Chap. 7 - SHE Versus HER

Start from the beginning
                                    

*

*BEEEEEP!!!*

*BEEEEEP!!!*

Inis na inis si Glacy habang malakas na kinakalampag ang manibela. Pinaghahampas niya iyon habang sunod-sunod ang pag-agos ng kanyang mga luha. Humanda ka sa akin Bridgette Delos Reyes. Ikaw nga ang dahilan kung paano naging kami ni Joshua pero ikaw din pala ang dahilan kung bakit he chose you over me!

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!!" sumigaw lang si Glacy nang buong lakas nito kasabay ang malakas na paghampas sa manibela na sanhi ng paglakas din ng busina nito.

*

Kinabukasan...

"Goodmorning class! Hiramin ko lang ang konting time niyo to listen. This is very important. At dahil graduating na kayo and nasa section 1 kayo, magkakaroon tayo ng graduating class officers and bukas tayo magbobotohan sa general assembly. Please attend the assembly tomorrow at 3pm okay? Nakakapagtaka dahil alam ko, for college students lang ang ganitong set-up pero ito kasi ang napagbotohan sa faculty namin kanina. Any questions?" anunsyo ni Mrs. De Vera, ang adviser ng 4th year section 1.

Nagtaas ng kamay si Bridgette at nagtanong, "Ma'am, if 3pm ang assembly.. ibig sabihin walang klase from 3pm onwards?"

"Good question Ms. Delos Reyes at dahil jan naalala kong ianunsyo sainyo na ang panghapon ay walang klase at----"

"Woohooooooo!!!"

"YEEEEEEEEESS!!"

"YUN OH!! WHOOO!!"

"Class quiet! Babawiin ko nalang, gusto niyo?" tumahimik naman agad ang lahat. "Pero bago mag-3pm, magkakaroon tayo ng general cleaning sa classroom."

"AY! Ano ba naman yun!"

"Hala!!!"

"Katamad naman nun!"

"Swerte naman natin, Bridge. Akalain mo yun, may mga kasama tayo sa paglilinis ngayon. Absent pa naman yung tatlong chismax, wala tayong makakasama if ever. Tayo pa naman cleaners ngayon. Buti nalang talaga!" bulong ni Carina, seatmate ni Bridgette. Lumingon siya sa kinauupuan ng ChisMax Girls at wala nga ang mga iyon. Ngumiti lang si Bridgette sakanya at tumango bilang response sa seatmate. Sobra ba silang nalasing kagabi at absent sila ngayon? tanong sa isip ni Bridgette.

*

Kinabukasan..

"The table is now open for the nomination for Graduating Class Officer President." anunsyo ng adviser nila at agad na pina-take over kay Ayah, ang newly elected secretary ng GCO, upang mamahala sa botohan.

"I respectfully nominate Glacy Mariano as Graduating Class President." pagboboluntaryo ni Sheree, ang close friend ni Glacy sa classroom. Umupo na siya at turn naman ng iba para mag-nominate. Nginitian siya ni Glacy.

May tumaas na kamay mula sa likuran upang magboluntaryo ding mag-nominate, "I respectfully nominate Bridgette Delos Reyes as our GCO President."

Nang makaupo ang nagsalita, binatukan siya ng katabi nito. "Aw~ Blake! Bakit mo ako binatukan?" reklamo nito. "Tanga ka ba Leighton! Syempre, bakit si Bridgette?"

"Mainit ang labanan kung ganun, imagine.. magkalaban na nga ang dalawa kay Joshua, magkalaban pa sa botohan! I love it!" masayang sagot naman ni Leighton kay Blake. "Yeah, right." sagot naman ni Taylor.

Aba't kinokontra talaga ako ng ChisMax girls na'to ha! Saisip ni Glacy at agad itong tumaas ng kamay. "I move that the nomination for GCO President be closed."

At sumigaw ang lahat, "I second the motion!"

Nagtanong ang elected secretary na si Ayah, "Who's in favor of Glacy Mariano?"

