"Order na tayo?" Pukaw ni Panini sa amin. Nag sitanguan naman sina Zac. Nag prisinta si Zac na sya ang pupunta sa counter.

After madala ang mga order namin, syempre lafang na. Chos!

"Guys, kuha lang ako ng tissue" sabi ni Panini.

"Kuha mo na rin ako." Sabi ni Jeric.

Habang kumukuha si Panini ng tissue, pansin ko naman ang daming pumapasok na costumers. Wow, talagang bentang benta ang mga cake and coffee nila. Masarap naman talaga eh.

"Ano kayang mas masarap pa dito?" Tanong ko.

"Ay letse plan!" Biglang may sumigaw na babae dun sa may counter.

"Letse plan daw masarap..." birong sagot sa akin ni Jeric. Inirapan ko sya. Wala namang leche plan dito sa loob ng café. Pero natigilan kami ng marecognize namin yung boses.

"Hala, natapunan nung chiks si Panini ng kape." sabad ni Mike.

Nagtinginan kami, naku lagot!

Oh no!

****

(Gwen)

Nasa loob kami ng isang coffee shop. Masarap naman kape dito, ganun din yung mga cake. Puro sweets yung tinda. Jusko, balak yata ng mga magtitinda dito patayin kami sa diabetis ah, chos.

"Miss penge pong tissue" sabi ko dun sa babae sa counter. Tumango sya at kumuha ng tissue.

"Salamat po" nakangiti kong sabi.

Habang nag lalakad ako papunta sa mga pinsan ko pansin ko naman yung mga pag turo turo nila sa mga chiks na dumadaan sa gilid nila.

Nakakapag taka lang kasi, ang gugwapo naman ng mga pinsan kong lalaki, pero ni isa wala silang niligawang babae. Para bang hindi pa sila handa, yung ganun. Ang dahilan naman ni Zac, pag daw may trabaho na sya saka daw sya manliligaw.

Sina Jeric, Vince at Mike naman ka-M.U lang.

"Ay letse plan!" Sigaw ko. May bumangga na sa kin at sa kasamaang palad natapunan ako ng dala dala nyang cold coffee. Juiceko buti nalang cold, kung mainit paso ang balat ko. Nipis pa naman ng suot ko.

"Naku, sorry. Sorry miss" pagpapaumanhin nya sabay punas ng panyo sa may natapunang part.

"Sige, okay lang." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yung mga pinsan ko naman nakatingin lang, hindi sa akin ah, dun sa babaeng nag pupunas ng panyo sa may bandang ibaba ng dibdib ko.

"No, your not okay. Come here." Sabi nya sabay hila sa banyo.

"Miss, okay lang naman ako." Sabi ko sa kanya. Nakaka-akwkward kaya. Ibaba ng dibdib ko yung pinupunasan nya.

"I think your not, buti na lang malamig yung coffee ko." Slung na sabi nya.

"Buti nga" bulong ko. Naka-encounter na naman ako ng englishera na nagpupumilit magtagalog. -.-

"What?"

"Ah, wala. Sabi ko tara na sa labas. Babayran ko na lang yung kape mo. Ako rin naman ang may kasalanan eh" sabi ko sa kanya.

"No, it's okay. Kahit wag na lang. Dadating naman ate ko, sya nalang bibili ng another coffee. Sorry talaga ah" sincere nyang pagkakasabi.

"Sorry din. Sige labas na ako" sabi ko bago naunang lumabas kaysa sa kanya.

Nag lakad na ako papunta sa table nina Ella. Nakatingin sila sa basang part ng damit ko.

"Ang daming natapon sayo" puna ni Ella.

"Oo nga, ang duling mo kasi" sabi naman ni Zac.

Inirapan ko na lang sila. Imbes na mag aalala, ako pa ang sinisi nila. Mga sira kasi.

"Bilisan nyo na lang. Mag tuturo pa ako ah, at mag papalit na rin ako." Mataray kong turan sa kanila.

"Ito na nga eh, habang naglalakad tayo, saka na lang natin uubusin. Tara na guys" aya ni Ella.

Nag sitanguan naman kami at tumayo. Pag tayo ko pa lang may bumunggo na naman sa akin.

"Ay bwiset!"

Isa pa talaga! May nakabunggo na sa akin kanina tapos meron ulit. Bakit ba ang dami daming bumubunggo sa akin?! Hindi naman ako maliit ah, tama lang naman yung height ko.

Nakakaimbyerna na!

"Ano ba! Hindi ka—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko matapos makita ko kung sino ang nakabunggo sa akin.

"Ms. Vien!" Bati ni Ella. Nakibati na rin sina Zac, Jeric at ibang pinsan ko. Ako naman nakatingin lang. Gulat din syang nakatingin sa akin.

"Hi, Ella." Bati nya tapos tumingin ulit sa akin. Hindi sya ngumiti oh bumati man lang.

"Sorry" pabulong nyang sabi, mukhang hindi rin palagay sa loob nya makipag-usap sa akin. Matapos nyang mag-sorry, muli syang naglakad patungo sa loob.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Dahil ba, hindi nya ako binati oh, yung pakiramdam ko na iniiwasan nya ako.

Bago kami makalabas ng shop lumingon pa ako kay Ms. Vien, masaya syang kausap yung boyfriend nya habang nasa counter sila.

After nya ako landiin ng ilang araw, halikan tapos ano? Hindi na nya ako papansinin matapos gawin nya yon? Ipapamukha sa akin na may boyfriend sya at masaya sya sa boyfriend nya.

Alam mo naman na may boyfriend sya. Wag kang umasa na may pag-asa kayo.

Oo na. Alam ko naman na may limitasyon din ako. May mali din kung sakaling maging kami. Dahil isa syang guro at isa nya akong studyante.

"Panini? Okay ka lang?" Bulong na tanong sa akin ni Ella.

"H-Ha? Oo na naman." Sagot ko sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko, hindi ko sila sinabayan habang mabagal silang naglalakad na animoy nasa gitna ng buwan.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip sa akin ni Ms. Vien. Sinabihan nya ako ng 'I like you' pero binawi nya rin naman agad ng 'I like you as my student' oh di ba nakakalito. Hindi ko alam kung ganon syang clingy. Napakasobra naman nang pag kaclingy nya kung pati labi ko hinahalikan nya. Nakalalito sya. Mas mabuti sigurong iwasan ko na rin sya. Baka lalong lumalim yung pagtingin ko sa kanya.

. . .

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon