Chapter 40(B)

7K 180 3
                                    

''Masarap ba?'' kinakabahang tanong ni Rostica kay Nate.

They are having dinner sa garden na nasa parte ng likod ng mansion. Mukhang pinaghandaan ng binta ang dinner nila. They cooked the stake that she bought. Siya ang nagluto ng stake nito at ito naman ang nagluto ng stake na para sa kanya. They have mashed potato and grilled asparagus as a side dish. May wine din sila. Sime formal na dinner and a very romantic ambience. Everything would have been perfect kung sana naka sime-formal din silang damit. Unfortunately, she didn't have one kaya they settled for a dress summer dress na hanggang takong nya ang haba. Habang ito naman ay naka'cargo short lang at tshirt na puti.

''Perfect. Just like how i wanted it.'' nakangiting wika nito. ''How about yours?'' 

She sliced a bite size and took it to her mouth. ''Pwede ka nang magasawa.'' biro nya dito na ikinangiti naman nito. Mas masarap pa ang stake na luto nito kesa sa ipinatikim sa kanila noong proffesor nilasa school.

''We really are perfect together.'' nakangiting wika nito na ikinakilig naman nya. 

He's eating with gusto. Mukhang sarap na sarap nga ito sa luto nya. 

''Alagaan mo lagi ang sarili mo doon sa america ha.'' wika niya dito habang ang mga mata nya ay nakatingin sa hinihiwang pagkain. Normal lang ang pagkakasabi nya. Taliwas sa kung ano ang nararamdaman ng kalooban nya. ''Wag ka ring mambababae.'' Halos pabulong nya ng wika kaya hindi nya alam kung narinig ba nito o hindi.

''May sinabi ka ba?'' narinig niyang wika nito. Naman! Sa lahat ba naman ng pagkakataong atakihin ito ng kabingihan, ngayon pa. Di ata  nito alam kung anong klaseng lakas ng loob ang inipon nya masabi lang nya yun.

"Ang sabi ko, wag kang mambababae doon." Mabilis niyang wika dito bago tumungo. Kahit di nya tingnan sa salamin, alam niyang pulang-pula na ang mukha nya.

"Kahit landi-landi lang, di pwede?" She could sense him teasing her. But she is not in the mood for it kaya di na sya umimik.

Kahit naman kasi sangkaterbang kakapalan ng mukha ang nilaklak nya at abot langit ang confidence nya sa sariling mukha, hindi pa rin maiaalis ang insekyuridad na nararamdaman nya ngayon. Kung ikukumpara naman kasi, walang-wala sya sa kalingkingan ng mga babaeng nakapaligid sa nobyo nya. Ayaw man niyang aminin o pansinin, her insecurity and fears are eating her up. 

Nagsimula lang naman ito noong malaman niyang aalis na si Nate at nang minsang makita nya sa magasin ang pagmumukha ng nobyo na may kasamang babae. Hindi magkahalikan ang kuha nila, but it was a little intimate. At alam niyang hindi yun ang huling pagkakataong makikita niya ang ganoong uri ng litrato. It is his job after all. Kasama iyon sa klase ng trabaho nito at kailangan niya iyong tanggapin. 

ALL she did was play with her food unconsciously. Kanina pa napapansin ni Nate na panakaw ang ginagawang tingin nito sa kanya. Pati pagkain nito ay hindi masyadong nagagalaw. Lalo na noong magbiro sya. 

"Swang, come here. Bring your plate too." Wika niya dito pagkatapos lunukin ang huling isinubo. 

Matamlay naman itong tumayo at lumapit sa kanya dala ang plato nito.

"Sit here." He saw her hesitation kaya hinila nalang niya ito paupo sa hita nya. He then put a food on her fork and feed it to her. Susubuan nya ito para naman kainin nito ang niluto nya at hindi nilalaro lang. Good thing though at mukhang wala itong balak magprotesta.

"You know what, there are a bunch of girls that i will meet soon. Co-workers. And they will probably more prettier than you. Sexier and more appealing." He felt her stiffened. Kaya naman hinigpitan nya ang yakap dito. Nakatingin na din ito sa kanya na para bang maiiyak na. But he continued. "And some of them will probably make advances to me. Flirt with me or worse, seduce me." He knows cause it happened  a lot. 

Kita nya ang pangingilid ng luha ng nobya nya bago ito napayuko.

"But you know what, even if they parade infront of me naked, even if they are the prettiest woman on earth, rest assured that i will always be faithful to you, Swang. I cannot say that i will not look at them but i will never look at them the same way i look at you. I cannot promise not to appreciate their beauty but it will always be your beauty that will enchant me. Hindi ka man kasing ganda nila pero ikaw ang pinakamagandang babae para sa akin. Walang-wala sila sa iyo." Wika niya dito when their eyes met. Itinaas kasi nya ang baba nito gamit ang hintuturo. 

"My eyes and my heart will only long for you. I do not need women who is not you. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Ako ay sa iyo at ikaw ay sa akin." Madamdamin niyang wika dito.

She must have seen the sincerity in his eyes and felt his love for her kaya ito napayakap sa kanya. Isinubsub din nito ang mukha sa kanya.

"I'm sorry kung naging insecure ako. Pasensya na kung hindi ko pinagkatiwalaan ang pagmamahal mo sa akin. Natatakot kasi ako na baka mawala yang nararamdaman mo for me kung sakaling makakita ka ng mas higit pa sa akin. Kung makakita ka ng iba pang mas babagay sa'yo. Nakakatakot kasi sobrang mahal kita. Mahal na mahal kita, Nate." Wika nito habang umiiyak na. Hinagod-hagod muna nya ang likod nito bago nya iangat ang mukha nito upang magkita ang kanilang mga mata. 

He will not let her doubt or belittle herself just because she feels like he don't deserve him. Masyado nitong mini-minus ang sarili.

"Look at me and listen to me." Wika nya habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi nito. "You are perfect just the way you are. Wag mong hahayaang mainin ka ng insecurities mo. Pagkatiwalaan mo ako at ang pagmamahal ko sa'yo. I am not as shallow as you think i am, Rostica. Mahal kita at hindi magbabago yun kahit gaano kalayo ang magiging distansya natin mula sa isat-isa. Iyan ang tandaan mo, Swang." If only she can hear whose name his heart is calling, if only she can read whose name is written in his heart, if only she knows kung gaano niya ito kamahal at kung gaano niya ito iniisip, baka imbis na matuwa ay matakot ito sa kanya. Every fiber of his being screams her name. Kulang na nga lang ipatattoo nya sa katawan ang mukha ng babae para lang lagi nya itong makasama eh gagawin nya.

Ilang segundo muna itong nakatingin sa kanya bago ngumit ng malapad at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you for loving me that much. Hayaan mo, everytime aatakihin ako ng pagkahibang ko, aalahanin ko lahat ng sinabi mo. Tatandaan ko ang bawat salitang namutawi dyan sa bibig mo." Wika nito na halatang masaya na. He felt relieved na he was able to make her feel secure again of his love for her. 

"Good. Now, it your turn naman to make me feel secure." Nakangiting wika niya dito. 

To be honest, wala namang dapat sabihin sa kanya ang nobya eh. Wala itong pangako na dapat bitawan. He knows how much she loves him. At lalong alam niyang maghihintay ito sa kanya. 

Tiningnan muna sya nito sa mga mata bago hinawakan ang magkabila niyang pisngi. There eyes are glued to each other. Walang kumurap. Hinayaang magusap at mangako ang puso ng bawat isa sa isat-isa. 

"Mahal na mahal kita at hihintayin kita." Buong pusong wika nito bago sya nito niyakap. 

The next time he buys her something, he will make sure to buy her something that will go on her left hand, on her ring finger. 



(Pasensya na at medyo mahaba. :) )















Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now