Umakyat naman sa stage si Hommer at nagsimula ng magsalita. "Janica and Zach, congratulations to your successful wedding!" Sabi niya ng nakaharap sa dalawa sa may gawing kanan ng stage bago magsalita ulit. "I met her back when we were in high school. That time, I noticed that she was very quiet, that's why I approached her. And after that, lagi na kaming magkasama. Simula pagpasok hanggang pag-uwi kami na ang magkasama. Kaya nga tinatanong kami ng mga classmate namin kung kami raw ba, tinatawanan lang namin sila." Napatawa siya sa sinabi niya. Ganun din si Janica pero si Zacharias ay tahimik lang na nakatingin kay Hommer.

"That's impossible because she treated me as her handsome older brother." Natawa kami sa sinabi niya. Handsome nga ba? "Zach, pare, take care of my bestfriend. I hope you can make her happy. Ikaw naman Janica, huwag ng tatamad tamad ha. Magbagong buhay ka na lalo na ngayon may asawa ka na. Pero joke lang 'yon. Again, congratulations sa inyong dalawa!" Pagkasabi niya nito ay bumaba na siya ng stage at bumalik sa inuupuan niya kanina.

"And now, the special message from the best friend of the groom, Ms. Riley Rome." Announced by Reign. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat kaya naman umakyat na ako ng stage.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng nasa stage na ako. Nasa harap ko ang mic pero di ko alam kung paano ako magsisimulang magsalita. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Bigla ko tuloy naalala noong mga panahon na high school pa lang kami. Everytime na lalaban kami ay lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa amin. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, nakatingin silang lahat sa 'kin dahil sa inaabangan nila ang sasabihin ko sa taong mahal ko. Maybe this will be my last message for him.

Humarap ako sa dalawa at nakangiting bumati ng "Zacharias and Janica, congratulations!"

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga tao. "Zacharias. I'm the only one who called him by his real name. Hindi ako sanay na tawagin siyang Zach. He's a good catch. Naks! Siya 'yong tipo ng tao na tumutupad sa usapan. Ayaw niya ng nale-late. Mas madalas pang masungit kaysa mabait. Laging napapansin ang mga kamalian ko kaya naman palagi kaming nag-aaway dahil baligtad kami ng ugali. Pero kahit ganyan 'yan, maaalalahanin siya, sobra.

"Nakatulugan ko lang ang pag-rereply sa kaniya, hindi na 'yan mapapakali. Masaya kasama kahit medyo tahimik. At higit sa lahat, lampa! Naalala ko pa nga kung paano kami nagkakilalala noong grade 1 pa lang kami, nadulas kasi siya sa harap ko. At 'yon 'yong eksenang hinding-hindi ko makakalimutan. Kung hindi siya nadulas sa harap ko, hindi ko mararating kung ano ako ngayon. Hindi ko nakilala ang isang Zacharias Agustin.

"He's the one who let me see the light, who show me how beautiful the world is. I could say that, without him I'm nothing. That's why Mr. Zacharias Agustin, thank you very much! Also to my idiot friends, thank you. I will never forget the time when we formed the Band-A. Lahat tayo nagsisimula sa letter R ang pangalan maliban kay Zacharias. Kasi nga he's an exceptional person. Just kidding.

"We've joined competitions, but even once, we didn't win. Ang dami talaga nating magagandang alaala magkakasama pero simula sa araw na ito, once in a blue moon ka na lang namin makakasama. Nakakalungkot mang isipin pero sana huwag mo kaming kakalimutan, Zacharias. Mamimiss ka namin, sobra. Anyway, because I'm a good singer, I want to dedicate this song to you.

"The story starts laying in the dark with someone new
I'm feeling tired from all the time I spent on you
But I know I'm strong from all the trouble I've been through
The story starts where the story falls apart with you"

Nagulat ako ng bigla niya akong sabayan kumanta. Oo nga pala, favorite song namin itong dalawa.

