Sasagot palang sana ako nang nagsalita si Karl. Kelan pa siya napunta sa harap ko? Grabe, kapag talaga malalim ang iniisip ng isang tao wala siyang namamalayan sa paligid niya. Nawala rin sa isip ko na kasama pala naming itong si Karl.

“Baby, hindi galit si Mommy Leigh mo, okay? Siguro may iniisip lang siya kaya siya ganyan.” Nakangiting sagot ni Karl kay DJ at pinat niya ang ulo ng bata. Tumingin siya sa akin at ngumiti, na sinuklian ko rin naman ng ngiti. Buti na lang andito si Karl upang sumalo ng mga comments na hindi ko kayang sagutin. Para saan pa’t naging bestfriend ko siya, right? Laging andian kapag kailangan mo ng tagasalo, ng shock absorber, ng pillow, at kung anu-ano pa na pwedeng maging comforter.

“Yes baby, hindi ako galit, iniisip ko lang kasi, bakit ang cute mo?” Tanong ko na siyang ikinangiti niya at ikinatawa ni Karl. Siguro kung magkakaanak kami ni Marc, Masaya. Parang gusto ko  na tuloy magkaanak, kaya siguro nagbago si Karl ng pananaw tungkol sa mga baby dahil na rin ay DJ. Iba ang pananaw ng isang may experience at ng taong walang experience.

“I don’t know myself mommy. But what I know is that that’s not what you’re thinking. So open up.” Pagpipilit ni DJ. How did he knew? Magaling tong batang to, siguro hindi siya magiging manhid paglaki niya. Kasi halos lahat ng lalaki manhid. Pero si DJ, I don’t think so. Very open-minded at very persuasive. Ang seryoso rin ng mukha niya na aakalain mong alam niya at maiintindihan ang sasabihin mo.

But no. he’ll get confused. Anong sasabihin ko? Pinagdududahan ko si Marc kasi halik plang bumigay na, na pakiramdam ko hindi ako sapat para pasayahin siya. Ganyan ang sasabihin ko sa isang bata? Mas maganda na lang na magisip ka ng alibi kesa sa lituhin mo ang utak ng isang murang edad.

“Baby, listen. Its nothing. Let it go okay?” Sabi ko at hinalikan ang pisngi niya. Hindi ko rin naman kasi pwedeng sabihin kung anong iniisip ko kasi andito si Karl. Malaman pa niyang depressed ako dahil kay Marc at sa halik nila ni Rica.

At may mga bagay talagang mas maiintindihan ng mga grown-ups kesa ng mga bata. Kaya ang laging paalala ng mga nakakatanda, ‘Papunta ka palang, pabalik na ako,’ o kaya naman, ‘Maiintindihan mo rin kapag lumaki ka na.’

at sa mga ganitong panahon ko namimiss sila mama at papa. *sigh*

“Okay mommy. I love you po.” Sunod na sagot ni DJ, ngumiti ako at pinat ang ulo niya. Naiisip ko, paano kaya ako inalagaan nila mommy? Walang nagkukwento sa akin eh. Hindi ko naman matanong tanong ang mga tito o tita ko dahil na rin nowhere to be found sila -_-

Not Enough (Completed)Where stories live. Discover now