Binuhat niya ako papunta sa kwarto 'ko at hiniga sa kama habang kinikiliti. Sobrang saya 'ko ngayon. I miss the old him. Sana laging ganito.

"Naglalambing ang wifey 'ko ah.." Naghubad siya ng tshirt and I can feel my cheeks getting hot. Holy siomai! Ang hot ng bebi 'ko!

"Grabe ka! Nagtanong lang ako—waaaah!" Pumatong siya sa akin at kiniliti ako.

Feeling ko pulang pula na ako dahil sa kakatawa. Naluluha na nga ako, eh.

"Awat na 'by!" Sigaw 'ko habang tumatawa parin.

Tumigil naman siya agad at pinainom ako ng tubig.

Pinagpalit niya ako ng damit. Kakaligo ko palang pero pawis na agad ako. Shemay. Siya pa mismo ang nagpalit ng damit sa akin.

"Alam mo 'by... Miss na miss kita." Hinawi niya ang hair strands na humaharang sa mukha 'ko at inilagay sa gilid ng tainga 'ko.

"Ako din.. Kung alam mo lang na ilang beses kitang iniyakan." I pouted.

He smiled at leaned forward to kiss me. Dahan dahan niya akong hiniga sa kama and the rest is a vision of ecstasy.



He took me on a date later that night. Ngayon nalang ulit kami nag dinner sa isang fancy restaurant. Ngayon nalang ulit ako nagsuot ng formal dress para bumagay sa tema ng resto na kakainan namin.

"Alam mo.. Kahit kfc lang sapat na ako. Hindi mo ako kailangan dalhin dito." Nalula kasi ako bigla.

799 isang plato na puro damo ang laman. Loljk. Salad. Tapos 69 pesos yung rice. Tapos yung wine 500. Susuko ako dito.

"Minan lang naman ito.. Magorder kana." He smiled.

Pinili ko ang pinaka mura. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang lasa nito pero 'yon ang inorder ko kasi worth 799 lang siya. Yung iba kasi libo ang presyo.

Nang dumating ng order, nagustuhan ko naman 'yung inorder 'ko. Ngunit sa kalagitnaan ng masayang kwentuhan namin, may pesteng tumawag kay Anton.

"Ano ba 'yan.. Minsan nga lang magka alone time." Napasimangot ako nang sagutin ni Anton ang tawag.

"Hello?" Nakita ko kung paano nagpalit ang ekspresyon ni Anton. Ngiting-ngiti siya kanina pero napalitan ng pagkabigla at pagaalala. "Sige po tita. Papunta napo ako." At agad niyang binaba ang tawag.

"Anton anong nangyayari?" Naguguluhang tanong 'ko.

"Via inatake si Coleen!" Nagpapanic 'yung boses niya. What?

"T-talaga? U-umalis na tayo!"

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Her disease is very serious. Ang tanga tanga 'ko! Bakit ko pa siya pinatulan? She must have been really hurt with the words I told her yesterday.

Tanga ka talaga Via! Hindi ka nagiisip!

Nang makarating sa hospital ay halos tumakbo na kami ni Anton patungo sa kanyang hospital room. Nang makarating kami doon ay sarado ang pinto at nasa labas si... Meika at ang Mommy ni Coleen, umiiyak.

"Tita..." Ani Anton.

"Anton.. Thank God!" Napayakap yung Mommy ni Coleen sa kay Anton.

"Walang hiya ka Via!" Lumagapak ang palad ni Meika sa pisngi 'ko na siyang ikinagulat 'ko. "Tita, siya yung babaeng sinasabi ni Coleen na nanakit sakanya!"

"How dare you!" Akmang susugurin ako ng Mommy ni Coleen pero agad na humarang si Anton at niyakap ako.

"Tita please don't! Girlfriend ko po siya." Mariin na sabi ni Anton.

"Ang sama ng mga sinabi mo sa anak 'ko! How could you do that to my sick daughter?! Did your mother even raised you right para ganyan ang iasal mo!?" Dinuduro-duro pa ako ng Mommy ni Coleen.

"Tita tama na po.. I'll fix this. Just please.. 'Wag niyo pong pagsalitaan ng masama ang girlfriend 'ko."

Masama padin ang titig ni Meika at ng Mommy ni Coleen sa akin. Lumayo kami ni Anton sakanila at nagusap.

"Via ihahatid na kita sainyo—"

"Hindi pwede! Anton kasalanan ko kung bakit inatake si Coleen..."

Kinakain ako ng konsensya 'ko. Shit.

"Magusap kayo kapag nasa mabuting kalagayan na siya. Please, Via."

"Hindi! Anton hindi matatahimik ang konsensya 'ko kung may mangyaring masama kay Coleen.."

We waited for hours bago lumabas ang doctor. Bumili saglit ng makakain si Meika. At yung Mommy niya naman ay kumuha ng mga damit ni Coleen kaya kami nalang ni Anton 'yung tao.

"Doc, pwede na po ba kami pumasok?" Tanong ni Anton nang lumabas ang doctor.

"Ittransfer namin siya sa ibang kwarto. 'Don niyo siya puntahan."

Nanghina ako nang makita 'ko si Coleen. Umiiyak siya at maraming nakasaksak sa katawan niya. Nak nebulizer din siya at may malaking green na tangke sa gilid niya. I didn't know na ganito kalala yung sakit niya.

Nang mailipat siya ng kwarto ay pumasok na kami ni Anton.

"Coleen... Kamusta?" Naiinggit ako sa paraan mg paghawi ni Anton sa mga buhok ni Coleen na nasa mukha niya.

Naiinggit ako. Nasasaktan ako. Nagseselos ako. Pero wala akong magawa kundi magpretend na wala lang iyon.

Umiyak lang si Coleen at umiiling-iling. Nakatitig siya sa akin at agad akong nakaramdam ng awa.

"P-pwede.. Ba... Kami.. Via.. Usap?" Hirap siyang magsalita dahil sa kanyang nebulizer.

Tumango saglit si Anton. In-off saglit ni Anton yung nebulizer at ibinigay sa akin yung inhaler.. "By kapag nahirap siyan huminga ibigay mo ito ha?" Bulong ni Anton bago lumabas.

"K-kailangan mo?" Alok ko sa inhaler niya. Tumango siya at dahan dahan na kinuha ito sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Coleen nang mapapikit siya at mabagal na sinusuntok ang puso niya.

"Olivia..." Hinawakan niya ang mga kamay 'ko. Bumuhos ang luha niya habang nakatitig sa akin, "Ipaubaya mo na lang sa akin si Anton.. Please.."

Ang gago kong beastfriendWhere stories live. Discover now