Digicam (Kathniel Oneshot)

715 6 7
                                    

Digicam

(KathNiel One-shot)

By: FallenAngeLinPINK 2013

Gustong-gusto ko talagang makapunta ng Korea.

One reason?

Maraming gwapo dun.

Pangalawa?

Nandun yung mga idol ko.

Pangatlo?

Wala lang. Gusto ko lang talagang makapunta sa Korea. Masama ba yun?

Ako si Kathryn Bernardo. Isa akong fangirl ng napakaraming boy bands lalo na kung koreans.

Yung mga lalaking may astig na long hair at minsan nakahikaw pa. Ang cool kaya nila! Idagdag mo pa na sobrang talented nila! Grabe! Perfect!

Kaso lang, nasa Korea sila.

Ako, nasa Pilipinas lang.

Hindi na ba talaga ako mabibigyan ng pagkakataong makakita kahit isa man lang kalook-alike ng favorite kong korean star?

***

July ngayon at merong event dito sa SMX Convention. Third Kpop Festival pala ngayon.

Ano bang meron sa ganung event?

Simple lang.

May mga dance cover contest, eating contest, bilihan ng merchandise, kung anu-ano pang contest at syempre, hindi mawawala yung Kpop cosplay contest. Matagal na rin naman akong nagpupunta sa mga ganitong event.

Actually meron nga akong favorite na cosplayer eh.

Daniel Padilla ang name niya. Hindi ko bias yung kino-cosplay niya pero crush ko SIYA.

Crush ko si Daniel Padilla.

Sobrang fan niya talaga ako.

Kaso lang nahihiya ako sa kanya eh. Sa lahat ng events, nandun siya. Sikat rin siya sa mga fangirls. Tuwing pupunta siya sa stage, marami talagang babaeng nagtitilian. At pagkatapos ng bawat event, pwede kang magpapicture sa kanya.

Kaso nga lang, nahihiya talaga ako eh.

Sa kanya lang ako ganito kasi kaya ko namang magpapicture sa ibang cosplayers eh.

Bakit kaya sa kanya pa ako nahiya?

***

3rd Kpop Festival na at nandito ako ngayon sa SMX Convention Center.

Marami na namang mukhang koreans dito. I mean, yung ayos at damit nila is KPOP.

Ganyan talaga sa mga ganitong event. Sanayan lang.

Eh ako naman ay isang hamak na fangirl lang talaga. Hindi ako sumasali sa kahit anong contest kaya simple lang ang suot ko.

Nakashirt lang ako na kulay black tapos nakalagay yung 'I HEART KPOP' tapos nakamaong pants lang ako tsaka wedge sneakers. Alam niyo yun? Yung sneakers siya pero may takong sa loob. Basta ganun..

So ganun lang kasimple yung itsura ko.

Imposible naman na maka-catch ako ng attention ng isang gwapong nilalang dito.

***

Nagsimula na yung program. Merong ice cream eating pati ramyun eating contest. Tapos sumunod pa yung Noraebang. Yun yung kakanta ka ng korean songs.

Sumunod yung Cosplay contest. Hindi na kasali si Daniel Padilla, my crush, sa contest na 'to kasi nanalo na siya dati eh. Kaya nga hindi na nakapagtatakang marami na rin siyang fans. Yung FB account nga niya puno na eh. Hindi ko na tuloy siya ma-add, follow na lang. Kawawa naman ako.

Digicam (Kathniel Oneshot)Onde histórias criam vida. Descubra agora