Chapter 35: You're OUT

Start from the beginning
                                    

"Oo nga, e! For sure, nalungkot siya nang sobra kaya hindi siya pumasok. May laban pa naman mamaya 'yong basketball team. Hays, bakit kaya siya inalis?"

"Ang sabi, dahil daw kay Candice!"

Kalat na rin pala na ako 'yong dahilan. Parang sumikip 'yong dibdib ko.

"Ha? Bakit? Anong ginawa niya?"

"'Yon ang hindi ko alam, e. Malalaman din natin 'yan."

"Kahit na hindi na siya part ng Apat, crush ko pa rin siya!"

"Nakakalungkot talaga. Tara na nga, pasok na tayo, baka ma-late pa tayo, e."

"Kapag nakita ko 'yong Candice na 'yon, kakalbuhin ko siya, e!"

Noong nakasigurado na akong wala na sila, tsaka lang ako lumabas ng cubicle. Baka mamaya, balatan pa nila ako nang buhay, e. Humarap ako sa salamin. Amp! Parang naiiyak na naman ako. Tama sila, kasalanan ko 'yon, e.

Parang nadudurog 'yong puso ko. Sa tatlong taon kong pag-stalk kay Marky, alam ko kung gaano kaimportate sa kanya 'yong basketball. At dahil lang sa wala na siya sa APAT kaya inalis na rin siya roon. Napaka-unfair naman! Isa pa, matatalik niyang kaibigan sina Jeydon kaya alam kong masakit sa kanyang inalis siya sa grupo nila.

Nakakainis. Ako na naman ang may kasalanan no'n. Kung hindi niya sana sinabing gusto niya ako, sana hindi nangyari ang lahat ng 'yon.

Pumunta na muna ako sa class ko para hindi ako mabigyan ulit ng detention slip. Pagpasok ko sa room, wala pa si Miss Farrah. Kaya pala ang iingay nila. Noong nakita ko si Margot, nginitian niya ako. Kahit malungkot ako, pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya para sa lahat ng naitulong niya sa 'kin noong pre-pageant.

"Oh, my gosh! Wala na raw si Papa Marky sa basketball team?!"

Pwede ba, Bubbles tama na? Paulit-ulit ko na 'yang narinig. Lalo lang akong nalungkot.

"Yes I know! At alam n'yo ba 'yong dahilan kung bakit?"

Lumapit sa 'kin si Blossom. Sumunod naman sa kanya si Bubbles tsaka si Anne. Pati 'yong iba kong classmates napatingin sa 'kin.

"Dahil lang naman 'yon kay Candice."

Nagulat silang lahat.

"Bakit?"

"May rules kasi ang Apat. At isa na roon 'yong walang talu-talo. Kaso inamin ni Marky sa harap nina Jeydon na may gusto siya rito sa malanding babaeng 'to!"

Lalo silang nagulat sa sinabi ni Blossom. Hindi na lang ako nagsalita kahit na nasaktan ako sa sinabi niyang malandi ako, kasi hindi naman ako gano'n. Kaso tama naman siyang kasalanan ko 'yon, e.

"How dare you, Candice? Ginayuma mo ba si Marky? Noong una, si Jeydon tapos si Troy, pati ba naman si Marky? Grabe ka! Ang landi mo!"

"Hindi ako malandi!"

"O, kaya pala? Lahat, inaakit mo? Siguro kung hindi mo lang kapatid si Charles baka pati siya pinatos mo na! Anong gayuma ba ang gamit mo?"

"Sumusobra ka na!" Muntik ko na siyang masampal sa galit ko. Napigilan ko lang ang sarili ko. Mukhang nagulat si Blossom sa ginawa ko. Kinuha ko 'yong bag ko tapos lumabas ako ng room. Pumunta ako sa faculty office. Magpapa-excuse na lang ako kay Miss Farrah. Feeling ko, magkakasakit na ako sa stress at sa problema, e.

Buti na lang, pagpunta ko sa loob ng faculty room, nando'n pa siya.

"Miss Farrah?"

"Yes, Candice?"

"Uhm... ano po... pwede po bang magpa-excuse muna ako sa class n'yo? Masama po kasi ang pakiramdam ko, e."

"Ha? Bakit?" Lumapit siya sa 'kin. Hinawakan niya 'yong leeg ko. "Hindi naman mainit 'yang katawan mo pero sige, pinapayagan na kita. Go to the clinic, okay?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Where stories live. Discover now