Sabay-sabay na nagtaasan ang mga estudyanteng nasa bandang upuan ni Glacy at ang isang hilerang nasa likuran. Ang bilang sa section 1 ay 10, sa section 2 naman ay 20 at sa section 3 naman ay 15.

"Now, who's in favor of Bridgette Delos Reyes?" tanong muli ni Ayah sa lahat at sabay-sabay ulit na nagtaasan ang iba. Ang bilang naman sa section 1 ay 20 sa section 2 ay 10 at sa section 3 ay 15. Pag nanalo si Bridgette, hindi matutuloy ang plano ni Glacy. Saisip ni Ayah.

Nang isulat ni Ayah ang sumatotal ng bilang ng mga boto, humarap siya sa lahat at nagsabing, "Ang class count ng present ngayon sa section 1 ay 30, sa section 2 ay 31 at sa section 3 ay 30. May isang hindi bumoto. Kung sino ka man, pakitaas ang kamay mo at sabihin kung sino ang bobotohin mo."

Nanahimik ang lahat at luminga-linga sa paligid upang matukoy kung sino ang hindi pa bumoboto. Maya-maya'y napansin nilang may paparating mula sa likuran. Napalingon sila sa hingal na hingal na lalaking iyon. "Ako! Hindi pa ako bumoboto pero naka-register na ako sa attendance sheet kanina. Nag-CR lang ako eh!" napakamot siya sa ulo at ngumiti sa lahat.

"Okay, sige na Mr. Benitez the third. Are you in favor of Ms. Mariano or Ms. Delos Reyes?" tanong ni Mrs. De Vera na nakaupo sa table sa harapan.

Naghihintay ang lahat sa kanyang sagot. Ang mga ChisMax girls naman ay napatingin sa isa't isa dahil sa naging diskusyon kanina. At iyon na nga, dito na nila malalaman kung sino nga ang magiging lamang sa dalawang babae. Mayroon din naging bulung-bulungan.

"Sino kaya pipiliin niya? Yung girlfriend niya o yung taong sinabihan niya ng gusto niya na may kissing scandal pa?

"For sure si Glacy pa din iyan para hindi na maging issue yung sakanila ni Bridgette."

"Hindi, si Bridgette yan! Ayaw na niyan kay Glacy dahil sa uglai niya."

Ang iba naman ay nagsimulang magpustahan kung sino ang pipiliin ni Joshua sa dalawang babaeng naililink sakanya. Buwis-buhay ito para sakanya dahil kung si Glacy ang pipiliin niya, iisipin naman ni Glacy na napatawad na siya nito at kung si Bridgette naman, ibig sabihin ito na nga ang bagong kinahuhumalingan niya at hindi na ang girlfriend niya.

Taena naman! Kailangang ako talaga? Bakit ba kasi tinawag ako ng mother nature kanina eh! Naguguluhang naisip ni Joshua sa sarili.

"Ano na Mr. Benitez The Third? We're running out of time. It's already 5pm. Dismissal na oh. Hindi dapat tayo gabihin dahil magmimeeting pa ang officers." naiinip na tanong ni Mrs. De Vera kay Joshua.

"Ah.. I.. I choose... Ms.. I choose Ms." huminto muna siya at bumulong sa sarili niya, "I'm sorry."

"I choose Ms. Glacy Mariano." deretsahang sagot nito at naghiyawan ang buong fourth year dahil matatapos din sa wakas ang botohan. Ang iba naman ay dismayado dahil ayaw nilang mamahala si Glacy, at ang iba naman ay nasiyahan dahil sa wakas mas pinili pa din ni Joshua ang girlfriend.

I am sorry Bridge. yun nalang ang naibulong sa isip ni Joshua. Para sa iyo din to.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Ano kaya yung binabalak ni Glacy kay Bridgette? Bakit alam ni Ayah? At bakit para naman daw kay Bridgette yun sabi ni Joshua?

SHE versus HER. Versus ba silang dalawa dahil sa boto or versus na din dahil pati sa puso ni Joshua?

Abangan!

*eiichikouhei*

His Bridgette (On Hold)Where stories live. Discover now