Chapter 58 "Babalikan"

1.4K 66 8
                                    

"Tita! Tita! Look oh, I brought you a cake. 'Di po ba favorite niyo ang chocolate?" nakangiting sabi ni Aeikus sa akin habang hawak hawak niya ang platito na may lamang chocolate cake.


"Ang thoughtful naman ng baby ko at naalala pa ang favorite ko. Thank you baby."Kinurot ko ang mataba niyang pisngi. "Ang dami mo palang kinuha. Let's eat this together, okay?" Kinuha ko sa kanya ang cake at nilagay sa mesa namin. Kumalong naman siya sa akin at nag umpisa nang kumain.


Habang sinusubuan ko ng cake si Aeikus ay narinig ko na may binubulong yung isa ko pang katabi. I can't help but to smile. Nagseselos ang isa ko pang baby.


"Tss...ang laki laki na nagpapakalong pa."bulong nito na rinig na rinig naman.

"Selos ka? Gusto mo subuan din kita?" I smile at him teasingly at dahil sadyang pikon ito inirapan niya lang ako na ikinatawa ko na talaga. "Awww you're really jealous. Don't worry ikaw pa rin naman ang original baby ko. Baby Aeikus, bigyan din natin si Kuya Louie mo ng cake ah? Nagseselos e."



"No I'm not! Saka ayoko ng chocolate." nakasimangot na saad nito.

"Then what do you want? Tell me, what does my baby U-ie want?" ginamit ko ang dating tawag ko sa kanya. Yung paraan ng pagbigkas niya ng pangalan niya dati nung una ko siyang makita --- nung bulol pa siya.



"I want marshmallows." Sandali akong natigilan dahil may naalala ako sa kanya pero kalaunan ay ngumiti ako at nagtawag ng waiter para magpakuha ng marshmallow cupcake. Mana talaga siya sa kanya.


Hay ang bilis talaga ng panahon. Dati baby U-ie ko pa siya na mahilig magsungit at magpout ngayon big boy na siya. He's also my official cousin now. Inampon siya ni Tita after my debut.

Nasa reception na kami ng kasal nila Abie at dahil lovey dovey na ang mag asawa, ako muna ang tagabantay ng baby boy nila which is okay with me. At least hindi ako OP sa table namin na puno ng couples. Maliban kay Louie ay puro couples na ang kasama ko sa table --- si Sarah'ng buntis kasama si Jake na asawa na niya since last year at si Megumi at Cloud na hanggang ngayon ay di pa rin nagsasawa sa isa't isa, napapaisip nga ako minsan kung bakit hindi pa rin hinihiwalayan ni Cloud yung loka-loka kong kapatid na OA kung magreact kapag may makita lang na babaeng kausap siya but oh well I'm happy for them. Si JAM na kasa-kasama ko lang kanina ayun iniwan rin ako at nagsusumayaw na sa gitna ng dance floor. Badtrip yun ngayon, injanin ba naman ng boyfriend, kaya siguro doon ilalabas ang frustration niya.



"Tito!" sigaw ni Aeikus at nagmamadaling umalis sa pagkakakandong.


"Wait lang baby baka madapa ka. May chocolate ka pa sa labi." dali-dali itong tumakbo papunta sa tinawag nitong Tito.

Sinundan ko siya ng tingin at nakitang papalapit siya sa isang lalaking nakasuot ng shades. Nakita kong bumaba ang lalaki para salubungin ng yakap si Aeikus at saka ito kinarga. "Hey big boy. Long time no see."

Hindi na dapat ako magulat. I should've known that I will see him here and I readied myself for this kind of encounter. Pero ngayong malapit at nakikita ko na siya, hindi ko maiwasang kabahan. Umayos ka Hikari! Act normal, okay? Pinilit kong ngumiti habang papalapit siya sa table namin na karga karga si Aeikus.

Naagaw niya ang pansin ng mga kasama ko sa table. Tumayo si Jake para batiin siya at nagbro-fist sila.


"Hey Dylan. Buti nakahabol ka miski sa reception man lang. Akala namin hindi ka na naman namin makikita."

NBSB Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon