Chapter 59 "Damn Dylan"

1.6K 69 12
                                    

"So you're telling me na after niyang pumunta rito para personal na makipag-catch up sa'yo ay hindi na siya nagparamdam ulit?" binaba ni JAM ang magazine na binabasa at tinitigan ako ng mabuti na para bang malalaman niya kung nagsisinungaling ba ako sa kanya o hindi.

"Well yeah. Saka alam ko naman na busy yung tao no. Hindi ba kakasabi ko lang din na may babalikan nga daw siya. I guess inuumpisahan na niya yung paghahanap sa babalikan niya." 

Nagpatuloy ako sa pagta-type sa laptop ko ng report na kailangan kong matapos para sa monthly meeting namin kasama ang board members sa darating na Sabado.

"I don't buy it. Nakakasiguro ako na pag-uwi palang niya nahanap na niya yung sinasabi niyang babalikan niya." kumuha siya ng chocolate bar na nasa lamesa at sinimulan itong kainin. "Anyway, kamusta naman ang puso mo? Siya pa rin ba?"

Binalewala ko ang tanong niya at tinutok lang ang pansin sa ginagawang report.

"Can you stop working  even just for a minute and answer my question?"



"I need to finish this today. Saka my fiancé na yung tao. Hindi ba sinabi ko rin sayo kanina na may babalikan lang talaga siya dito na unfinished business and after that their wedding will proceed and they will live happily ever after. The end." hindi ko maiwasang maging bitter. Kasi naman itong si JAM kita ng gusto ko ng magmove-on pero inuungkit pa rin yung past---kung meron nga naman bang past. 

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. So much for moving on.



"You sound so bitter, friend. And that didn't answer my question. Ang tanong ko lang naman sa'yo ay kung siya pa rin ba. Hindi ko naman tinanong kung kamusta na sila ng fiancé niya." nakita kong umiiling ito habang kinuha na naman ang magazine. "You're hopeless. Kung ako sa'yo aagawin ko siya hanggang hindi pa sila kasal. Mag-asawa nga naghihiwalay, mag-fiance pa kaya? To think it's only an arrange marriage. At ikaw ang mahal.

I stop typing and gently remove my glasses. I lean back on my swivel chair and  look up at the ceiling. 



"Well I'm not that desperate you know. Saka kung kami talaga ang para sa isa't isa, kami pa rin ang magkakatuluyan. Kung hindi, edi hindi. Masaya naman ako kung saan siya masaya." Yeah right Hikari. Tell that to the flying pigs. I smiled bitterly at myself.



"You know why fairy tales are only on the books and movies? Because they are all fiction and ideals. Gosh Hikari! Anong panahon na! Uso na ang gender equality. Sa panahon ngayon hindi lang puro lalaki ang mag-eeffort at gagawa ng first move. Saka yung paniniwala mo medyo baliin mo. Kasi kung kayo talaga gagawin mo lahat para hanggang sa huli kayo pa rin. Hindi lang yung isa ang mag-eeffort. Huwag mong iasa sa tadhana ang lahat kasi hindi naman tadhana ang gumagawa ng kinabukasan natin kundi ang mga desisyon mismo natin." bumuntong hininga siya at bumulong na hindi ko naman narinig. "Poor guy. You've fallen with a  coward one."

Napatigil ako sa ginagawa at sasagutin sana si JAM ng pumasok ang sekretarya ko bitbit ang isang bouquet ng pinaghalong puting rosas at pink na tulips. 

"Excuse me Ma'am pero may dumating na naman pong mga bulaklak para sa inyo." Nakangiti niyang pinakita sa akin ang bouquet.

"Thanks Jen. Kindly just put it in a vase and place it beside the others."

Napataas ang kilay ni JAM nang makita ang iba pang mga bulaklak sa isang sulok ng office ko.

"May manliligaw ka ulit? Hindi naman galit sa mga bulaklak yung manliligaw mo no?" pumunta siya malapit kay Jen na nilalagay na sa vase ang mga bulaklak at kinalitis ang iba pa.

NBSB Forever?Where stories live. Discover now