CHAPTER 9

1.9M 34.1K 7.4K
                                    

CHAPTER 9

NANG MAGISING kinaumagahan si Haze, nasa loob na siya ng kuwarto. Agad na kinuwestiyon ng isip niya kung paano siya napunta rito? Hindi ba sa top deck sila natulog ni Lath kagabi? Binuhat ba siya nito at dinala roon?

Sumikdo ang puso niya sa isiping 'yon. Please, heart, be still.

Umalis siya sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. After that, she went out of the room.

Natigilan si Haze nang makarating sa sala. Napakurap-kurap siya nang makitang naglilinis si Lath. He was actually holding a broom and a dustpan while humming in an off-key voice. Parang ang saya-saya nito habang naglilinis.

Hindi maiiwas ni Haze ang mga mata sa matitipuno nitong braso at dibdib. Looked like Lath was a number one fan of topless.

Pilit na nag-iwas ng tingin si Haze mula sa abs ni Lath at dumako ang tingin niya sa cell phone nito na nakalapag sa center table. She wondered, kung makukuha niya ang cell phone nito, makakaalis kaya siya sa yateng iyon?

And that was not all, sino naman ang tatawagan niya para kumuha sa kanya sa yateng iyon, ni hindi nga niya alam kung nasaan sila.

And didn't she promise Lath she would stay and be nice to him until their stocks ran out?

Bumuntong-hininga si Haze, saka napatitig na naman sa abs ni Lath. Napalunok siya at napailing-iling. God. Hindi niya akalaing mararamdaman niyang parang kinikiliti ang pagkababae niya dahil lang sa abs nito.

Peste naman, o. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Take a picture, wifey. It'll last longer," tudyo nito sa kanya nang mahuli siyang titig na titig sa katawan nito.

Tinarayan niya ang lalaki para itago ang pagkapahiya. "Lath, may I remind you, stewardess ako. Marami na akong nakitang macho at guwapo sa mga bansang napuntahan ko."

His face instantly darkened, and she unconsciously stepped back. Nakaramdam siya ng kakaibang takot sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Hindi pa niya nakita ang ganoong emosyon sa mukha ng lalaki. Palagi itong nakangisi o kaya naman ay kalmado sa lahat ng bagay at sitwasyon.

Mukhang nakita nito ang takot na bumalatay sa mukha niya dahil tumingala ito sa kisame. Huminga ito nang malalim na parang kinokontrol ang sarili, saka ibinalik ang tingin sa kanya.

"Sorry." Bumalik si Lath sa paglilinis. "I didn't mean to scare you like that." Tumikhim ito, "May kape pa pala sa kusina, initin mo na lang. Saka nasa ref ang sandwich na ginawa ko para sa 'yo. Mag-agahan ka na."

Sa halip na magtungo sa kusina, naglakad siya palapit kay Lath at tumigil sa harap nito.

"Lath?"

Tumuwid ito ng tayo, saka humarap sa kanya. "Yes?"

"Galit ka?" tanong niya na kinakabahan. "I mean, bigla na lang kasing nagdilim ang mukha mo kanina. Ayos ka lang?"

Lath sighed, bit his lips and grimaced. "Natakot ba kita?"

Tumango siya. "Medyo."

Mahina itong tumawa. "Don't worry, hindi na uli mangyayari 'yon. I'm always calm and collected. I already get use to reining my emotions—"

"You mean, get use to pretending?" sansala niya, saka hinuli ang mga mata nito na wala ni isang emosyon. Nakaramdam siya ng inis. "Lath, show me what you truly feel. Nakakabuwisit itong wala akong makitang emosyon sa mga mata mo, na hindi ko mabasa ang nararamdaman mo. Hindi ko alam ang gagawin ko."

Humugot ng isang malalim na hininga si Lath, saka malungkot na ngumiti. "Wifey, if I let you see the emotion in my eyes that I tried so hard to hide from you, matatakot ka sa akin, trust me on that one."

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon