I turned my back and turned off the gas stove. Sumagap ako ng hangin bago ko muling harapin si Mrs. Dela Vega.

Umupo siya at itinuro sa akin ang katapat na upuan. Tumalima ako. Inayos ko ang suot na unipormeng pangtrabaho. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko man lang nagawang magpalit.

"I don't like what welcomed me, Ms. Cortejos." Her voice shifted into a serious one. "I believe you know what I'm pertaining to."

Naiintindihan ko kung bakit niya iyon nasabi. Bumagsak ang tingin ko sa aking kandungan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang tumikhim siya ay saka ko lang ibinalik ang mga mata ko sa kanya.

Muli siyang ngumiti na para bang hindi nabakasan ng kaseryosohan ang kanyang mukha. She still looked intimidating despite of that charming smile. Sa ikinikilos niya ngayon ay wala akong nakikitang mali. Ngunit ayaw ko pa ding pakasiguro.

"What's your full name again?" Tanong niya.

Kinalma ko ang sarili bago sumagot. "Millicent Harienda Cortejos." Mabuti na lang at napagtagumpayan ko ang makipaglaban sa pagkautal.

Hindi siya katulad ng ibang magulang na hahadlangan kayo Millicent! Magtiwala ka lang!

"The name is beautiful just like the owner." Sumandal siya sa kinauupuan at tinitigan ako, pinapanood ang aking reaksyon. "'Don't be afraid. I told you earlier, I don't bite."

I cleared my throat and forced a smile.

"It's my first time seeing you but I'm expecting to feel this way." Mahina niyang sabi na para bang hindi niya iyon sinasadyang iparinig sa akin. Iniwas niya ang tingin sa akin at napawi rin ang kanyang ngiti.

Kumunot ang aking noo. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Nothing." Napansin ko ang bahagya niyang paglunok. "I just remember something precious."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang pagtutubig ng kanya. Napatayo ako sa mabilis na paglandas ng luha niya pisngi. Hindi ko iyon inaasahan.

Lalapit sana ako pero napigil ako nang pagtaas ng kanyang kamay.

"Don't!" Pinilit niyang ngumiti. "Just stay there." Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. "I suddenly felt tired." Tumayo siya.

Gusto ko man siyang alalayan pero hindi ko magawa. Baka ikagalit niya lang iyon pag nagtangka pa ako.

Muli akong napaupo. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha.

Maamo sana ang mukha ni Mrs. Dela Vega kung hindi lang dahil sa kanyang mga mata. Her eyes were bitchy. Iyon bang normal ang pagkamataray. Hindi niya rin kamukha si Phoenix. Marahil ay nakuha ni Phoenix ang halos lahat sa kanyang ama.

"Mom, you're done talking with her?"

Napalingon kami kay Phoenix na muling pumasok dito. Halata sa kanyang mukha ang pagkairita.

"Dad said you're going home." Lumapit siya sa akin at ipinulupot ang bisig sa bewang ko. "Sana ikaw na lang ang pumunta dito. He just pissed me off!"

"Phoenix... understand your dad." Bumuntong-hininga si Mrs. Dela Vega.

Mabuti na lang at hindi mahahalata ang saglit niyang pag-iyak.

"I'm not neglecting the company! Hindi na sana siya pumunta dito kung kokomprontahin niya lang pala ako sa pagpapatakbo ko sa kumpanya!" Napabitaw siya sa akin. "Mom, I'm sorry for shouting. Please, labasin niyo na lang si dad. Umuwi na po muna kayo." Lumapit siya sa kanyang ina. Hinalikan niya ito sa noo.

"I'm sorry. Your dad's being tyrannical again." Pilit ang ngiting lumarawan sa kanyang labi. Hinalikan niya ang pisngi ng anak. "I'm tired, I need to rest. May jetlag pa ako." Despite of the sophistication of her voice ay nagawa niyang pakalmahin si Phoenix.

SurrenderWhere stories live. Discover now