“I’m sorry po Sir Thomas. Hindi namin sinasadya na ikulong kayong dalawa ni Ma’am Ara kagabi. Sabi kasi ni Cherry wala na daw tao sa loob at umalis na daw kayong dalawa para sa date niyo kaya kinandado ko na. Saka lang namin na-realize na nakulong pala kayo nang makita namin si Ma’am na nagmamadaling umalis kanina.” Nagpa-panic na paliwanag niya sa’kin.

Date kagabi? Di ba break na kami? Saka ko lang na-realize, the other Ara pala ang tinutukoy niya. So that means, siya ‘yung kasama ko buong gabi? Bigla namang nag-flashback lahat ng nangyari sa stock room kagabi at naalala ko ang usapan naming dalawa. Ibig sabihin, si Ara ang tumulong sa’kin? At sa mga naalala ko, mukhang bati na kaming dalawa. Pero si Arra Babe ko… wala na talaga kami. Mukhang maiiyak na naman ako.

“Sir? Okay lang po ba kayo?”

“Y-yeah… okay lang ‘yung nangyari kagabi. You’re just doing your job. Sige, alis na ako.” Relieved na relieved naman ang mukha niya. Sumakay na ako sa aking kotse at umalis na.

Pagdating ko sa bahay, dahan-dahan akong naglakad papunta sa hagdanan papunta sa aking kwarto para hindi ako makita nina Mommy at Daddy. Success na sana ang lahat pero nang papaakyat na ako….

“Thomas! I’m so glad that you’re finally awake!” Malas! Nakita pa ako ni Mommy galing sa kitchen. Buti na lang hindi niya alam na kakarating ko lang.

“Uh yeah, Mom. Matutulog ulit ako. Sige…” Nagmamadali na ako para makaakyat pero pinigilan niya ako.

“Matutulog ka pa when it’s already 12 noon? Hindi na yata tama ‘yan anak. Have lunch with us. May importante rin kaming sasabihin sa’yo.”

“Talaga mi? Ano ‘yun? Sige na…”

“Mamaya na sa lunch. Umakyat ka sa taas, ayusin mo ‘yang itsura mo at bumaba ka ulit para sa lunc natin. Dapat nandito ka na in 30 minutes. Understand?”

“Yes Mi…” Ano naman kaya ang importanteng announcement niya? Gusto ko na nga sanang magmukmok dito sa kwarto buong araw. Hindi pa rin nawawala ang sakit na ginawa ni Babe. Naligo at nagbihis na ako. Pagkatapos, bumaba na rin ako at dumerecho sa dining area namin. Nakita kong nakaupo na sina Mommy at Daddy.

“Thomas, sit down.”

Umupo naman ako sa usual spot ko.

“Thomas, umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang mata  mo?” Grabe si Dad, napansin pa rin niya ang mga mata ko.

“Napasarap ang tulog Dad kaya nagkaganito.” Palusot ko. Tumango lang si Dad…. Buti naniwala siya. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

“Thomas, dear… ano ba ang gusto mong Christmas gift?” Tanong sa’kin ni Mommy. Oo nga pala, December na… ang lungkot naman, magiging kasali pa ako sa SMP. Arra naman kasi eh…

“Arra?” Biglang tanong ni Mommy. Naisa-tinig ko pala ang huling sentence?

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now