DUDP: Watch out

1K 7 0
                                    

*****

Dia's POV

yawn*~

" Hindi ako makatulog. " Sabay bangon ko sa kama at isinuot ko ang tsinelas ko at nagtungo sa bintana.

" Gusto ko talagang maging tao. Pero papaano? " Nagsigh ako saglit at bigla akong napalingon sa pagbukas ng pintuan.







" Sky? "

" Bakit gising ka pa? Teka, wag mong sabihin na ikaw yung pumunta sa kwarto namin sa form mong pusa? " Tanong ni Sky na kasalukuyang papasok sa kwarto ko.

" Ano ka ba Sky? Hindi pa ako lumalabas ng kwarto simula nung inihatid mo ako dito. "

Itinuro niya ako na ikinagulat ko. Ano bang problema niya?
" Nagsisinungaling ka! Kitang kita ko ang anino mo. " Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

" Aray Sky, nasasaktan ako. "

" Tinatakot mo ba ako? Kami ng kapatid ko? Sabihin mo sa akin na may balak kang masama sa amin! Ano bang gusto mong mangyari ha? "

" S-Sky, nasasaktan sabi ako. Wala akong alam sa sinasabi mo. Bitawan mo na ako. " Mangiyak-iyak na ako dahil sa pagbibintang niya sa akin.

Binitawan niya ako at nagtungo siya sa pintuan. Lumingon sya sa akin at matatalim na mata ang iniwan niya bago siya tuluyan lumabas.

Wala naman akong ginagawang masama e.

Sky's POV

Pagkalabas ko ng pintuan. Nakita ko yung pusa namin sa harapan ko. Tinitigan ko ito at bago ko pa mapagtanto, baka itong pusang ito ang nakita ko at hindi si Diamond.

Napabaling ang tingin ko sa pintuan ni Diamond.

" Napasobra ata ako. " Sabay balik ko ng tingin sa pusang kaharap ko at aking sinipa dahilan para ito'y magtatakbo.

" Bwisit na pusa to. "

Bumalik na ako sa kwarto at nahiga na.

" Ang aga ko na ngang umuwi. Mapupuyat din lang pala ako. Aish! Ampota leche. "

***

Kinabukasan..

Binabangungot ba ako? Pakiramdam ko, parang bumibigat ang katawan ko. Hindi ako makahinga at makagalaw.

" Good Morning Sky! " *poke *poke

Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin ang mukha ng babaeng ito. Ngiting ngiti siya habang pinipindot pindot ang ilong ko.

" Hehehe. "

" Anong ginagawa mo sa ibabaw ko?!!!! " Sabay tulak ko sa kanya at umupo ako. Gumulong naman siya pababa sa kama at parang palaka sa sahig.

" Ang bad bad mo Sky! Bakit mo ko tinulak?! " Sabay pout niya at dali dali siyang tumayo, hinila niya ang damit ko at ako naman ang itinulak niya dahilan para mahulog ako sa kama. Bwisit na babae ito.

" Hahahahaha! Quits. " Sabay peace sign niya at humalakhak na ulit ng tawa.

Tumayo ako at hinigit ang braso niya at inihiga ko siya sa kama. Halatang gulat na gulat siya ng pumaibabaw ako sa kanya. Ipinipiglas niya ang kamay niya pero pinipigilan ko ito.

" S-Sky.. ano.. "

" Anong ano? Huh?.. " Seducing tone kong pagkakasabi.

" Ano kasi.. pwede bang.. ano.. "

" Hmm?? "

" Pwede bang bitawan mo ako at naiihi na ako. Aabutan na kasi ako. Please Please please! "

Binitawan ko naman agad siya at nagtatakbo siya sa banyo. Hanep ang babaeng to. Balak ko pa naman siyang biruin. Tsk. Makababa na nga.

***

Dia's POV

" Finally Pwee~ "

Naglakad na ako palabas sa banyo. Pagkabukas ko. ng pintuan ng kwarto napaatras na lang ako.

" Hi Diamond. Miss me? "

" Dianna? "

*****

Story 8: Diamonds under da PantiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon