"Eh syempre..." kako habang nagtatanggal ako ng muta.


Sunod na binato ni dad ang newspaper sa'kin. "Bibitayin na kita, anak."


I laughed. "Eh ano nga kasi gusto niyong sabihin?" Sunod akong naglinis ng ilong. "Hindi niyo naman siguro ipapahanap sa'kin 'yong piping 'yon?" I snorted. Doesn't make sense.


My dad shut up. I looked at him. "Teka nga... ipapahanap niyo talaga siya sakin?!"


Dad happily nodded. Tsinelasin ko 'to eh! "Weh?!"


"Look, Luke. Hey that rhymed!"


Batukan ko kaya 'tong isang to. Baka sakaling umayos ang takbo ng utak.


"Okay, so as I was saying dear Luke. We'll have a deal. Two weeks. You have two weeks to look for this girl. Don't worry, I'll give you all the information I can get to help you—"


"Tekaaa! Seryoso kayo, dad? Bakit ako pa maghahanap sa kanya? Mag hire kayo ng abogado!"


"Anong maitutulong ng abogado?" dad looked at me like I'm an idiot. "Baka naman investigator ang gusto mong sabihin, Luke?"


Tumango na lang ako. "Sabi ko nga..."


"Engot" bulong niya.


Hala! Narinig ko 'yon! Ini-engot na lang ako ng magaling kong tatay. Gawd!


"So ano nga? Bakit ako pa?" inis na tanong ko.


"Kasi nga hindi ka pa bayad sa'king bata ka. Kala mo pinalampas ko na 'yong panggugulo mo sa bar? Hindi!" He glared at me. I glared back. "Kaya para may magawa ka maliban sa pagwaldas ng pera ko sa bar, ipapahanap ko 'yong nagbalik ng wallet ko. At kapag nahanap mo siya... maybe, just maybe... malaya ka ng gumawa ng kahit anong gusto mo except of course, manggulo."


Nakatingin lang ako sa kanya. Anong klaseng deal 'to? At anong tingin niya sa'kin? Staff ng lost and found corporation ganun?


"Bat kasi kelangan pa siyang hanapin? Siguro naman nagpasalamat kayo sa kanya kagabi? Okay na 'yon."


"Hindi pwede. Kelangan siyang hanapin. Sa tanang buhay ko, kagabi lang ako nanakawan and believe me, iba ang feeling. 'Yong tipong magpapanic ka talaga. Kala mo ba, muntik na akong atakehin kahapon. Kaya kapag may isang taong nagbalik sa'yo ng wallet mo na dinukot, nakaka-flatter. Gusto ko may magawa din ako para sa kanya."


Binato ko sa kanya ang newspaper na tinapon niya sa'kin kanina. "Feeling ka naman, dad. Wala kang sakit sa puso. Wag kang assuming. At sana taga-medic ang kinakausap mo ngayon, hindi ako. Baka mas malaki pa maitulong nila sa kanya."


Tinapon uli niya ang newspaper sa'kin. Sapol ang mukha ni Napoles na nasa front page ng newspaper ang mukha ko. "Dad, ano ba?!"

The Delinquent and The SilentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora