Naglahad siya ng kamay sa akin. He's always formal. Lalo na pag nakikita ng katrabaho. Tinanggap ko ang kamay niya.

"Congratulations! You did well!"

Tumawa ako. "Kabado nga ako. First time ko itong mag shoot ng two piece."

"Bakit ka kakabahan? Dapat matagal mo na itong ginagawa!" tawa ng photographer.

Ngumiti ako. "I'm sure, masusundan pa 'yan if ever. I just need a more toned body," sabi ko.

"You have a toned body," ani Duke.

Napatingin ang photographer sa aming dalawa. Nahiya ako lalo na nang nag ngising aso ito. Parang may naiisip ito tungkol sa amin ni Duke.

Mabuti na lang at hindi naman kami nagtagal doon. Niyaya ako ni Duke na mag dinner sa isang restaurant. Bago ang shoot ay nagyaya siyang susunduin niya ako. Tutal ay pupunta naman siya para ma check ang completion ng catalogue nila for the wet season kaya pumayag na ako. Besides, ano namang masama doon, hindi ba?

Sa isang chinese restaurant kami nag punta sa BGC para kumain. Kaming dalawa lang kaya nagising na naman ang pagiging uncomfortable ko.

Matagal na kaming magkasama. Kahit sa Dubai, matagal na kami doon pero kadalasan may iba pang tao. Hindi iyong kami lang dalawa.

"By the way, alam mo bang nagpa exams na kami sa mga ititrain na managers?" tanong niya. "Iyong mga HR na ang binigyan ko ng trabaho dahil alam kong busy ka this week because of the shoot."

Tumango ako. "Alam ko, syempre. Kailan ba iyong panel interview at sino ang makakasama ko? I'm surprised you did not give me a memo yet..."

"I know you're busy. You sure you want to handle this? Hindi ba ay nag file ka ng ilang araw na leave next month? Malapit na iyon, ah? At para saan?"

Halos masamid ako sa napuna ni Duke. Napainom ako ng tubig. Yes, I filed a leave. Five days leave, to be exact. Matagal din iyon ha? Syempre, para makasama ako sa kasal ni April. Napagtanto ko rin kasing ngayon lang ulit ako babalik ng Alegria, lulubus lubusin ko na.

"Uuwi ako ng Alegria," sabi ko.

"Alegria? Probinsya n'yo?"

Tumango ako. "Probinsya ng papa ko. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakabisita."

"Oh! Little vacation. Limang araw ka doon?" tanong niya.

"Most probably six or seven days? Uuwi agad ako ng Sabado. May kasal akong sasalihan that week."

"Oh! That's good. And besides, it's about time you go and visit there, right?"

"Yup..." Nginitian ko siya.

"Kung ganoon, should I lift the work-"

"No, Duke!"

Minsan ayaw ko talagang binibigyan niya ako ng special treatment sa trabaho. Trabaho ng ilang HR ang pag coconduct ng exam at mag panel sa interview na pangungunahan ko dapat. Sa akin niya dapat ibigay ang trabahong iyon. At least. Hindi pwedeng hanggang records lang ako.

"O sige. Then that's next week. Irereview mo pa lahat ng files na nakalap ng mga HR. Bibigyan kita ng memo sa Monday at naroon ang lista ng panel na kasama mo. I'll send you the files of the applicants tonight."

Tumango ako. Kahit ano pa 'yan, tatanggapin ko 'yan dahil trabaho ko 'yan.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin tungkol sa trabaho ay may pumasok na mga lalaki sa restaurant. Napalingon ako dahil nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mga mukha.

Nanlaki ang mga mata ko. It's been a long time!

"Rosie!"

Lumapit si Leo at Louie sa akin. May mga kasama silang ilan pang lalaki na hindi ko na kilala. Kumalabog ang puso ko at tiningnan muli ang mga kasama nila. Jacob was not there. Umupo ang mga ito sa lamesang malapit sa amin ni Duke. Si Leo at Louie ay lumapit sa akin.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora