Sugar Rush

1.3K 68 18
                                    

Ai's POV

"Mommy! Bakit ang taba ng tindera dito sa Candy Shop? Siguro kinakain niya lahat yung candy." sabi ng bata sa Mommy niya habang namimili sila ng candy.

*sigh* Sanay na sanay na ako sa mga batang ganyan. Hindi ko naman sila masisisi dahil mataba naman talaga ako kaya di ko nalang pinapansin pag nakakarinig ako ng ganyan.

Di bale ng mataba, cute naman!

"Pasensya na sa anak ko, Miss." sabi ng nanay ng bata habang inabot sakin yung mga bibilin nila. "Ok lang po. Sanay na po ako :)" sabi ko.

Pagkkatapos nila magbayad ay tuluyan na silang lumabas ng shop. Ako nanaman ang mag-isang natira dito.

Haaaay. Kaya lang naman ako patuloy na nagtra-trabaho dito sa Candy Shop ay dahil sa katapat nitong bakeshop. Favorite ko ang mga cake dun kasi masasarap pero tingin ko mas masarap yung pastry chef na may purple na buhok! Hahaharooooot! x)

Matagal na akong may crush sa kanya dahil madalas siyang bumibisita dito sa shop tuwing uwian na ng mga empleyado at bumibili ng sandamakmak na candy. Kung gusto niya pati ako bilin niya na rin. Di ako aangal. Hahaha! Joke! 

Pero sino ba naman kasing magkakagusto sa isang tabatchoy na tulad ko?

Ayun siya, isang napakatangkad na lalaki na pogi. Ito ako, isang taba na tinubuan ng mukha. Isang malaking HAAAAAAAAAAAY.

"Oy, Ai. Ang lalim nanaman ng iniisip mo dyan." biglang sabi ng isang mahinang boses. Pagkalingon ko ay nakita ko si Atsui sa tabi ko.

"Ayanakngpitongtae! Grabe ka naman Atsui! Magparamdam ka naman!" 

"Kanina pa ako nagpaparamdam kaso busy ka sa paglalaway dun sa crush mo."

"Ay sorry naman, dun na nga lang ako sumasaya hinahadlangan mo pa."

"Di naman sa ganun. Kaso andami ng job offers sayo dahil napaka-talino mo naman kaso nagpapakahirap ka pa rin dito sa Candy Shop."

Napakagat naman ako sa Reeses na kinakain ko. (Ps: Hindi ko ito kinuha sa shop, talagang baon ko.) Tama nga si Atsui. Marami na akong natatanggap na Job Offers dahil gumraduate ako na Magna Cum Laude noong college pero bakit nga ba hindi ko magawang iwanan 'tong trabaho na ito?

"Malay ko rin kung bakit parang malulungkot ako pag umalis ako dito."

"Dahil yun sa crush mo. Pakilala ka na kasi ng matapos na 'to." suggestion ni Atsui.

Sugar Rush (Kuroko no Basket - Murasakibara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon