“Nandyan po ba si Lolo?” Kinakabahan kong tanong.

“Yes, he’s inside. Let’s go. Naghihintay na siya sa’tin.” Sabay na kaming naglakad papunta sa dining area. Kinakabahan talaga ako kapag nandito si Lolo Guillermo. Paminsan-minsan lang kasi siya dumadalaw at madalas, masungit pa siya. Siya ang ama ni Daddy. Biyodo na siya kaya siguro masyado na siyang naging masungit. Nako, sana naman hindi ako pagagalitan ni Lolo. Pagpasok namin, nakita ko si Lolo na prenteng nakaupo. Kahit 80 years old na, gwapo pa rin at malakas ang aking Lolo.

“Good afternoon po, Lo… kumusta na kayo?” Nagmano ako sa kanya.

“Victonara! I’m okay apo… very much okay! Kumusta naman ang paglalaro mo ng volleyball?” Himala! Tumawa pa si Lolo! Good mood yata siya ngayon. I’ll take that as a good sign. Hehehe

“Okay lang po Lolo… medyo busy kasi start na ng season namin kaya halos araw-araw ang training.” Sagot ko kay Lolo.

“Well, don’t tire and stress yourself too much. Dapat palagi kang blooming lalo na’t…” Hindi niya natapos ang dapat niyang sabihin dahil sinenyasan siya ni Mommy at Daddy. Ano ba ang ibig sabihin dun?

“Ah, let’s start lunch. Sige na, Papa… alin ba dito ang gusto mo?” Parang natataranta na sabi ni Mommy.

I can definitely tell na may tinatago sila sa’kin. Ano naman kaya ‘yun? Bahala na nga sila. Kumain na rin ako dahil gutom na gutom talaga ako. Nakalimutan ko kasing mag-breakfast kanina dahil kakarating ko lang ng dorm galing sa bodega nina Thomas, agad akong tinawagan ni Mommy at pinaalala sa’kin ang tungkol sa family lunch. Dahil nataranta at nagmamadali ako, hindi na ako nakakain. Kumuha ako ng maraming kanin at ulam.

“Vicki, dahan-dahan ka nga ng pagkain. Baka tumaba ka…” Warning sa’kin ni Mommy.

“Trina, hayaan mo na nga ‘yang anak mo. Athlete naman ‘yan kaya malamang matutunaw rin lang ang mga kinain niya…” Sabat sa kanya ni Daddy.

“Uhm, tungkol saan po ba ‘yung sasabihin niyo sa’kin?”

Nagkatinginan naman silang tatlo. ‘Tila nagpapasahan kung sino ang dapat na magsabi sa’kin.

“So ano nga?” Pilit ko sa kanila. Si Lolo Guillermo ang nagsalita.

“Victonara apo, naalala mo pa ‘yung bestfriend ko? ‘Yung palagi kong kasama?”

“Aahhh… si Lolo Teodoro. Bakit Lo? May nangyari ba sa kanya?”

“Wala naman. Kaya lang, alam mo ba na dahil sobrang close kami ni Teodoro, gusto namin na maging magkapamilya na talaga kami?” Tanong ulit ni Lolo.

“Oo, alam ko ‘yan. Balak niyo sanang ipakasal ang mga anak niyo pero sa kasamaang palad, parehong lalaki ang anak niyo- Si Daddy Antonio at si Tito Theodore.” Pa-ulit-ulit na kasi ‘yang kinikwento sa’kin ni Mommy. Nakakasawa na nga.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon