“Sabi niya matagal na daw siyang naghahanap ng paraan para makilala ako…”

“…….una niya akong napansin nung rookie year pa lang natin….”

“binigyan niya ako ng nickname na Mikkie…”

“nagagandahan daw siya sa’kin…” Sobrang dami nang pinagsasabi ni Mika pero ‘yung mga huling linya lang ang na-gets ko. Bakit bigla namang umepal ang Kiefer na ‘to sa buhay ni Mika? Team Jeron pa naman ako. Hahahha

Napatalon kami sa sobrang gulat nang may biglang kumatok sa pinto.

“Mika, bumaba ka dali!” Si Kim pala ang kumatok.

“Bakit ba? Nakakatamad kayang bumaba.” Ang OA rin nitong si Mika.

“Ayaw mong bumaba? Sige, amin na lang ‘tong mga donuts mo!” Banta ni Kim.

“Ha? Donuts?” Agad namang binuksan ni Mika ang pinto at nagmamadaling bumaba. Dahil may pagka-chismosa rin ako, sumunod naman ako kay Mika at Kim. Pagdating ko sa baba, nakita kong may dalawang box ng donuts para kay Mika.

“Wow! Krispy Kreme!” Masiglang-masiglang sabi ni Mika.

“Saan ba galing ‘yan?” Tanong ko sa kanila.

“Pinapabigay ni Kiefer Ravena. Siya nga mismo ang naghatid nito.” Sagot ni Kim na may halong pang-aasar kay Mika.

“Ha? Eh ba’t hindi mo man lang ako tinawag para makaharap ko man lang siya?” Nanghihinayang na sabi ni Mika.

“Ye! Ang ganda-ganda mo talaga!” Bigla kasing pumasok si Cienne.

“Ano na naman ba ang ginawa ko?” Tanong naman ni Mika.

Bigla namang itinaas ni Cienne ang kamay niya na may dala-dalang J.CO donuts.

“Wow! Another batch of donuts. Kanino daw galing?” Ito talagang si Kim, puro pagkain ang nasa isip.

“Galing kay Jeron. Nasa labas kasi ako nang dumaan siya. Ipinapabigay daw niya sa’yo.” Pahayag ni Cienne.

“Pati rin si Jeron? Ano ba ‘yan… bakit ba hindi niyo ako tinawag?” Sabi ni Mika.

“Sabi ko kasi sa kanya baka nagpapahinga ka na. Ayaw naman daw niyang maka-isturbo kaya pinabibigay na lang niya sa’yo.” Inabot na ni Cienne ang box. Nakita kong may note pala na nakalagay sa ibabaw ng box. Kinuha ni Mika ang note at binasa. Nakibasa na rin ako sa note.

 

Mika,

I’m sorry sa ginawa ko kanina. I swear something came up kaya kailangan kong umalis. I’m deeply sorry. Sana hindi ka pa na-trauma sa nangyari kanina ‘cause I’m hoping na masusundan pa ‘yun. Sobrang nag-enjoy talaga ako na kasama ka. I heard from someone that you like donuts. Hope you like what I sent you, peace offering ko na rin. Take care & good luck sa next game n’yo! :)

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now