Digicam (Part II)

224 11 9
                                    

Digicam (Part 2)

Hindi alam ni Kathryn ang gagawin dahil nakalimutan niyang kunin ang digicam niya kay Daniel.

"Naman kasi eh! Pinakilig niya ako masyado! Yan tuloy nawala na ko sa sarili ko!" sabi ni Kathryn sa sarili.

Lagot siya nito! Anong sasabihin niya sa nanay niya?

Pero biglang tumunog ang cellphone niya..

1 message received

*Hi Kathryn! Si Daniel 'to. Naiwan mo sakin yung digicam mo. Pasensya na, nakalimutan kong ibalik. Ayos lang ba kung magkita tayo bukas para makuha mo na yung digicam mo? Baka kasi mapagalitan ka eh.*

---

"Whaah! Ang bait naman niya!" sabi na lang ni Kathryn sa sarili.

Dahil sa pagkamangha kay Daniel, nalimutan niyang dapat pala ay rereplyan niya ito.

*Hi Daniel! Oo nga, nawala rin sa isip ko na nasa iyo pala yung digicam. Sige! Magkita tayo bukas. ^_^*

---

Binasa muli ni Kathryn ang isesend niyang message. At nakangiti niyang pinindot ang SEND.

Message sent!

---

Saka siya nagtago sa ilalim ng kumot niya.

***

Natanggap naman agad ni Daniel ang reply ni Kathryn.

Nakangiti nitong binasa ang text.

"Yes! Makikita ko ulit siya!" sabi ni Daniel sa sarili.

Nakahiga na siya sa kama niya dahil alas-onse na ng gabi.

Si Kathryn naman ay hindi mapakali sa pwesto niya dahil sa reply ni Daniel.

1 message received

*Sige kita tayo bukas ha? Sa may SM North na lang tayo magkita. Mga 10am siguro? Okay lang ba?*

---

"Shocks! SM North! 10am! Oo naman yes! Go lang! Oh my talaga! Oh my!" kilig na kilig na sabi ni Kathryn sa ilalim ng kumot niya. Tinakpan pa nga niya ng unan yung mukha niya para hindi marinig ng mga kasama niya sa bahay yung mga sinasabi niya.

Si Daniel naman ay hindi mapakali dahil nag-aalangan siya sa binigay niyang oras.

10am?

Masyado nga namang kasing maaga yun pero ang nasa isip niya kasi ay gusto niyang makasama ng matagal ang dalaga. Aba! Chance na niya 'to noh!

Minsan lang siya magkagusto sa isang babae.

Oo eh, gusto niya na si Kathryn noon pa!

Hindi alam ni Kathryn ang irereply dahil inuunahan na siya ng kaba at syempre kilig!

Ikaw ba naman makikita mo ulit yung crush mo di ba?

Chance niya na rin ito noh!

"Naku! Sana naman makapag-usap kami ng matagal bukas!" nakacrossfinger na sabi ni Kathryn sa sarili.

"Ay oo nga pala! Magrereply pa ako sa kanya!"

*Sure! Itetext na lang kita pag nandun na ako.*

Message sent!

---

"Sana mag-goodnight siya sakin!" sabi pa ni Kathryn sa sarili.

Nakangiti pa rin si Daniel habang binabasa ang reply ni Kathryn.

Digicam (Kathniel Oneshot)Where stories live. Discover now