Chapter 24 - Rank 10

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako marunong ngumiti sa panahong bad trip ako."

"Edi wow! Hindi ka naman talaga ngumingiti kahit hindi ka badtrip. Ano bang bago?" Si Keith. I just gave her a scowl at hindi na nag salita pa.

Natapos ang flag ceremony na hikab lamang ako ng hikab. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa ng isang story online kaya 'yun, alas dose na yata ako nakatulog. Bumalik agad kami ng classroom after some announcements. Wala na si Celyn doon sa sulok. Nakaupo na siya do'n sa upuan niya sa bandang likod ko at may sinusulat na kung ano sa notebook niya. Umupo na rin naman ako sa upuan ako at noong mapatingin ako sa katabi kong upuan ay tsaka ko lamang napansin na wala pa siya. Nasaan nanaman ang abnormal na 'yun? 'Wag naman na sana siyang ipahanap sa'kin kasi hindi ko na mat-take na mag linis pa ulit ng CR.

"Good morning everyone." Bati sa'min no'ng teacher namin para sa first subject which is Science. Nag check siya ng attendance at pagkatapos ay nag discuss na siya about plate tectonics and volcanic erruptions. Hindi naman naging boring kaya masasabi ko namang may natutunan ako kahit ang utak ko ay nasa bakasyon pa. After ng Science ay Music. And as usual, wala nanaman akong naintindihan dahil kung saan nanaman napunta ang discussion ng teacher namin. Paikot ikot na lang sa Dota at Nota ang sinasabi niya. Nakakairita! Kung sana ang tinuturo na lang niya ay kung pano tumugtog ng instruments at ihands on nila kami do'n ay mas maganda pa. Baka matuwa pa ko dahil gusto kong matutong mag guitar at mag drums. Kaya lang hindi eh, nauubos ang isang oras namin sa walang patutunguhan na discussion.

Kung pwede lang talagang hindi pasukan ang subject na ito, ginawa ko na.

Noong mag recess na ay pinauna ko na muna 'yung tatlo sa canteen para mag reserve ng table. Mag tatanong pa sana sila kung bakit pero nilayasan ko na sila at pumunta na ko ng restroom para mag hilamos. Habang pinupunasan ko ang mukha ko ng towel ay may pumasok na babae at nag hugas ng kamay. Si Rielyn.

"Hi." Bati ko na ikinagulat naman niya. Isa pa ito, OA.

"H-Hi! Mag isa ka yata? Nasaan ang mga kaibigan mo?" She stuttered.

"Nasa canteen, pinauna ko na. Sige aalis na rin ako." Iiwan ko na sana siya ngunit tinawag niya muli ako. I was already facing the door and I didn't bother to turned around just to face her.

"Chasey saglit..."

"Bakit?"

"Sorry."

"For what?" I arched my eyebrow.

"For some things..." Pagkatapos no'n ay siya na mismo ang naunang umalis. Tiningnan ko lamang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napailing ako.

That girl, dapat ako ang mauunang mag walk out sa'ming dalawa eh!

Pumunta na ko ng canteen at umorder lamang ako ng pasta and fries bago ako dumiretso sa table namin. Grabe, wala talaga ako sa mood ngayon. Parang gusto ko na lang matulog buong hapon at sa susunod na araw na lang gumising. Walang kwenta ang pag hihilamos ko, bwisit!

"Saan ka nag punta?"

"Ginising ko lang ang sarili ko."

"Ha? Bakit tulog ka ba kanina? Hindi naman ah."

"Ewan ko sa'yo. Kausapin mo ang sarili mong slow ka." Sabi ko at natawa naman 'yung dalawa. Nag pout naman si Ella at kinausap nga ang sarili niya. Baliw.

Patapos na 'kong kumain noong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng skirt ko. Pag tingin ko, new email from underground site kaya inopen ko agad.

UG wbste_
Bad girl in Silence rank TOP 10 on MPG. Good start badgirls.

I smirked upon reading it. "Guys, top 10." Mahina kong sinabi at inexit ko na ang email app ko. Gulat naman silang napatingin sa'kin. "Hindi nga? Agad?" Keith asked surprised.

"Yup."

"So kaylangan na nating ibalik 'yung logo natin? Nakapasok na ulit tayo sa rank eh." Tumango naman ako sa sinabi ni Erickha. Kapag kasi ang isang gang nakapasok na sa ranking kaylangan na nilang magsubmit ng logo sa site para maregister na sila, officially. At dahil dati naman na kaming group ay may logo na kami, hindi na problema.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami ng room. Habang nag lalakad ako ay tinext ko siya.

I made it. ;)

Pagkasend ko no'n ay ilang segundo lamang ay nag reply na siya.

Yeah. Saw it on the site. Good job Andrei. :)

To be Continued...

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now