I'm Still Into You (Short Story/COMPLETED)

1.3K 17 6
                                    

I'M STILL INTO YOU

(Short Story)

written by:

perfectlover

_______________________________________________________________

** PL's Note:

This is a true story, every single scenes ay hango sa lahat ng tunay na pangyayari..

______________________________________________________________________

KIM's POV

Pinapaypay ko sa sarili ko ang schedule ko. Pagdating ko sa school, iniscan kona muna ang I.D. bago pumasok. Kinakabahan ako, 1st day of school ngayon. Sino kayang magiging mga classmate ko? Sana naman mababait naman sila at mabilis kung makakasundo.

Poise na poise ako pag-akyat ng hagdan hanggang sa mapapunta nako sa 3rd floor. May nakita akong iilang students puro lalaki.

"Hmm.. A-1?"

Tanong ko? Pangalan ng section namin.

Yung mga lalaki naman biglang nagkantyawan lumapit kasi sakin yung isang lalaki na kung titingnan ay mukang maloko at maasbag.

"Classmate ka namin miss?"

Tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango nahihiya kasi ako. Nung sumagot ako biglang nag-asaran. Tumahimik nalang ako ganung alam kung mga classmate ko naman sila, nagpunta ako sa isang sulok.

Sila naman puro mga nakatingin sakin tas nakangiti. "Ate ano daw pangalan mo?" Tanong nung matangkad.

"Kim."

Simpleng sagot ko.

"Si Arthuro nga pala."

Tapos itinuro sakin yung kaninang nagtanong kung classmate nila ko. Ngumiti lang ako at muling nanahimik.

Ang ingay nila sa may tabi ko, mga kalalaking tao ang haharot, magugulo. "Ito ba mga makakasama ko?" Bulong ko sa sarili. Mukang mga banga kasi sila.

Ilan pang segundo ay biglang nagbell. Dumating narin yung teacher namin kaya pumasok na kami sa room.

Dun ako umupo sa pinakadulo kung saan malayo sa kanila. At dahil kakaunti palang naman kaming mga pumasok, wala kaming ginawa kundi nagkwento lang si Ma'am, kilala na naman nila ako dahil old student ako unlike nitong mga kasama ko.

Nagstop lang nung 1st year 2nd sem kaya 1st year college palang ako. Ireg kasi ako last sem kaya ngayong 2nd sem ko lang nakuha ang mga Major subject ko ganung hindi siya available last sem.

Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang oras namin na puro kakulitan nitong mga classmate kung lalaki ang gugulo at ang iingay nila.

Napapatingin silang lahat sakin including girls siguro nagtataka sila dahil bago lang nila akong classmate. Simpleng smile lang ang ibinabato ko sa kanila kada mapapatingin sila sakin.

Ayoko ng ganito, yung pinagtitinginan, ngayon lang ba sila nagkaron ng classmate na mas ahead sa kanila?

**

Umuwi nako after kung pasukan ang dalwang subjects lang, well, galing kasi ako sa faculty para itanong kung nanjan ba ang prof namin sa subject nato o wala. Kaya ng malaman kung wala, umuwi nalang ako. Yung iba naman nandun kaya lang, hindi raw muna sila magkaklase.

Tomorrow is another day! Haaay. I crossed my fingers sana naman ay goodvibes. Pagdating ko sa 3rd floor, napaaga naman ata ako ngayon. Kokonti palang kami, yung iba naman nakakausap kona,kapag sila ang unang kakausap sakin hahaha. Pero pag hindi nila ako kinausap, edi hindi nila ako makakausap.

I'm Still Into You (Short Story/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon