Chapter 2

42.7K 623 36
                                    


Chapter 2

7:06 am ng nakarating ako sa paaralan. Masyado pa rin maaga dahil wala pa akong nakikitang tao sa loob. Ayos na rin 'to atleast makakatulog ako sandali sa classroom at maiiwasan ko rin ang leader ng Dark Eminence. Naalala ko pa kasi 'yong nangyari nung isang lingo, 'yong ano..'yong ano. Aahh! Basta yun. Ayaw ko ng maalala. Mas makakabuti ko kakalimutin ang mga dapat kalimutin.

Naglalakad na ako papuntang classroom ko ng napahinto sa kalagitnaan ng hallway. May narinig kasi akong ingay na nagmumula sa pinakadulong kwarto. Lumapit ako dun at sinilip kung anong meron. Nakasara kasi 'yong pinto pero makikita mo naman pa rin iyong nasa loob dahil salamin iyong isang bahagi ng pintuan. Ganoon naman kasi ang mga pinto sa building na 'to.

'Yong kwarto, parang dinaanan ng bagyo at may dalawang taong nagtatalo.

'Si Lou at si Chance? Nanaman?'

"Ayaw ko." Parang maiiyak na sabi ni Lou. Nakayuko siya at kaharap si Chance. Nasa gitnang harapan ang dalawa at mukhang may pinagtatalunan.

"Bullsh*t!! Don't use that damn face to me woman." Galit na sabi ni Chance. "There is nothing you can do about it. You are my property. So, behave and do what I say."

'Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? At ano bang pinagsasabi ni Chance na property?'

This past few days nagiging weird ang dalawang sa isa't isa. Simula nung nangyari sa may hallway. Lagi ko na lang silang nakikitang magkasama at halos ng mga 'yon ay kinakaladkad ni Chance si Lou kung saan.

Hindi naman ako makareact kasi nakakatakot ang itsura ni Chance pagkinukuha niya ang kaibigan ko sakin at isa pa, isa sa siya mga 'hari'. Hanggat maari kasi ay ayaw kung makialam lalong lalo na kapag may Arclide na involve. Tapos itong si Lou naman kung tatanungin ko ang tanging sagot lang sakin ay "Wag mo na lang pansinin." Kaya nagdesisyon na lang akong manahinmik. Wala akong alam sa nangyayari sa dalawa kaya wala akong dahilan para mahimasok.

Pero noong sabado nakita ko silang magkasamang lumabas sa isang kilalang patahian ng mga wedding gown. Tatawagan ko sana si Lou nun kaya lang nakasakay agad sila sa kotse.

"May gusto akong iba at hindi ako magpapaka--"

"Sh*t!" Mura ni Chance tapos pinagsisipa 'yong upuan malapit sa kaniya. "Don't you dare Ann. Don't you dare finish that fcking sentence! Fck!!"

Tumahimik naman ang kaibigan ko at nakikita kong tumutulo na ang mga luha niya. Alam kong nagsisimula ng umalsa ang takot nito sa kaharap.

'Nabubwisit na ako sa ginagawa nitong Chance na 'to sa kaibigan ko ha.'

"Who is he?! Tell me!" Chance demanded. His voice boomed all over the room.

Nakikita kung natatakot na talaga ang kaibigan ko sa pagwawala ni Chance. Kailan bang hindi natakot ito sa kaniya?

" 'Cause I personally will cut his throat in front of you." Banta nito. Tapos pinaghahampas at pinagtatapon naman niya ang mga mesa at upuan.

Napalaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng takot para sa kaibigan ko sa loob. Nag-iba na kasi ang aura ni Chance at ramdam na ramdam ko 'yon mula sa kinatatayuan ko.

'Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?'  I chanted in my head over and over while biting my lips.

Papasukin ko na sana 'yong kwarto at ilayo dun ang kaibigan kong nanginginig na sa takot ngunit bigla na lang lumitaw ang dalawang pares na kamay at niyakap ako mula sa likura.

'What the---?'

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko't pinagpapawisan pati na rin ang noo ko. Gustuhin ko mangsumigaw pero parang may bumabara sa lalamunan ko.

A familiar scent linger in the air.

'Damon!' Sigaw ng utak ko.

"You know, eavesdropping can lead you into trouble." Malamig na may halong talim na bulong sa kanang tenga ko ng lalaking kumukulong sakin mula sa likod. I could feel his cold breathe fanning on my neck. Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa leeg.

Hindi ako gumalaw, nakayuko lamang ako't hinihintay ang susunod niyang gagawin. Hinigpitan naman nito bigla ang pagkakayakap niya at dahil dun mas lalo akong nahihirapang makahinga. Nabibingi rin ako sa dagundong ng aking puso.

"I remember you." Mahinang sabi niya habang parang inaamoy ako.

'Nagiging aso na ata si Damon. Ano bang ginagawa niya?'

"I'll make you pay for interrupting my meal in the library." Napakawala ako ng impit nang hinigpitan naman nito ang pagkakapulupot ng mga braso niya sakin. "I promise you that." Then abrubtly, he let me go from his tight grasp.

Napaluhod ako at habol hiningang napaupo sa sahig. Pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ng aking katawan sa biglaang pagpakawala niya sakin.

"Leave." Mariin nitong utos, naroon pa rin ang lamig sa boses niya.

Ngunit hindi ko siya pinakinggan at hindi rin tinangkang tignan. Hindi ko pwedeng pabayaan doon si Lou kailangan niya ako. Kaya tumayo ako't aakmang pupuntahan ang kaibigan ko sa loob.

"Tsk.What a stubborn little girl?"

Bago ko pa mahawakan ang siradura ng pinto ay nahatak na ako ni Damon pabalik sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang dalawang braso ko. Ramdam ko na ngayon na galit na galit na ito.

Marahas niya akong pinaatras at inilayo sa pinto. Pinilit kong pumiglas sa kapit niya ngunit mas lalo lang dumidiin ang mga iyon. He abrubtly make me turn to him when he finally make me submit. Nang tuluyan na akong napaharap sa kaniya ay napatingala ako upang makita lang ang galit na mukha nito at iyong mga matang...

'Sh*t! I should've run!'

***Chapter End***

Making Her MineWhere stories live. Discover now