Chapter 2

335K 6.4K 290
                                    

TINULUNGAN ni Aya si Manang Fe sa paghahanda ng pananghalian. Nang matapos ay muli siyang bumalik sa kwarto para maligo at mag-ayos. Darating na raw kasi si Kurt kaya dapat kahit papaano ay maging presentable siya.

Habang nagbibihis ay iniisip pa rin niya ang pagdating ni Kurt. Marami siyang gustong itanong pero wala pa man ito ay kinakabahan na siya. Ano pa kaya kapag nakaharap na niya ito?

Nagsusuklay na si Aya nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Sa pag-aakalang si Manang Fe iyon ay basta na lamang niya ito pinapasok.

“Maganda ka na.”

Nabitawan niya ang brush na gamit nang marinig ang baritonong boses ng isang lalaki. Kumalabog nang malakas ang dibdib niya at alam niyang sa mga oras na iyon ay wala nang kasimputla pa ang mukha niya dahil sa labis na kabang nararamdaman.

Dahan-dahan siyang lumingon sa lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila. At nang dahan-dahang umangat ang gilid ng mga labi nito’y parang gusto na lamang niyang maglupasay sa sahig dahil sa sobrang kilig. Tinalo ng kilig ang kaninang takot at kabang nararamdaman dahil sa simpleng pagngiti nito.

Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya si Kurt Anderson. Ang lalaking pinapangarap lang nila noon ni Almira na makita sa personal.

Walang-wala ang hitsura nito sa mga larawan sa hitsura nito sa personal. Those magazine photos didn’t give justice to his handsomeness. Sa mga magazine ay napakaseryoso nito at tila walang buhay ang mga mata. Pero ngayong kaharap na niya ito ay masasabi niyang expressive ang mga iyon.

“Are you ready? Come, let’s talk,” sabi nito kaya natigil siya sa pagkukumpara sa hitsura nito sa larawan at personal.

“H-Huh? Yes, ” sagot niya.

Tumalikod na si Kurt kaya naiwan siyang nagtataka kung ano ang gagawin.

NAKAYUKO lamang si Aya habang hinihintay na magsalita si Kurt. Nasa mini-office sila nito. Hiyang-hiya siya sa inasal kanina habang naglalakad sila patungo sa mini office nito. Nahuli kasi siya nitong nakatingin sa pang-upo nito. Hindi rin siya makatingin ng diretso dito dahil nadi-distract siya sa ngiti nito. Natatakot siyang baka may magawa siyang katangahan sa harapan nito.

“Okay ka lang?” Napa-angat siya ng ulo nang magsalita si Kurt na agad din naman niyang pinagsisihan dahil napako na naman ang mga mata niya sa mga labi nito.

“Hey, nawawala ka.”

Napasinghap na lamang siya nang nasa harapan na pala niya si Kurt. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mga mukha nila.

"C'mon, sweetheart. Breathe. I won't bite you," sabi nito. Saka pa lamang niya napansin na pigil niya ang paghinga. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga.

"S-Sorry, k-kinakabahan ako, eh," lakas-loob na pag-amin niya.

Kurt chuckled. Damn! Pati pagtawa, ang sexy!

Inalalayan siya ni Kurt paupo. Hindi niya maiwasang mapaigtad nang maramdaman niya ang mainit na palad nito sa balikat niya.

“Here.” Iniabot nito sa kanya ang isang brown envelope.

“Ano ito?” Nagtatakang tanong niya. Nabasa niya ang pangalan nito sa likod ng envelope.

“Open it,” nakangiting sagot nito.

Binuksan niya ang envelope at inilabas ang papel na laman niyon.

“Is this for real?” hindi makapaniwalang sambit niya nang mabasa ang dokumento.

“Yes, Sweetheart. It’s real. Legit,” sagot nito.

“Teka? Paanong nangyari ito? Marriage Certificate ito, Kurt!” medyo napalakas ang boses niya.

Hindi kumibo si Kurt at nagkibit-balikat lang.

Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Kurt at sa Marriage Certificate nila.

"Pero, paano? I mean, paanong..." hindi na niya matapos-tapos ang pagtatanong dahil sa labis na kalituhan. Naguguluhan siya!

"I pulled some strings," kibit-balikat na sagot ni Kurt. Parang wala lang dito ang ginawa.

"Without my consent? Wow! Alam ko na may utang na loob ako sa’yo, Mr. Anderson. Pero wala kang karapatan na basta na lamang kumilos nang ganoon na wala akong kaalam-alam!”

Hindi sa nag-iinarte siya o ano pa man. Pero akala kasi niya ay 'for show' lang na asawa kuno siya nito. Hindi niya inakala na may ganoon pa. Alam naman niyang sinabi lamang ni Kurt na mag-asawa sila para protektahan siya. Para hindi na siya saktan pa ng mga magulang.

"Huwag kang magalit, please..." Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Kurt. Tumayo ito mula sa swivel chair at lumapit sa kanya. Lumuhod pa ito sa harapan niya kaya halos magkapantay na lamang ang mga mukha nila."I did that to protect you. Ayoko na ulit mangyari sa’yo ‘yong ginawa ng mga magulang mo. Don't cry, please." He wiped away her tears with his thumb. Ni hindi na nga niya napansin na tumutulo na ang mga luha niya.

"Y-You bought me," saad niya. Parang paulit-ulit na tinutusok ang puso niya nang maalalang nagbigay nga pala ito ng sampung milyon sa mga magulang niya.

"No, Sweetheart. Listen, okay? Hindi kita binili dahil walang halaga ang pwedeng tumumbas sa’yo. You are priceless. You. Are. My. Wife. Hindi dahil sa binayaran ko ang mga magulang mo. You are my wife dahil gusto ko. Hindi dahil sa kung ano pa man. Remember that, okay? Hush now. I don't wanna see you crying. It's breaking my heart." Kurt then kissed the tip of her nose that sends shivers to her body.

"W-Why?"naguguluhan pa ring tanong niya.

"What do you mean by that?" tanong ni Kurt habang hinahaplos ang gilid ng kanyang pisngi at labi.

"Bakit mo ako pinakasalan?" lakas-loob niyang tanong. Iniiwas niya ang mukha rito.

"Look at me." He pinched her chin and gently raised her head. Nagtagpo ang mga mata nila. "Because I need to protect you and ... and..." Nag-iwas ito ng tingin at huminga nang malalim.

"And what?"

“Someday, Sweetheart. Sasabihin ko rin sa’yo,” nakangiting sagot nito at muling pinisil ang kanyang ilong. “Basta ang importante, you are my wife now. Hindi ka na nila uli masasaktan. I will protect you no matter what." Niyakap siya nang mahigpit ni Kurt.

Gumanti na lang din siya ng yakap kay Kurt habang pinipigilan ang sarili na mapatili dahil sa sobrang kilig. Marami pa siyang tanong, marami pa siyang gustong malaman. Hindi pa rin niya alam kung paano ang set-up nila ni Kurt. Pero palalagpasin na muna niya iyon.

She is indeed married to Kurt Anderson. At ang marriage certificate na ipinakita nito sa kanya ang patunay.

His Wife [Published by PSICOM] [Now Available on DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon