"See? Only the intelligent people deserve to be at the top? Really? Is that what you call equality? Pinagsasama sama niyo ang mga tao na sa tingin niyo ay mataas at ang mga tao na sa tingin niyo ay walang kwenta? Making us feel that we are very different to the others? How can the world be equally and fair if you are teaching that kind of thing? The school provides a big part of a human's life. Ngayon sabihin niyo sa akin, bakit hindi pantay pantay ang mga tao?" Mahaba kong sabi. I want to lecture them, I want to shout out my thoughts. Gusto kong mag isip sila ng kagaya ng pag iisip ko. They must use their brain's capacity.

Tahimik lang ang mga teacher na nakikinig sa akin, nag iisip silang lahat at karamihan sa kanila ay nakayuko lamang. I am a student but why am I lecturing this elders?

"Who is responsible for the undying corruption? You, your systems and your rules." May diin na sabi ko sa kanila. Nararamdaman ko ang tingin sa akin ni Dwight na mukhang kanina niya pa hindi tinatanggal. Naiilang akong magsalita dahil sa kaniya.

"People learn to be competitive because of that honor system. Kaya lahat ng tao gusto nila nasa pinakataas sila dahil namulat sila sa school na kailangan nilang maging nasa pinakamataas. Akala niyo ba nachachallenge niyang sistema na yan ang mga tao na magpursige sa pag aaral? Nagkakamali kayo. Akala nila dapat sila lagi ang nakakataas, lahat ng tao ngayon gusto sila ang pinakamataas at pinaka makapangyarihan." Sabi ko pa. Naiinis na talaga ako sa pag titig ni Dwight kaya tinignan ko siya ng masama. Nakatingin pa din siya sa akin at parang hindi talaga natitinag.

" Kayong lahat, alam ko na gusto niyo, kayo yung nasa pinakataas, himbis na pataasin niyo ang isang tao, pinapababa niyo sila para hindi ka malamangan. Admit it humans, you really want to be at the top. Selfish kayong lahat, gusto niyo kayo ang laging ganyan. Sino dito ang gusto na siya ang nasa pinaka ibaba? Wala diba? Kasi sarili niyo lang ang iniisip niyo. Kasi simula palang pagkabata natin, namulat tayo na merong nasa pinaka itaas, at bilang isang tao, gusto niyo kayo ang nasa pinakamataas." Sabi ko, nakayuko ang lahat ng nasa paligid ko at nag iisip. I hate explaining myself but I love explaining my mind.

"Selfish humans, am I right? Now, how can we contain equality kung lahat tayo ay gusto na nasa itaas, kung patuloy nating ibaba ang ibang tao?" Umupo na ako matapos kong sabihin iyon. Tahimik ang lahat at parang nag iisip. Ito ang gusto kong gawin, ang ipaunawa sa kanila ang nilalaman ng utak ko.

"We just want to teach all of you for you to be successful, Athena." Napangisi ako sa sinabi ng isang professor.

"Really? Is it really about me? Or about you? Ganito, let us say that, I will remove your monthly payment, but you will continue teaching us. Gagawin mo ba? Of course not, it is all about money. Oo, may parte sa inyo na gusto niyo kaming maging successful in the future, but this is your job. You are doing this for money. Will you continue teaching us without money? No." Nakaupo kong sabi sa kanila. Am I the lecturer here?

"Yes, I admit it, I won't be teaching you without money." Biglang sabi ni professor Antonette kaya napatingin sa kaniya lahat. Money rules everyone.

"Several people care, but almost all of them are just curious about you. Kayo, may pakielam ba talaga kayo sa amin? Sa mangyayari sa amin? Of course you have. Bakit? Kasi kapag hindi kami naging successful, nasa inyo ang sisi. I salute you for teaching things that we should know. It's just that, I hate your systems and rules, professors." Umirap ako at tumingin sa ibang direksyon, napapagod na akong magsalita kaya naman hindi na ako magsasalita.

Just shut up everyone. No one can dictate me and order me what to do. This is my life not anyone's, this is my future not yours. I hate everyone's mouth.

"Okay." Sabi ni sir Arthur habang pumapalakpak.

"That is Athena's perception about school, how about you?" Turo ni sir Arthur sa isang babae na wala akong balak kilalanin.

"I love school po." Napa facepalm nalang ako. Kailan ba matututunan ng mga tao na ilabas ang mga nasa utak nila? hanggang kailan ba sila magtatago sa pagkatao na hindi naman sila. They always seek for freedom and liberation. But they are not setting themselves free, how can they get the liberation they want? 

"Syempre, sa inyo po namin nalalaman yung mga bagay bagay na dapat naming malaman, tyaka po natututo po kami sa inyo." Sagot niya, elementary ba siya para isagot ang ganyang klaseng sagot? Hindi ba siya marunong magmature.

Ni hindi ko nga mahal ang sarili ko, ang eskwelahan pa kaya?

"Gusto lang naming malaman kung ano ang nasa isip niyo, kung ano ang perspectives niyo sa aming mga professor. Athena, don't worry, okay lang ang mga sinabi mo and I admit, narealize ko ang mga sinabi mo." Sabi ng isang professor.

I will never worry about anything. Wala akong pakielam sayo o sa kung sino pa man. I just want my thoughts to be understand by people. Hindi ko kayo kailangan para mabuhay.

"Get up everyone. Get ready for your first task." Nagsitayuan kaming lahat, tahimik pa din sila at parang nag iisip pa din. That's right people, think, think and think. 

Tumayo ako at para bang walang nangyaring sagutan kanina. Nakatingin pa rin ang lahat sa akin, I don't care.

"You will be divided into 4 groups, containing nine members each. Ito ang magiging grupo niyo hanggang sa retreat house." Paliwanag ni sir Arthur at tinignan ako ng banggitin niya ang retreat house. Alam ko ang nasa isip niya ngayon.

"Pick your own group." Sabi pa niya. Siguradong magkakagrupo na naman kami ni daldalita at manok.

Lumapit sa akin si Dwight habang seryosong nakatingin sa akin at walang ekspresyon ang mukha.

"I want you to be mine." Biglang niyang sabi na ikinagulat ng lahat ng nakarinig sa kaniya. Napatigil ang lahat ng tao, hindi man kalakasan ang pagkakasabi ni Dwight, mukhang narinig pa rin iyon ng lahat.

"What?" Nakakunot noo kong tanong. Ano bang problema ng isang to?

Tumingin siya sa paligid naming dalawa, nasa aming dalawa ang atensyon ng lahat ng estudyante.

"I-i mean, I want us to be in one group." Medyo nauutal niyang sagot. Napakamot ang mga tao sa batok at bumalik sa kani kanilang ginagawa. I thought it was something... great.

"Okay." Sabi ko sabay tingin kila daldalita at manok na nakatulala kay Dwight. Hindi ko talaga maintindihan kung sino sa tatlo ang gusto nila.

"Apat na tayo." Sabi ko sa kanila.

"Huh?" Sabay nilang sabi ng mahimas masan sila.

"Five more." Sabi ni Dwight na naging dahilan ng pag ngiti ng dalawang maingay sa likod ko. They are crazy.

"I'll go with you." sabi ng isang lalaki na nakasagutan ko sa debate namin dati kay prof. Antonette. Himala na natatandaan ko pa siya. What is happening to me?

May dalawang babae at dalawang lalaki pa ang sumali sa amin. Kumpleto na kami at maging ang tatlo pang grupo ay mukhang kumpleto na din.

"Choose your team's name." Sabi ng isang professor.

"Paradox." Sabi ni Dwight, ni hindi man lang niya kami tinanong ng pangalan. Wala naman akong pakielam doon pero ayos na din naman ang ginawa niyang pangalan.

"The leader?"

"Dwight will be our leader." Nakangisi kong sabi kay sir Arthur. Sinamaan ako ng tingin ni Dwight dahil sa sinabi ko. I don't want responsibilities kaya inunahan ko na sila.

"You are free to go anywhere pero kailangang buo kayong makarating dito. You will be having different stations and the first one to bring your flag will be the winner." Sabi ni sir Arthur habang naglalabas ng mga papel na maliliit.

"The paper will guide you." Sabi niya sabay bigay sa mga team leaders ng papel na maliit. Binasa ko ang hawak ni Dwight at ganon din ang nakasulat dito.

"START!" Kasabay ng pagsigaw niya ay ang pagtakbo namin papasok sa gubat. Sama sama kaming tumatakbo hanggang sa hindi ko na nakita ang ibang hindi naman namin kagrupo.

The paper will guide us, in what way?





Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon