"Anak, gusto mo bang magluto ako ng sinigang na baboy mamayang tanghalian?" She asked as if she couldn't see the worry on my face.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang emosyong ayokong makita niya. Niyakap ko siya mula sa likod. Gamit ang malayang kamay ay inabot niya ang aking ulo at hinaplos ang aking buhok.

Alam kong hindi ko siya mapipigilan kaya hinayaan ko na lang siya.

"Pagluluto mo ako nay?" Pinigil ko ang paggaralgal ng boses at nagpasalamat nang mapagtagumpayan iyon. "Sige po. Miss ko na din ang luto mo." I admitted. I really missed the aroma of the viands she's used to prepare for us.

"Oo ba. Pati ginisang ampalaya para kay Nymph at adobong manok para kay Neo."

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi na halos ikadugo nito. Unti-unti kong kinalas ang yakap sa kanya at tumalikod. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi at tinakpan ang aking bibig para pigilan ang paghikbi.

"Millicent?"

"P-po?"

Mabilis kong tinuyo ang aking luha. Sinigurado ko munang hindi niya mahahalata ang pag-iyak ko bago siya lingunin.

"Kayo na ba ni Phoenix?" Pinatay niya ang kalan at hinarap ako. Hinihintay niya ang aking sagot.

Dahan-dahan akong tumango. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi. Maganda pa rin talaga siya kahit wala na siyang ni isang buhok. Her beauty was unquestionable.

"Kelan pa? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" Lumapit siya sa akin dala-dala ang nilutong sinangag na may mga nakahalong hiniwang hotdog, itlog, at green peas.

That was my favorite breakfast since I was a kid. Napangiti ako. Inilapag niya ito sa lamesa. Agad ko naman siyang pinag-isod ng bangko para makaupo.

"Nung isang araw po." Umupo ako sa tapat niya. "Pasensya na kung hindi rin po ako nakauwi nung gabing 'yon."

Nagsimula akong magkwento tungkol sa mga nangyari. She listened to me raptly. Nang matapos ay umiling-iling siya at inabot ang aking kamay.

"Sa tingin mo ba nay, naging makasarili ako? Alam kong masasaktan si Monica kapag nalaman niyang kami na ni Phoenix."

"Hindi pagiging makasarili ang ginawa mo, Millicent. Sadyang sinunod mo lang ang nararamdaman mo. Oras na para sumaya kang muli, anak. Matinding pagkadapa ang dinanas mo kay Nigel. Karapatan mong bumangon. Karapatan mong maging masaya. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magsakripisyo para sa ibang tao." Tumayo ang nanay at niyakap ako. Hinalikan niya ang aking ulo. "Malaki ang tiwala ko kay Phoenix. Gagawin niya ang lahat para sumaya ka. Madami na din siyang naisakripisyo para sayo."

Hindi ako nakapagsalita dahil tama siya. Mabuti na lang at nagising na din sina Neo at Nymph. Masaya kaming kumain ng agahan hanggang sa matapos kami at marinig ko ang pag-iingay ng aking cellphone.

It's him. Agad kong binasa ang kanyang mensahe.

Phoenix:

Good morning, binibini. Have you already had your breakfast?

Agad akong nagtipa sa keypad ng aking cellphone.

Me:

Good morning din. :) Katatapos lang. Where are you?

Phoenix:

Already at work. Kausap ang secretary ko.

Me:

May kausap ka pala. Mamaya ka na magtext, baka nakakaistorbo ako.

Hinintay ko ang text niya. Akala ko'y hindi na siya magrereply dahil medyo tumagal bago muling tumunog ang cellphone ko, pero nagkamali ako.

SurrenderWhere stories live. Discover now