Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"at bago ko makalimutan, kayo yung maghahanap o gagawa ng magiging topic niyo for your Thesis, is that clear?" tanong niya and we answer her yes.

"ok, balik tayo sa groupings, Gomez, Lee, Mendoza, Montero" sunod na sabi niya,

So magkasama sina Raven and Jazz, sigurado na madali lang to sa kanila. Matalino si Jazz at ganoon din si Raven. Mabait at maasahan mo pa.

Ako kaya? Sino kaya ang makakasama ko? Si Blaire at Keira kaya?

"Next we have, Rivas, Walker, Meyer and Del Fierro"

Ah magkasama sila...........wait.

"Whaaaat?!!!!!!" bigla akong napatayo dahil sa sinabi ni Miss.

Napabaling naman lahat ng tingin sakin, nagulat ata sa pagsigaw ko. And ofcourse nagulat sa naging reaksyon ko.

I saw Agatha smirk on me. Masaya siya eh no?!

"Why? Is there a problem with that? I'm the one who made this group, and I didn't base it alphabetically, in case you expect." pagpapaliwanag sakin ni Miss Jane na halatang nagulat din sa pagsigaw ko.

Padabog akong umupo, what the Hell! Hindi ako galit na hindi ko sila ka grupo nila Miro, Keira at Blaire ang kinaiinis ko eh ka grupo nila si Agatha na ngayon ay nakangisi sakin. Tss!

"kalma sis, nandito kami hindi niya maagaw si Miro mo" bulong ni Keira sakin na natatawa.

Tiningnan ko si Miro instead answering Keira. Wala manlang ba siyang reaksyon dun? Napataas naman ang kilay niya sakin. Tss! Isa pa to eh. Binalik ko nalang ulit ang tingin ko kai Miss Jane ng magsalita siya.

"Ok, shall we continue? Next, we'll be, Ramirez, Sandoval, Zaldivar and Forcrey" pagpapatuloy ni Miss Jane.

Silang tatlo pa talaga ang magkasama ah........wait again!

"whaaaat?!!!!!" in second time around napatayo na naman ako. Muntanga lang eh.

Ako?! Kasama ang tatlong to? Kakasabi ko lang kanina na ang Thesis ay kailangan ng brainstorming dahil maraming gagawin at sana maasahan at masisipag ang mga kasama mo dahil mahirap gawin ang Thesis! Mahirap! Eh ano tong nangyayari?!

Again napatingin na naman ang mga classmates ko sakin, this time lines are all over their foreheads.

Tinaasan ko sila ng kilay. Eh sa nagulat ako, nadala ako sa emosyon ko, may problema sila dun?

"ano na naman Ms? Kanina ka pa. Anong problema mo?" Inis na din na tanong sakin ni Miss Jane.

"Miss Jane, are you sure na sila yung mga ka grupo ko?" I doubtedly asked her sabay turo sa tatlo.

Ka grupo ko ang isang playboy na walang inaatupag kundi babae, ang isang mysterious guy na walang ginawa kundi matulog at makinig sa music at isang childish na hindi mo makasundo.

JuicenaTang naman oh!makakapasa ba kami nito?

"Yes? Why? So you are Ms. Forcrey? My problema ka ba sa mga kasama mo?" takang tanong niya.

"Miss Jane, baka Thesis lang ang makakapag pabagsak sakin" sagot ko sa tanong niya.

Rinig ko ang pagtawa ng ilan kong classmates. Still naka focus parin yung tingin ko kay Miss Jane.

"alam mo hiyang-hiya talaga ako sayo Hera" napatingin ako bigla sa nagsalita. It was Kenneth. I snort.

"dapat talaga mahiya ka" pagtataray ko sa kanya.

"ano bang problema mong babae ka?" inis niyang tanong.

"Yang pagmumukha mo!" nagtanong pa eh. For sure ayaw niya rin akong makasama sa grupo niya.

She's Back !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon