Chapter 8

10.8K 292 8
                                    

"Son, how long are you planing to hide there?" Dad

I remained quiet. It's been fucking 3 days, but I'm still here, in my room.. Trying to avoid everyone. 

Nahihiya ako sa sarili ko. Tangina lang, nagawa ko sya saktan samantalang... Samantalang..

Bakit ba kasi ang taas ng pride ko!? Kanino ba ako nag mana!?

Sinabunutan ko yung sarili ko pero hindi sapat para mawala yung sakit sa dibdib ko. Hindi ko na alam yung gagawin dahil wala akong alam... Wala akong alam sa pinag daraanan nya. At sampal sakin na wala akong ibang ginawa kung hindi pag mukhain syang tanga sa harap ng lahat.

"Baby? May bisita ka.. Y-Yung kuya ni Shon, narito.." Mom

Agad akong tumayo saka pinag buksan ng pinto si Mom. Bumaba agad ako sa sala. Pakiramdam ko, uminit agad yung ulo ko.

Naruon si Kuya Shane-- yung kapatid ni Shon at yung lalaking laging naka sunod kay Shon.

Wala akong pakielam kung kasunod ko lang si Mom at kaharap nila si Dad. Agad akong lumapit saka sya kinwelyuhan na nag pagulat sa lahat.

Gustong gusto ko sya ihagis palabas ng bahay namin kahit mas malaki pa sya sakin!

"Where is Shon, you bastard." nang gigigil na tanung ko.

"Rhyne!" tili ni Mom.

Naramdman kong nilayo agad ako nila Dad sa kanya. Naka tingin lang sya sakin ng masama saka inayos yung kwelyo nya.

Hanggang sa paupuin ako ay masamang titigan lang ang binibigay namin sa isa't-isa.

"Mag kakilala kayo ni Dr. Ashton?" Kuya Shane.

"Of course. He's always at Shon's place." ako

"Rhyne. You're picking a fight to a doctor?" galit na tanung ni Dad. Hindi ako umimik.

"You're kidding. Wala sa mukha nya.. Mas mukha pa sya'ng bimbo, actually." naka ngising sabi ko

But to my surprise, may mother's hand landed to my face as she gave me her angry face. I remain emotionless not until I saw, awkwardness to Kuya Shane.

"I did not raised you to be that impudent, Rhyne." Mom

"You can't blame me if you only knew why I'm like this." ako

"Watch your word, young man." mahinang sabi ni Dad.

"Tita, Tito.. Let's take it aside for now... Rhyne.. There's something we wanted to tell you, about Shon."

After minutes of silence, he started to speak. Every detail is very clear to me. I heard my mom gasp as I watch my father trying to make my mom calm.

My mind is flying. It is like a bomb that exploded right to my face.

Both of them remained quiet.

"You're kidding me. A new case of cancer that Shon only has?" pag uulit ko sa naunang sinabi nila.

Hindi sila umimik. Tahimik na bumalik ako sa kwarto at umupo sa kama ko. I look everywhere. There's the keyboard that Shon gave to me 3 years ago.

A goth teddy bear na alam kong pinasadya nya pa para sakin and many more. Everything that occupies the space in my room is from her.

Parang ngayon lang nag sink in sa utak ko yung sinabi ng dalawa. Wag nila ako lokohin. Hindi nya ako iiwan..

Hindi nya gagawin yon.

Pero wala na. Kasi, tuluyan nya na akong iniwan.

Iniwan? Ako? Hindi totoo yun! Hindi!

"Hindi!" sigaw ko.

Pero tangina, kahit anong kumbinsi ko sa sarili, hindi mag babago na patay na sya. Patay na sya, 2 days ago pa! Bakit? Bakit sya pa? Tapos ako pa ang huling naka alam saming lahat.

"Aaarrrrgh!"

Sigaw ko sabay hawi ng lampshade ko. Kahit anong malapit sakin ay nabasag. Binalibag ko lahat, kahit lamesa ay binaliktad ko.

Ang sakit sa dibdib. Ang sakit kasi hindi ako makikita ni Shon na nasasaktan.

Binato na sa bintana yung iba, pero hindi parin mawala yung sakit at galit sakin. Sakit dahil ngayon ko lang naranasan ang mawalan.

Ngayon ko lang naranasan na manghinayang. Kung.. Kung pinaramdam ko lang sa kanya na importante sya.. sakin.

At galit. Dahil sa pagiging gago. Sa pagiging tarantado at sinaktan ko sya. Alam kong hindi sya galit sakin pero gusto ko humingi ng tawad.

Pero alam ko, hindi mag babago iyon dahil wala na sya..

"SHON!" sigaw ko

KNOCK!

KNOCK!

"RHYNE! OPEN THIS DOOR!" Dad.

"AARGGHH!!" sigaw ko, kasabay ng pag tulo ng luha ko.

Akala ko manhid na ako dahil hindi ko magawang umiyak.

Pero ngayon, ramdam na ramdam ko yung sakit! Biglang bumukas yung pinto at nilapitan ako ni Mom.

"Mom.." mas lalo akong naiyak.

Tuluyan akong napa upo sa sahig habang yakap nya.

"Baby.." Mom, naiiyak narin sya.

"Sana ako nalang.. Kahit ako nalang yung nag suffer.. Kahit ako nalang yung namatay.." halos pabulong na sabi ko habang tumutulo yung mga luha ko.

"Shh.. Anak ano ba yang sinasabi mo?" Dad

"Mahal ko kasi sya Dad... M-Mahal na mahal ko sya.. Pero a-anong ginawa ko..? Pinakawalan ko sya at sinaktan..."

Nakakapang sisi sa huli.. 



My Lovely Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon