"Olivia, 'yon ang wag na wag mo gagawin. Please. Don't harm yourself.... Again." He sighed at niyakap ako. "Alam 'kong fragile ka sa mga bagay bagay. Pero by naman, kung maghiwalay man tayo, 'wag mong gagawin 'yun. Okay?"

"Bakit? Maghihiwalay pa ba tayo?"

He smiled, "Hindi. Love na love kaya kita."

Kinikilig ako. Pakerimoru. Pakshet na Anton 'to. Basta pag ako talaga iniwan nito! Nako talaga!

Oras ng klase ay nagkaroon ng surprise quiz. Nangungulelat na naman ako sa sagot! Nasa ika- 27 na kami pero hindi ko padin alam ang sagot sa number 1!

Naramdaman kong kinalabit ako ni Carlo. Napatingin ako sakanya. Pasimple niyang pinagpalit ang paper namin. Wow! Kompleto ang sagot niya!

"Lagyan mo nalang ng pangalan mo.." He whispered.

Hindi na ako nagpaka-choosy. Nilagyan ko ng name ko ang papel niya.

"Thanks–"

"OLIVIA AND CARLO! WHAT ARE YOU TWO DOING?!" Parehas kaming napatalon ni Carlo sa sigaw ni Mam.

Feeling ko umakyat lahat ng dugo 'ko sa mukha dahil sa sobrang kaba. For the first time! Ngayon lang ako nahuli nag cheat!

"Pinulot ko lang po yung paper ni Olivia na nahulog..." Excuse ni Carlo.

"Then, you must be cheating with Olivia's answers! Bakit kelangan mo pulutin pa eh kaya niya naman?" Taas kilay na tanong ni Mam. Shet! Nakaka-kaba!

"I'm sorry mam.. Wala po kasi akong masagot, eh." Yumuko si Carlo. Fuck! Bakit... Bakit niya ginawa iyon?

"Get out of this room, Mr. Princeton! Zero ka sa quiz na ito!" Kinuha ni Mam ang papel niya at pinunit. Tumango lang si Carlo at lumabas.

Fuck. Nakokonsensya ako! Bakit kelangan niya pa akong isalba eh kaya ko naman harapin yung consequence ko? Hay nako!

Over 30, I got 27. Hindi ko nasagutan yung tatlo kasi nga hindi ko alam! Huhuhuhu!

"Very good, Mr. Blackwell. Perfect score at wala pang erasures or alterations!" Nagpalakpakan ang lahat sa klase. Napatingin ako kay Anton pero tulala lang siya at tumango lang.

"And wow! Miss. Paredes! Hmm, pwede na. 3 mistakes!"

Hindi ako natuwa. I don't deserve that score. Gustong gusto ko akuin yung pagkakamali ko pero baka mamisinterpret na naman ni Anton at pagawayan lang namin kaya okay lang. Hayaan ko na si Carlo kahit sobrang bigat sa pakiramdam 'ko.

"By. Ano oras tapos mo?" Tanong ni Anton habang naglalakad kami patungo sa gym.

"Hindi ko alam. Dadating si coach eh kasi magpeperform kami sa buwan ng wika. Ikaw ba?" Nagcling ako sakanya. Mahal na mahal ko talaga siya! Hihi!

"Di ko parin alam. I'll just text you. Didiretso naba tayo kina Coleen?" Hinalikan niya ang ulo 'ko at hinatid sa loob.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon