Chapter Eight

3.6K 89 7
                                    

..A/N : Miro Del Fierro on the media.. :-)..

Nandito kami ngayon sa cafeteria, may 1 hour pa kami bago ang next subject namin..

Nakakastress ang mga nangyayari ngayong araw na to...what a day! Idagdag niyo pa yung mga tingin na binibigay nila sa amin ngayon.. ganyan ba kami ka ganda para tingnan talaga nila? nakuu!!! They are all getting into my nerves!

"alam niyo naniniwala na talaga ako na hindi lahat ng magaganda nag aartista" out of the blue na sabi ni Keira...

Napatingin naman kami sa kanya...anu na naman kaya ang nasa isip nitong babaeng to.

"And why is that so?" Blaire ask without looking at her, may kinukuha ata siya sa bag niya. At ako naman eh hinihintay ang magiging sagot niya.

"syempre Blaire! just like me..nandito lang ako't nag aaral pa" she said while wiggling her eyebrows.

Really?

My reaction? Nganga!

Alam ko naman na maganda siya no question about it pero ang bumanat na naman ng ganyan? Seriously Kiera? kakafacebook at kakatext niya kung ano.ano nang nalalaman niya. I really couldnt find it laughable.

I just roll my eyes.

Bigla naman nag angat ng tingin si Blaire sa kanya na parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya at kinuha ang kamay ni Keira na nakapatong sa mesa...

"oh heto pera," sabay abot sa kanya ng 500 pesos "pumila ka doon at bumili ng pagkain natin, dahil sinasabi ko sayo, gutom lang yang nararamdaman mo" she said with a bit of concern in her voice.

But I can really feel the sarcasm in that words that makes me chuckle.

Napasimangot naman si Keira sa sinabi ni Blaire.. "ang sama mo" sabi niya at padabog na tumayo. Natatawa nalang kami sa inasal niya. She's a bit childish.

"ang saya niyo din palang kasama" napalingon kami kai Jaz ng magsalita siya. Oh crap! Muntik na naming makalimutan na kasama pala namin siya.

She is Jazzy Montero, remember the Nerd na binubully? Sinama na siya namin, mahirap na at baka mapagtripan na naman, nalaman din namin na transferred student siya last year.

Matalino siya at mayaman din pero basta nerd ka hindi ka excempted sa pambubully nila. She's nice, nung una nga nahihiya pa siyang sumama sa'min at sanay nadin daw naman siyang mag isa kapag nandito sa school, pero pinagalitan ni Keira eh, sa ayaw at sa gusto niya daw sasama siya, kaya ayun sumama.

"alangan naman na magtatarayan kami sa isa't isa diba? I mean hindi naman kami siguro ganoon kasama tulad ng iniisip mo" Blaire suddenly blurted out.

"thank you pala ha..." nahihiyang sabi niya habang nakayuko.

"for?" I ask her..

"for helping me kanina and for being nice to me" Jazz uttered out

I just smile at her while tinanguan lang siya ni Blaire.

Habang pabalik si Keira sa pwesto nila na daladala ang isang tray na may laman ng inorder niya para sa mga kaibigan isang lalaki ang nakakuha ng atensyon niya.

He's wearing a denim pants na medyo fitted sa kanya, black v-neck t-shirt at tenernuhan ng white high cut shoes..hmm, in fairness may dating.... at alam niyang papunta ito kung saan naka pwesto ang mga kaibigan niya pero hindi nila ito nakikita, bale nakatalikod sila sa lalaki .

kilala niya ang lalaki, at base sa kwento ng kaibigan niya at sa mga pictures na ipinakita sa kanya, alam niyang hindi siya nagkakamali.

At anong kailangan niya sa kaibigan niya, may mukha pa talaga siyang ihaharap pagkatapos ng ginawa nila. Ang walang hiya naman talaga niya.

She's Back !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon