Naka ready narin ang mga ever loving body guards namin ni RJ.

These men are in charge of our safety. They were hired by GMA mula ng nagsisimula palang kami ni Rj and till now anjan parin sila for us.

"Boss, kahit anong sabihin nyo sasama kami sa inyo." driver

Alam kasi nila na kapag kasama ko pamilya ko ay ayaw kong sumasama sila samin kaya inunahan na ako.

"wala naman akong sinabi ah. Pero sama talaga kayo. Kasama ko pa naman ang mga bata. Ok lang kung kami lang kasi pwede sa siksikan."

"sige po susunod nalang kami kay sir Nico." rogelio 1

"sakay na menggay!" nico

Tulog lang ang kambal sa byahe. Around 9 na kami umalis sa bahay at mga 30 minutes ay dumating kme sa St. Luke's.

Karga ni Kuya Nico si Light habang karga naman ni Riza si Raine. Nag uusap kami ni Ate Coleen at si Dean naman ang may dala ng gamit ng mga bata.

Pagpasok sa hospital at tsaktong nag ring naman ang phone ko.

Walang iba kundi ang mahal kong asawa. Kakafising lang dahil husky pa ang voice nya.

"good morning mommy." him

"good morning dad. How'a your sleep? Napalate ng gising ah.?"

"wala kasing alarm eh. Tsaka mamayang 3 PM pa naman ng call time ko, mommy. Ikaw kamusta kayo? Miss na miss ko na kayo." him

"oh wag na magdrama baka pati ako maiyak dito kahiya. Wala ako sa bahay uy.."

"nasaan ka nga ba? Bat parang ang ingay?"him

"bago yan, ok lang po ako, kami ng mga bata. Walang problema.ok?"

"ok po. Pero nasaan kayo?"him

"nasa ospital po kami dad. St. Luke's---"

"ha? Anong nangyari? Sabi mo walang problem? Sino naospital? Ok lang ba si Raine at si Light? May lagnat? Sinisipon? Bat di mo ko tinawagan? Dapat ginising mo na ako mommy? Uwi na kya ako. Mommy? Meng? Maine? Mrs. Faulkerson? Uy mommy bat di ka sumasagot?" him

"hello dad? Lakas ng sapi mo uyy. Paano ako sasagot eh salita ka pa ng salita? Di ako makasingit. Tsaka relax ok?"

"paano ako mare-relax mommy eh nasa ospital kayo?"him

"dad, andito lang po kami for the twins' check-up. Kadadating nga lang namin eh. So walang reason to worry ok?"

"yun ba? Akala ko kung ano nah? Eh sinong kasama mo jan mommy?"him

"yung mga bisita sa bahay kagabi. Nagprisinta ng samama para daw may makatulong ako."

"mabuti naman kung ganoon. Tsaka wag ka ring masyadong magpakahirap jan. Kakapanganak mo palang Meng ha. Baka mamaya marinig ko naglalaba ka na naman o di kaya nagpapalit ng mga kurtina. Naku mommy sinasabi ko talaga sayo, magagalit talaga ako." him

Ok, eto na naman kami sa pagiging over protective ng asawa ko. Pero i find it sweet and cute. Kinikilig padin ako sa mga efforts and concerns ng asawa ko.

Ewan ko lang ha pero mas lumala ata pagka concern ng asawa ko sakin plus yung pagiging OP nya sa mga bata pero sabi nga ni tatay, normal lang daw yun lalo na sa firat time parents. In our case daw kasi mas grabeng pag aalala yung kay RJ kasi wala sya sa tabi namin. Kaya super effort sya to make time with us.

Lalo na ngayung nasa Hongkong sya.

"ok lang po kao dad. Di na nga ako makaalis sa tabi ng mga bata eh."

"good."him

"okaw naman po magbihis ka na at mag almusal po. Baka kanina ka pa hinihintya ni Nay Ten baka gutom narin yun."

"sige mommy i'll call you later. I love you. Pls kiss our patchochies for me. Ok?"him

"i will and i love you too. Bye Daddy."

End of phone Convo.

"nagpanic si kuya noh ate?" riza

" ah oo, kulit nga eh."

"rinig namin yung boses eh. Natataranta ata." coleen

"uuwi na nga sana eh."

"Si Kuya Rj talaga oh." dean

" anong floor nga yung office ni doc, meng?"coleen

"5th ate."

Umakyat na kami sa 5th floor. Usually kapag ganitong nasa labas ako ay dinudumog na kmi ng mga tao but im happy kasi kapag kasama ko ang mga bata ay kalmado ang Aldub Nation. Tama nga si Kuya, di lang kami ang protective sa kanila. Pati narin ang buong Aldub Nation.


Life after 7yrs (An ALDUB Fanfic) {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon