He stared at my face. He's like having a hard time calming himself.

"'Wag ka nang magluto. Alam kong pagod ka."

Umiling ako. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak pa din sa kamay ko.

"Hindi ako pagod. Ikaw ang pagod. Maupo ka na lang-"

"Why can't you listen to me?" Putol niya sa akin.

Alam kong iba ang ibig niyang sabihin doon. But he's wrong! Kanina ko pa nga hinihintay na buksan niya ang tungkol sa kanila ni Monica. I wanted to hear him explain everything!

Hindi ko napigilan ang lalong mainis.

Gamit ang isa pa niyang kamay ay hinawakan niya ang baba ko para tumingin ako sa kanya. His eyes became lambent. Para bang konti na lang ay sasabog na siya. Para bang gusto niyang sigawan ako pero hindi niya magawa.

Nakipagtitigan lang ako sa kanya dahil iyon naman ang gusto niya. Sinigurado kong mababakas sa mukha ko ang gusto kong makita niya.

"Damn it!" Binitawan niya ako. Naglakad siya palayo sa akin at sinabunutan ang sarili.

Ayokong umastang okay na ang lahat sa kabila ng katotohanang nasasaktan pa din ako. Yes, perhaps, he had made me composed myself after what he did earlier. Ngunit hindi iyon sapat!

"Why were you there?" Kailangan kong lakasan ang loob ko. "Why were you still going to her unit, Phoenix?"

Lumapit siya sa pader at sumandal dito. Sa kabila ng distansya ay hindi ko mapigilan ang panghihina ng tuhod ko. Pinigil ko ang panginginig ng labi ko. Pakiramdam ko ay sinisilaban ang mga mata ko sa pag-iinit nito.

"Minsan naisip ko kung anong ginagawa niyo dun sa loob ng unit niya."

Dumilim ang kanyang mukha. Lumapit siya sa mesa at halos mapatalon ako nang suntukin niya ito.

"Bullshit, Millicent!" Malutong niyang mura.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Lumambot ang ekspresyon niya. Hindi ko iyon pinansin. Tinatagan ko ang aking loob. Hindi ko siya masisisi kung galit siya pero ganoon din ako. Hindi niya rin ako pwedeng sisihin sa mga posibleng bagay na pumapasok sa isip ko.

"T-tell me... what's... what's going on between the two of you?" Humikbi ako.

Tinangka niyang lumapit pero humakbang ako palayo.

"Akala ko ba hindi mo ginagawa sa iba ang mga bagay na ginagawa mo sa akin?"

Iniwas ko ang tingin. Mas mabuti nang hindi ko makita ang itsura niya habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko masikmurang tignan siya ngayong pinag-uusapan namin si Monica. Aminin man niya kasi o hindi, ramdam ko na may pake siya dito. Hindi ko lang alam kung gaano kalalim ang pake na iyon at nagawa niya akong iwan. I thought he'd wait for me outside.

Dati, ayaw na ayaw kong lumalapit si Phoenix kay Monica dahil baka saktan niya lang ito. I was scared of the thought that he'd play with her feelings too. Just like what he did with other girls. Mahal ko si Monica. She's still my best friend. Ayokong nasasaktan siya. Kaya nga mas mabuti na lumayo na lang din si Phoenix.

"'Wag mo akong pag-isipan ng kung anu-ano, Millicent." His voice toned down but the coldness of it couldn't be denied.

Hindi ko na napigil ang sarili na tignan siya. Umigting ang kanyang panga.

"Kapag sinabi kong sayo ko lang ginagawa, sayo lang."

Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang paghinga. Tumaas baba ang kanyang dibdib. Mariin siyang pumikit at nang magmulat ay napailing.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon