"Sinabing wag magsalita eh."

 

"Eh bakit ba ayaw mo akong magsalita?!"

Tinaasan niya pa talaga ako ng boses. Humarap ako sa kanya. "Basta!"

 

"Anong basta?!"

 

"Wag ka nga sumigaw!"

 

"Ikaw din naman nakasigaw ah!"

Tumahimik nalang ulit ako at tumalikod sa kanya.

“Hoy! Bakit nga ayaw mo akong magsalita?!"

 

"Tumahimik ka nalang pwede?"

 

"Tatahimik lang ako pag binigyan mo ako ng reason."

 

"Kasi.. Ano.. Uhm.." Ay taena! Bakit wala akong maisip na reason. Bakit nga ba? "Kasi naiirita ako sa boses mo." *palm face* anong reason yun Flame? Aish!

 

"Ok. Bakit parang biglang uminit yung ulo mo sa akin?" Ang kulit naman niya. Nilingon ko siya.

 

"Alam mo, ang kulit mo. Binigyan na nga kita ng reason diba. Ano pa bang gusto mo?!"

 

"Ikaw." Nagulat ako sa sinabi niya at parang pati siya kaya napatakip siyang bunganga. Napatalikod ako kaagad dahil parang namumula ako.

Patay!

Narinig kong bulong niya.

Napasmirk lang ako sa sinabi niya. So, gusto pala niya ako ha. Mapagtripan nga…

 

"I mean. Ikaw! Sobrang sungit mo talaga kahit kailan.".  Sana makalusot ako.

 

Psh! Kung alam niya lang na kaya kong basahin yung iniisip niya. Hindi na neto kinakausap sarili niya.

Humarap ako sa kanya at binigyan ng isang nakakalokong ngiti. Yung parang nagseseduce.

"Is that what it really is? Bakit hindi mo nalang aminin sa akin na you like me?"

Hindi siya nakasagot dahil parang nataken back siya sa sinabi ko. Kahit ako din, nagulat ako sa sinabi ko.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGOnde histórias criam vida. Descubra agora