"Lath, ako ba talaga pinaglololoko mo? Baliw! Walang pinyang dalawa lang ang mata."

Sabi na, eh! "Okay, just deliver some pineapples to me. Nasa Black Pearl Yacht ako." Ibinigay niya rito ang coordinates niya para matukoy nito ang kinaroroonan niya.

"How many?"

"Dalawa lang."

"So..." Hunt sighed heavily, like talking to him was draining the shit out of him. "Let me get this straight. Gusto mong gamitin ko ang helicopter ko para ihatid diyan sa 'yo ang dalawang pirasong pinya? I say, you're losing my mind, Lath. Hindi ko sasayangin ang fuel ng helicopter ko para sa kabaliwan mo."

"I'll pay for the fuel—"

"Kung sinabi mo agad, eh, di, on the way na sana ako," sansala nito sa iba niyang sasabihin. "I'll be there."

Nawala ang kausap sa kabilang linya.

Agad na nagtungo si Lath sa top deck at doon hinintay si Hunt. Minutes later, he heard a helicopter closing in. Sa halip na lumapag ang helicopter sa dagat, ibinaba nito ng dalawang pinya gamit ang net. Nang mapasakamay niya iyon, agad na umalis ang helicopter.

Then his phone rang. It was Hunt. Sinagot niya ang tawag.

"Yes?"

"Fifty thousand, Lath."

Nalukot ang mukha niya. "Twenty-five thousand bawat isa?"

"Gago. Mahal ang gasolina." Iyon lang at pinatay nito ang tawag.

Lath sighed. Fifty thousand for two pieces of pineapple. This is so unheard of.

Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa, saka nagmamadaling nagtungo sa kusina para balatan ang pinya. Hiniwa-hiwa iyon, saka inilagay sa pinggan at dinala sa kuwarto nila ni Haze.

Nang makapasok siya kuwarto, tulog pa ang asawa.

"Hey, wifey, wakey-wakey." Inilapag niya ang pinggan sa maliit na mesa na katabi ng kama. "Nandito na ang pinya na gusto mo."

Thankfully, Haze stirred on her sleep and awakened. Kinusot nito ang mga mata at nalukot ang mukha. "Anong amoy 'yan? Ang lansa naman."

Tumaas ang kilay niya. "Wifey, 'yong pinya 'to."

Tumingin ito sa pinya na nasa mesa at mas nalukot ang mukha. "Iyan ba ang hiningi kong pinya?"

"Yes."

"Bakit ang lansa ng amoy?"

Napapantastikuhang napatitig siya sa asawa. "Kailan pa naging malansa ang pinya?"

"Dalawa lang ba ang mata ng pinyang 'yan?" she asked, annoyed.

Why on earth is she annoyed?!

"Ahm..." Napakamot siya ng batok. "Ahm, no."

Inirapan siya nito. "Ayoko niyan. Itapon mo 'yan sa dagat. Gusto ko ng kambal na strawberry. 'Yong parang sa Forevermore na teleserye. 'Tapos gusto ko sa La Presa rin makukuha. Gisingin mo na lang ako kapag nakahanap ka na." Bumalik ito sa pagtulog.

Samantalang siya ay nakaawang lang ang mga labi habang hindi makapaniwalang nakatingin dito.

Fifty thousand for two pineapples and she wouldn't even eat it? Itinikom niya ang bibig, saka kinuha ang pinggan na may lamang pineapple at dinala sa kusina.

As he ate ten slices of pineapple, tinawagan uli niya si Hunt.

"Ano na naman ang kailangan mo?" naiiritang tanong nito.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanWhere stories live. Discover now