay ko. Si tito steve naman simula nong nalaman niyang bakla ako lagi nalang mainit ang ulo niya saakin. Bigla nalang akong nawala sa pagiisip ko ng may tumatawag sa cellphone kung cherry mobile D11 eh wala akong pambili at ayaw kong binibilhan ako. Napansin kong wala ng sumisigaw sa labas siguro napagod na si kuya red kakasigaw. Pagtingin ko sa cellphone ko

Rey Calling...

"Hello Rey, watz up ?" Panimula ko.

"Okay ka lang ba ?! Rinig ko nanaman yong pagwawala nong gagong red na yun ! Sinaktan ka ba niya ?! Bat kasi ayaw mo pang tanggapin yong offer namin ni mama na dito ka nalang tum-" sabi ni Rey. Si Rey yong nabanggit kong kabarkada ko na nanliligaw saakin at jan lang siya nakatira sa harapan. Ewan ko ba sa lalaking to bat nanliligaw eh di naman ako worth ng panliligaw niya di naman ako babae. Simple lang naman ako at wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. Alangan namang pera habol niya eh wala ako non at mayaman naman na siya. At about sa offer nila ni tita Olivia, mama ni Rey gusto nilang don nalang ako tumira sa bahay nila para safe daw ako at di ko na raw problemahin lahat dahil sagot na raw nila lahat eh ayaw ko naman ng ganon gusto ko pinaghihirapan ko ang mga bagay na nakukuha ko. At ito pa ! Ang kapal ng mukha niyang sabihin kila tita clara at tita olivia na nililigawan niya ako !

"Rey ! Ano ka ba okay lang ako ! Ang o.a mo talagang mokong ka ! At ilang beses ko ba sasabihin di ko matatanggap yang offer niyo ni tita. Di ko naman kayo kaano ano para tumira jan sainyo biruin mo libre lahat. "Sabi ko.

"Tss. Problema ba yun ! Di pakasalan na kita agad ng maging parte ka ng pamilya namin ng di ka mahiya."sabi niya. Namula naman daw ako. Adik talaga tong lalaking to !

"Napaadik mo talagang mokong ka ! Abat di pwedeng magpakasal ang dalawang lalaki sa pilipinas." Sabi ko.

"Tss. Sa amerika pwede. Kung di ka man lang kasi pakipot di sana mrs. Zelleo Antonio ka na."sabi niya. Ang adik talaga nitong rey na to.

"Hoy ! Hoy ! Hoy ! Ako pakipot ?! Hoy di ako pakipot ! Di pa talaga ako handang pumasok sa isang relasyon at kasal agad ?! Di pa nga nagiging tayo eh !"sabi ko.

"Di pa ? Yun oh ! Sabi ko na nga ba may balak kang sagutin ako pakiput ka lang eh." Sabi niya aba ! Mahangin talaga tong isang to !

"Ang kapal mo talaga ! Cgue na matutulog na ako goodnight" sabi ko. At pinatay ko na ang tawag. At natulog na.

***

Andito na ako ngayon sa school. Andito ako ngayon sa music room nagprapractice lunch break na kasi namin tinakasan ko si bestie para makapagpractice. Dahil Ako lang naman mag isa yong kakanta sa Friday. Inumpisahan kong galawin yong piano. Kaya ko to ! Hmmmm. Susubukan kong kantahin yong kinompose ko na kanta.

°°° THE REAL STORY

[Verse 1]
l want to be alone
even do i know that there's no one's here

I need to hide myself
because im dying inside

[Pre-Chorus]
I thought i did my best, my very best
Showing who i really am, but not,

[Chorus]

Because,

I Know, They will Hate me when they truly know who i really am inside,

Every Pains im gaining, the tears im losing to ease the sorrow i feel.

[Verse 2]
l want to be alone
even do i know that there's no one's there

I need to hide myself
to protect my dying self inside

[Pre-Chorus]
I thought i did my best, my very best
Showing who i really am, but not,again

[Chorus]

Because,

I Know, They will Hate me when they truly know who i really am inside,

and every, Pains im gaining, the tears im losing to ease the sorrow i feel.

[Bridge]
Coz' Those Memories ,Tragedies
That keeps on flashing back
Those memories, tragedies
that keeps on telling me to
Hide again
Hide again
Hide again
AGAIN AND AGAIN

[Repeat Churos]

I Know, They will Hate me when they truly know who i really am,

and every, Pains im gaining, the tears im losing to ease the sorrow Im feeling

the sorrow im feeling
the sorrow l FEEL...

Pagkatapos kong kumanta sinara ko na yong organ. At pinunasan yong luhang nag uunahan sa pisngi ko. Hay naku ! Salamat nalabas ko ang hinanakit ko ngayon. Naglakad na ako palabas.

Habang naglalakad ako sa hallway may sumalubong saakin. Ang mga bullies dito noon pa. Hindi na nga ata sila makagraduate graduate.

"Oh ! Look who's here ! "sabi ni Brithney. Ang leader ng Powder clown girls yun ang tawag ko sakanila ang kakapal kasi ng make up ! Kala mo ikinaganda nila.

"Please brithney ayoko ng away."sabi ko.

"Bakit sino bang nagsabing makikipagaway kami. Bakit natatakot ka ba ? Andito lang naman ako para sabihin sisiguraduhin kong mapapahiya ka sa performance ko sa friday. Wala ka pa sa kalingkingan ko."sabi niya. Sabay alis. Hay ! Wala na ba talaga akong chance na magkaroon ng tahimik na buhay ?

Hayy ! Buhay !

±


Tulog na ako guys ! Ala una na. Nyt.

Vote
Share











Patterns : The Taste of Revenge (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon