/11 Paramdam? Ano yon?

Start from the beginning
                                    

"Bakit? Male-late na ata tayo." sabi ni Stena.

"One more thing.." panimula ni Israel.

"Ano yon?"

kumuha muna ng lakas ng loob si Israel bago siya magsalita.

"Pwede ka bang maging girlfriend ko?" di agad nakasagot si Stena kase biglaan ang mga pangyayare. Una sa dance contest, ngayon naman ganito? Sinong di maloloka diba?

Nang mapansin ito ni Israel, agad siyang nagsalita.

"Di ko naman sinasabing ngayon mo ako sagutin, pero gusto ko lang sabihin sayo na kahit paulit-ulit kong sabihin na na-inspire ako sa pagsasayaw mo, gusto ko lang na malaman mo na, I want to share that passion together with you." sabi ni Israel.

Di alam ni Stena kung ano ang dapat isipin, dahil 5 minutes nalang at maguumpisa na ang klase, choreo para sa dance contest, at eto pang biglaang tanong ni Israel.

"Tignan natin." sabi ni Stena na nakangiti bago pa umalis.

Di nakagalaw si Israel at napansin ito ni Stena at sumigaw.

"Dalian mo na! Nasa taas na si ma'am!" sabi niya at iniwagayway pa niya ang kamay niya para madaliin si Israel.

Di tuloy alam ni Israel kung anong nararamdaman niya.

--

Paolo's POV

Tagal naman nung dalawang yun! Tingin ko nagtanong na yun si Israel eh. Tsk, sabi ko na nga ba. Dapat ako din. Nakakainis.

"Anong iniisip mo?" tanong sa akin ni Lyka.

"Wala, iniisip ko lang kung bakit ganyan ka kapangit." sabi ko nalang.

"Kapal mo talaga eh no? Psh, bahala ka nga. Kinakausap ka diyan ng maayos eh." sabi niya sakin. Ang cute niya talaga kapag nagagalit HAHAHA

"Joke lang eh! Ito pikon talaga."

"Che, ewan ko sayo." sabi nalang niya.

Minsan di ko alam kung anong nararamdaman neto ni Lyka e. Minsan, di ko siya mabasa, di ko mabasa ugali niya or expressions niya.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya nung freshman years palang. Siya kasi yung kauna-unahang kumaibigan sakin before pa sila Kyle. Kinukwento ko nga siya kay Mommy nun eh, tapos before mangyari yun, sabi sakin ni mommy na, si Lyka nalang daw ang pakasalan ko dahil bagay kami at alam niyang sasaya ako skniya.

Kaya lang, tinubuan ako ng katorpehan. Di ko alam kung san ako magsisimula. Gusto ko sanang patagalin pa kaya lang, pano kung may nararamdaman na pala siya sakin ngayon? Edi ako ang nagmukhang paasa? Psh.

"Pango, tawag ka ni Kyle." sabi sakin ni Lyka.

"Excuse me, mas matangos ilong ko sayo no." sabi ko pa. Actually, mas matangos pa ilong niya sakin.

"Nagsalita? Psh, tawag ka nga." naiirita na si Lyka.

"Panget mo talaga." sabi ko nalang at tumayo na at pumunta na kila Kyle at tanging "mayabang" nalang ang narinig ko mula kay Lyka.

LYKA'S POV

ka-bwisit, asarin daw ba akong pango? Kung sabagay ako ang unang nagasar, pero mas pango ilong niya no -___-

Kinalabit ako ni Stena.

"O, kanina pa kayo nakaakyat?" tanong ko skniya. Parang kanina lang naghihintay pa kami sknila.

Clash of Teen BuddiesWhere stories live. Discover now