Chapter 35: You're OUT

Start from the beginning
                                    

"Ikaw!"

Ako raw? May nagawa ba ako? Galit na galit siya, e. Wala po akong kasalanan.

"Alam mo bang dahil sa 'yo, wala na sa basketball team si Marky! And I even heard tinanggal na siya ni Jeydon sa grupo nila. And it's all your fault!" Sa lakas ng boses niya, may mga estudyanteng lumapit sa 'min at nakitsimis.

"Ha? Tinanggal? Bakit?"

"Nagmamaang-maangan ka pa?"

Parang nainis ako bigla. Ano ba kasing pinagsasabi niya?! Wala naman talaga akong alam, e. Ayaw pa kasi niyang diretsuhin. Bakit ko 'yon naging kasalanan?

"Alam mo, Abby wala akong alam sa mga sinasabi mo! Kaya pwede ba? Aalis na ako!" Paalis na sana ako kaso hinila niya ako pabalik.

"Dahil sinabi ni Marky na gusto ka niya kaya siya napaalis sa grupo! Dahil hindi 'yon pwede! Hindi sila pwedeng magkagusto sa 'yo kasi kapatid ka ni Charles!"

Ilang segundo rin akong natigilan sa sinabi niya. Naiintindihan ko na. Alam ko namang may rule silang walang talu-talo. Bakit ba hindi agad 'yon pumasok sa isip ko?

Inalis ko 'yong kamay ni Abby sa 'kin. Kailangan kong hanapin si Jeydon.

"Saan ka pupunta?"

"Aayusin ko 'to."

Hinanap ko si Jeydon. Pumunta ako sa room ng Section Eleven pero wala siya. Kahit sa gym, wala rin siya. Kahit sa tambayan nila, hindi ko siya nahanap. Nasaan na ba siya?

Kaya pala hindi kasama si Marky noong sumayaw 'yong basketball team noong Friday kasi tinanggal na siya. Kailan pa? Kailan pa siya inalis ni Jeydon? At bakit gano'n? Dahil lang ba sa sinabi ni Marky na gusto niya ako, inalis na agad siya? Hindi 'yon pwede. Kung may dapat sisihin, ako 'yon. Bakit ba kasi ako na lang 'yong laging cause ng problema?

Aish! Parang naiiyak ako. Nasaktan ako sa nakita ko kahapon pero hindi pa rin pwedeng hindi ako mag-alala kay Marky.

"Candice?"

"Tiffany."

"Okay ka lang? Anong nangyari? May umaway ba sa 'yo?"

"Kasi kailangan kong makita si Jeydon, nakita mo ba siya?"

"Hindi, e. Bakit ba?"

"Kasi... sabi ni Abby, natanggal na daw sa basketball team si Marky pati sa grupo nila."

Hindi makatingin sa 'kin si Tiffany. "Oo nga. Kalat na 'yon sa buong school."

"Kalat? Kailan pa?"

"Uhm... hindi ko alam kung kailan talaga nila inalis si Marky sa grupo pero kasi si Six na 'yong ng Blue Dragons Basketball Team. Wala na 'yong name ni Marky sa list."
"Hindi nila pwedeng gawin 'yon!"

"Candice, hindi sumunod si Marky sa rule. Don't worry naiintindihan naman kita, e. Mamaya sa lunch, tutulungan kitang kausapin sila pero pumasok na muna tayo sa first subject natin, okay?"

"Sige Tiffany, salamat. Tsaka pala marami ka pang ikukwento sa date n'yo ni Troy."

"Hihi! Oo nga. Sige, sige!"

Hindi ko kayang maging masaya pero ayoko namang hawaan si Tiffany ng bad vibes ko. Halata naman kasing masaya siya.

Pumunta muna ulit ako sa restroom bago ako pumunta sa room ng Section One. Habang nasa cubicle ako, may tatlong babaeng pumasok.

"Bakit kaya absent si Marky?"
"Narinig n'yo na ba? Inalis na raw ni Jeydon si Marky sa grupo nila kaya wala na rin siya sa basketball team."

"Kaya pala hindi sila nagpapansinan ni Charles. Tsaka hindi na siya tumatambay sa spot nila sa canteen. Kawawa naman si Papa Marky."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Where stories live. Discover now