"Don't lie, bright eyes
Is it me that you see when you fall asleep?
Cause I know it's you
I dream about everynight
Giving me a feeling liked
Love in the summer
Way I've never felt with another
Don't lie, bright eyes
Is it me that you see?
Tell me I'm not dreaming alone"

Please... Tell me that you love me too. Tell me that I'm not the only one who's dreaming here. Tell me that even once, you fall for me. Goodbye, Zacharias. Sayonara.

"Thank you very much, Zacharias. Thanks for everything. Ayan, naiiyak na tuloy ako. I hope you'll become a responsible husband to Janica just like being a responsible friend to me, to us. Best wishes to both of you and congratulations!" Sabi ko at bumaba na ng stage. Thanks God hindi ako napaiyak.

Dumiretso ako ng upo papunta sa pwesto namin katabi si Ryner at Risha. This got to be the end.

"Nice message." Bati ni Ryner.

I rolled my eyes. "I know."

"Kung alam ko lang, paiyak ka na talaga kanina."

"Ang kapal nito! Hindi kaya!"

"Sus, halatang halata kaya!"

"Huwag kang epal Ryner kung ayaw mong sabihin ko kay---"

"Okay na, okay na. Mananahimik na ako. Ang daldal mo." Naka-poker face na pagsuko ni Ryner.

"Everyone, let's cheer for the new couple." Tumayo kaming lahat habang may hawak na wine glass. "Cheers!"

"Cheers!" At humigop ako ng kaunting wine.

Nagkagulo na ang lahat. Nagsimula ng magkainan pero ako, heto, sa bar counter pumwesto at kumuha ng isang boteng alak. Sigurado naman akong walang makakapansin sa 'kin dahil busy na ang lahat.

Isang ginang ang tumabi sa 'kin ng upo. Si Mama Charlita, ang nanay ni Zacharias. She became my second mother after my parents passed away.

"Hija, 'wag ka ng uminom. Alam mo namang masama 'yan sa kalusugan."

"Okay lang po ako mama. Ito lang kasi 'yong tingin kong way para maalis ang sakit na nararamdaman ko."

She hugged me. "I'm sorry kung wala akong nagawa para pigilan ang pagpapakasal ni Zach. You know naman na Zach's happiness is my priority."

Oo, alam niyang mahal ko si Zacharias kaya nga isa siya sa mga nadismaya ng malamang sa ibang babae pala ikakasal ang anak nito.

"Okay lang po 'yon. Sanay na rin naman po akong mahirapan."

Umalis na ako sa pagkakayakap sa kaniya at umayos ng upo. Nagpunas-punas ng mga luhang tulo ng tulo.

"Hija, I will show you something." Ibinigay niya sa akin ang phone niya. Tinitigan ko ang nasa larawan. Baby picture ito ni Zacharias. Ang taba niya dito, as in sobrang taba talaga. Ang sarap niyang kurutin ng nailcutter. Joke!

Sumunod ay ang picture naming dalawa nung grade 1 kami. Iyon 'yong time na nadulas siya sa harap ko na sakto namang napicturan ng mama niya. At pangatlo, 'yong picture naming buong section, first year high school, pagkatapos ng unang contest na nilabanan naming lima as classroom representative. Beast mode ang hitsura niya dito samantalang ako ay todo ngiti. Tuwang-tuwa pa kahit natalo kami. 'Yong tatlo din ay nakangiti rin sa picture. Bukod tanging siya lang talaga ang malungkot kasi bigdeal talaga sa kaniya ang contest na 'to.

"Tignan mo si Zach. Mukhang ang lungkot niya dito. Para siyang batang nalugi." Natatawang sabi ni Mama Charlita.

Bakit ganito? Bakit parang ayaw kong malungkot siya sa picture na 'yon? Bakit gusto ko na maging masaya siya noong araw na 'yon? Gusto ko makita siyang nakangiti... Pero paano?

UNDONE (Time Traveler)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora