Crossing Time

16 2 3
                                    



CROSSING TIME

'GUSTO KO SO SIR TAMEO.' Wala sa sarili kong sinulat sa desk ng arm chair habang nakikinig ng lecture niya. Napakurap ako ilang saglit bago napagtantong fine tech pen pala ang ginamit ko. Aaah! Makikita nila!

Buburahin ko na sana ang mga salita nang, 'Kung gusto mo, bakit hindi mo sabihin?' sa ibaba ng aking sinulat. Nalaglag ang panga ko. Lumitaw ang sulat-kamay na hindi ko kilala.

Hindi ko maintindihan! 'Sino ka?'

'Ikaw ang unang nagsulat dito.'

Nanginginig ang kamay kong isinulat ang aking pangalan. 'Chancy ang pangalan ko.'

'J hon.' Alias ba iyon?

'May gusto kang sabihin? Multo ka ba?' Walang sagot. Nanayo ang mga balahibo ko. Biglang nabura lahat ng sinulat niya. Ang natira nalang ay ang scandal ko kasama ng aking pangalan!

Nagpapasalamat ako at maliit lang ang pagkasulat ko at nagawan ng paraan.

"Expect a chapter quiz next meeting." Bumalik ako sa realidad sa singhap ng mga kaklase ko. Hindi ako nakinig sa lecture ni Sir Tameooo! Isang beses bawat linggo ang klase namin sa kanya. Tatlong units na lecture at oras din iyon kaya bitamina na para sa mga mata at gamot na rin sa bawat pagdurusa ko ang makasama siya sa isang silid.

Pero lahat ng iyon ay sinira ni J-hon. 'Wag na siyang magparamdam sa akin. Susunugin ko talaga ang upuang iyon!

"Natulog ka ba?" tanong ni Xiann, ka-block ko sa Chemistry.

"Ha-ha," tuyo kong tawa. Kalahati lang ang napag-aralan ko dahil hindi umepekto ang alarm kanina. Sa ibang salita, puro tulog lang ang ginawa ko kagabi.

Ugh. Subject pa naman ni Sir Tameo ito.

Puno na ng presyon ang utak ko at hindi na napansin ang pagsulat ng unbalanced equation sa mesa. Halos mapatili ako sa numerong lumitaw sa arm chair. Ramdam ko ang titig ni Sir Tameo sa akin at kumalabog pa lalo ang dibdib ko sa kaba. Si J-hon ito, hindi ba?

Nakakahiya dahil lahat ng unbalanced equation at formula na nakalimutan ko ay binigyan ni J-hon ng sagot. 'You saved me. Thank you!' Wait, hindi ako nag-cheat, hindi ba?

'' Nagsimulang pagpawisan ang mga palad ko. Bakit pakiramdam ko nagbago ang personalidad niya?

'Anong ginagawa mo?' Wala na naman siyang sagot! Nabura na rin ang lahat ng sinulat niya. Dali-dali ko ring binura ang sa akin gamit ang eraser ng friction pen at nagpasa kaagad ng papel.

'Sir Tameo! ' Ang saya ko! Ngumiti siya sa akin dahil isa ako sa highest sa quiz. Although, may tulong akong natanggap mula kay J-hon.

'...' Nandito siya! Ngayon tahimik na naman ang karakter niya.

'Hindi ka ba talaga multo?'

'May maitutulong ba ako sa'yo?'

'Gusto kitang makilala.'

'Jhon Barrio, 3rd year. SY 2001-2002' Saglit lang iyon lumitaw at nabura agad. Hindi ko alam kung bakit ako pursigidong mahanap siya. Gusto ko lang siguro siyang pasalamatan dahil sa ngiti ni Sir Tameo sa akin.

Hinanap ko ang pangalan niya sa yearbook pero hindi ko makita. "Bakit hindi mo subukan ang high school department?" Lumingon ako at nakita si Xiann. May dala siyang Principles of General Chemistry ni Silberberg. "Bago naging unibersidad ang school natin ay may high school department ito dati."

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now