Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo.

Iniisa-isa ko ang mga alaala't hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko...

"Aly..." tawag sa akin ni Kuya Timothy pero nanatili akong tahimik at nakikinig sa piece na nag-pe-play.

Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa.

Napapikit ako at umiling. I'm okay, I'm fucking okay and it doesn't hurt. This is just a goddamn piece of poetry. It shouldn't hurt. It isn't supposed to hurt.

At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, 'mahal kita.'

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha. Putang ina, Aly. Turn that iPod off. Stop being a masochist.

Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal nga pala kita, mahal pa rin pala kita.

"Mahal pa rin pala kita..." wala sa sarili kong bulong.

"Tama na 'yan," saway sa akin ni Kuya Timothy at siya na ang nag-turn off ng iPod. "Sorry. Favorite kasi ni Ate Alex mo si Juan Miguel Severo tapos pina-download niya 'yong mga spoken words niya kaya 'yon ang nakalagay."

"It's okay," nakapikit kong sabi. "It's okay, Kuya."

"Ba't ka umiiyak kung okay lang?" diretsong tanong niya at hindi ako sumagot kaya pansamantala niya akong binalingan ng tingin bago ibalik ang tingin niya sa daan. "You two broke up," sabi niya pa. It's a statement, not a question.

"He broke up with me. That's different," paglilinaw ko habang nakatanaw sa bintana. "How did you know? Ah, yeah. Sa Facebook?" kunwaring balewala kong sabi.

"Yes. Your Ate Alex was the one who saw it, kinuwento niya lang sa akin," paliwanag niya.

"Is it okay if we're going to drop this topic? It doesn't matter anymore. Nangyari na. Wala nang magbabago," I dismissed him. Wala nang nagsalita sa aming dalawa.

Nakatulog ako sa biyahe dahil sa sobrang katahimikan. Nagising ako nang mag-stopover kami para mag-takeout pero hindi na ako pinababa ni Kuya Tim kaya naghintay na lang ako sa sasakyan.

"We're here," anunsyo niya at sabay kaming bumaba ng sasakyan.

Buhat niya ang mga kahon at ako naman ang may dala ng mga pagkain. Hapon na nang dumating kami sa beach house sa Bataan. Hindi na namin inistorbo ang caretaker na nakatira lang malapit dito dahil hindi naman kami masyadong magtatagal.

"May drum ba? Magsusunog lang ako," sabi ko agad kay Kuya Timothy habang nasa shore kami.

We decided to stay here at naglatag na lang kami ng tela sa buhangin dahil mas presko rito sa labas.

"Do you hate the contents of these boxes so much?" tanong niya sa akin. "Sayang 'to."

"Kung palagi tayong manghihinayang... paano tayo makakausad?" makahulugan kong sabi.

"Sige, ikaw ang bahala," sagot niya na lang dahil ayaw ko rin namang magpapigil. "Pero mamaya na 'yan. Kumain muna tayo."

Tumango ako at inayos ang mga pagkain namin. Isang box ng pizza at mga drinks lang ang dala namin kaya hindi na kami nag-utensils.

"Kuya Tim, hindi ka ba napapagod kay Ate Alex?" tanong ko habang kumakain kaming dalawa at pinapanuod ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan.

"Tinotopak lang 'yon kagabi kaya ako pinalayas. Naiintindihan ko naman. Buntis eh," kibit-balikat niyang sagot.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon