And Lash's message gave him some ideas... cunning ideas that would surely end with Haze hating him forever or Haze loving him for eternity.

But first, he had to do something to remedy her anger and aloofness towards him. Kailangan mawala iyon kahit pansamantala lang kung gusto niyang maging matagumpay ang pinaplano niya.

Ibinulsa niya ang cell phone at lumapit kay Haze.

Operation: Make Haze fall for him so hard was about to start.



NATIGILAN si Haze nang maramdamang may tumabi sa kanya. It was Lath.

"Lumayo ka sa 'kin," agad na sabi niya sa takot na baka ang topic na iyon na naman ang buksan nito.

He sighed and faced her. "Haze, I am a businessman—"

"Ano'ng paki ko ro'n?"

"And I have a preposition."

Bumaling siya rito, kunot ang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Let's negotiate." Ngumiti ito at nadoon na naman ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso niya.

Kailanman ay hindi siya magiging immune kay Lath Coleman. Forever na yata may epekto sa kanya ang lalaki.

Tumikhim siya at umaktong walang epekto ang ngiti nito sa kanya. Ipinagkrus niya ang mga braso sa harap niya. "Okay. Let's negotiate then. Gusto ko nang umuwi."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "At ano'ng kaya mong gawin para iuwi kita?"

Napipilan siya. Ano ang kaya niyang gawin? Everything! Going home meant no Lath, and no Lath meant her heart was safe once again.

Lath smirked. "I am a businessman, Haze. I do deal all the time. So tatanungin kita uli, ano'ng kaya mong gawin para iuwi kita?"

Tumalim ang mga mata niya. "Lahat ba talaga para sa 'yo may kapalit?"

"That's business."

"Well, hindi ako isang negosyo na gusto mong makuha! I'm a fucking person, Lath! A live breathing person who wants to go home and to stay the hell away from you—" She swallowed her words when suddenly Lath crashed his lips on hers.

Napasinghap siya sa gulat at ipinasok naman ni Lath ang dila sa loob niya. Sinamantala nito ang biglang pagbuka ng bibig niya.

Lath deepened the kiss and slowly, Haze was losing her will to fight Lath's kiss. Unti-unting natutunaw ang galit niya rito at nag-uumpisang gumalaw ang mga labi niya, ginagaya ang paggalaw ng mga labi. At namalayan na lang ni Haze na buong puso na niyang tinutugon ang halik ni Lath. And she was enjoying every second of it.

Her body burned instantly. And she craved for more.

Sinapo ng isang kamay ni Lath ang pisngi niya, saka pinagapang ang mga labi sa leeg niya, patungo sa tainga niya. Nanginginig ang mga tuhod ni Haze. Parang siyang mawawalan ng lakas ng dahil sa halik ni Lath.

It was true. A kiss could make someone's knees weak.

Napakapit siya sa balikat ng lalaki. "Lath..."

He breathed over her ear. "Haze, ayoko nang makipag-away sa 'yo." His voice was soft and husky. "Hindi ko na kayang lumipas pa ang isang araw na hindi mo ako pinapansin. I would rather have you shouting and cursing at me rather than giving me the silent treatment. Alam kong mali ang ginawa ko. I know I tricked you into signing that marriage contract. But I am just a man who will do anything to get the woman he wants."

Napakurap-kurap siya. "Lath, bakit ngayon lang? If you want me like you claimed, why seek me out now? Why not five years ago? Six years ago? Seven? Bakit ngayon?" Hindi niya ito maintindihan. "Ano ba ang espesyal ngayon?"

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon