Chapter 55 "Rejected"

1.8K 66 27
                                    

Maayos natapos ang kasal.

Makikita sa lahat ang kasiyahan. Lahat ay nakangiti at syempre ako din pero mahirap nga pala talagang ngumiti ng pilit.

"Hikari..."

       Ayan na naman siya. Kung pwede lang umalis kanina pa ko umuwi pero ayoko namang maging rude lalo pa espesyal na araw to ng ate nya.

"Hika...Uy pansinin mo naman ako oh."

    Imbis na pansinin siya pumunta nalang ako sa Ate niya para batiin ulit ito. Narinig ko pang tinanong siya ni Daniel kung nag-away ba kami.

 

       Bakit ganun?  Totoo nga yung sabi na pagkatapos ng sobrang saya may mangyayari namang hindi maganda.



*LAST NIGHT*




          Gabing gabi na hindi pa din ako makatulogNakakainis naman kasi!  Tuwing pumipikit ako naaalala ko yung nangyari kanina. Naaalala ko kung paano nangyari yung first kiss ko.  Kung paano ako halikan ni Dylan. GOSH!

           Iniisip ko palang yung kiss namumula na kaagad ako.  Haaay Dila! Bakit ka ba ganitoHanggang pagtulog ko di mo ko tinatantananNakakainis ko,  bastedin kita dyan eh!

        Dahil hindi ako makatulog, lumabas muna ako ng kwarto at naglakad-lakad hanggang makarating ako sa garden. 

"I miss you"

Napatingin ako sa bandang madilim na part at doon may nakita akong magkayakap.

Grabe naman! May ganitong scene pa talaga? Naku makaalis na nga dito masira ko pa ang moment nila.

Akmang aalis na ko nang marinig kong nagsalita yung babae. And I wish I just misheard her and didn't turned around. I wish my eyes were just decieving me.

Hindi ko makita kung sino yung babae pero nakakasiguro akong kilala ko yung lalaki. Si...

"Dylan..."

Bakit sila magkayakap? Sino yung babae? Pinsan nya ba yun? Oo tama! Baka pinsan nya yun tutal puro kamag-anak nila yung nandito. Tama. Tama. Pinsa----

NBSB Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon