Chapter Thirteen

2.9K 84 3
                                    


Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya...anong sabi niya?

Did I hear it right? Me? His girlfriend?

"What did you say?" napahinto na din siya sa tanong ko at binalingan ako.

Malay ko, mali pala ako ng pagkakarinig. Remember, once he told me that ayaw niya kong maging girlfriend? Eh anong nangyari?

"Tsk!" yun lang ang narinig ko mula sa kanya, ang hilig talaga ng lalaking to mag "tsk", suplado kasi eh!

At hinigit na naman niya ako, anu to? higitan ng higitan?

Nagtatanong lang naman, gusto ko ng malinaw, baka isipin niya ang assuming ko masyado.

Pero wala naman ata siyang balak na ulitin pa ang sinabi niya. Kung ganoon ako nalang ang uulit.

"So? Tayo na? Payag kanang maging boyfriend ko?" I asked him habang hinihila niya parin ako.

Nilingon niya lang ako saglit na wala manlang sinabi. Nakakainis na to ha!

Kalma lang Hera! Maniwala kana lang sa kasabihan na silence means yes! Mahirap na baka magbago pa ang isip niya.

"Ok! tayo na nga, you're my boyfriend and I'm your girlfriend" I said with confidence and finality.

Still wala na naman akong nakuha sa kanya ni isang salita, ano pa bang bago dun.

Magkahawak parin yung mga kamay namin, holding hands while walking ha. Hinayaan ko na nga lang, eh saan niya ba ako dadalhin, ayokong pumasok eh nawalan na ako ng mood.

"Ahm...Miro, ayokong pumasok" pagkuway sabi ko na nagpahinto na naman sa kanya.

"Eh di wag kang pumasok " he told me habang nakakunot ang noong bumaling sakin.

Suplado talaga eh noh? Ano bang problema nito, pinaglihi ba to sa sama ng loob?

"Talaga! bitiwan mo na nga ako" nakanguso kong sabi. Nakakainis kausap.

At binitiwan naman niya ako.

Bahala ka sa buhay mo!

Lalagpasan ko na sana siya ng makita ng mga mata ko si Agatha at Aizen na magkausap sa hallway, sila na naman? Lahat ba ng sulok ng school na to e may anino nila? Masyadong maliit naman yata tong school nila Miro. Kailangan na nilang mag pa extend ng mga buildings dito para hindi ko makita oras oras ang pagmumukha ng dalawang to.

Wala masyadong tao ang dumadaan kaya kitang kita ko sila mula dito, pag dumeretso ako ng lakad sigurado akong madadaanan ko silang dalawa, napairap nalang ako.

Padabog na hinarap ko si Miro, since girlfriend niya na ako at mukhang ok naman sa kanya, edi lubuslubusin ko na.

"Hold my hand again" sabi ko pero tiningnan niya lang ako. Mauubos yata ang pasensiya ko sa lalaking ito.

"Ako na nga lang ang gagawa. Stupid boyfriend." at kinuha ko ang kamay niya at pinagsaklop sa kamay ko, walang mangyayari kong hihintayin ko pang siya ang gumawa.

I pulled him and we walk holding hands. Habang palapit kami ng palapit mas humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Miro. I don't know, pero parang nagagalit ulit ako? Parang gusto kong sabunutan ulit si Agatha at ingudngud sa pader ang pagmumukha niya. Sana pala hindi nalang ako dumaan dito eh. Sana bumalik nalang ako sa rooftop.

Malapit na kami sa kanila ng mapatingin sila samin, nakataas ang kilay ni Agatha while Aizen focus his gaze on me, napadako ang tingin niya sa kamay namin ni Miro na magkahawak pero agad din naman bumalik ang tingin niya at napatitig sa mga mata ko, napaiwas ako sa klase ng tingin niya.

She's Back !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon